Endless~[31]

3.3K 106 1
                                    


◇CONFESSION◇


Hazelle's POV,

Pagkatapos ng malaking trahedya na nangyari sa unibersidad, ay balik klase parin ang lahat ng estudyante. Maraming nawalan ng buhay dahil sa gulo na ginawa ng mga Hondeval dahil sa makasarili nilang pagnanasa, at yun ay ang mapasakanila ang lahat ng kapangyarihan para mapasunod nila ang lahat ng tao.

Naghanda ng pagtitipon ang Principal namin para magbigay galang sa lahat ng estudyante na walang kalaban laban na namatay at para din sa mga mahal sa buhay ng nawalan.

"Hindi na ko babati ng magandang umaga sa inyong lahat, dahil alam ko namang hindi masayang pagtitipon ang gaganapin natin ngayon. Ang pagtitipon na 'to ay aking pinahanda upang tayong lahat ay makiramay sa lahat ng estudyante na aksidenteng maagang nawala sa mundong ito dahil sa mga taong nabubuhay lang kundi puro kapangyarihan ang hangad sa buhay. Sa mga mahal sa buhay ng mga estudyanteng pumanaw na, lubos po kaming nakikiramay sa pagkawala ng inyong mga minamahal. At sa lahat ng mga nandito ngayon, ipagpasalamat nating lahat sa maykapal na magkakasama pa tayo hanggang ngayon, kasama ang mga mahal natin sa buhay. Ang pagsubok na dumaan satin ang hindi makakapag patigil sa inyo na abutin ang mga pangarap nyo. Magsilbi sanang aral ang nangyaring ito na kahit anong pagsubok ang pagdaanan nyo, huwag kayong susuko na ipaglaban ang mga sarili nyo. Hindi ko maipapangako na mananatili ng tahimik ang ating eskwelahan, pero gagawin namin ang lahat, maging ligtas lang kayong lahat. Ipagpatuloy nyong abutin ang mga pangarap nyo, at gagawin namin ang lahat para maabot nyo ang mga yun" ani ng Principal at umakyat ang dalawa sa guidance office counselor ng buong unibersidad. May hawak silang dalawang kalapati at may nagbigay din sa Principal ng isang puting kalapati.

Sabay sabay nilang pinalipad ang tatlong kalapati sa kalangitan, kasabay non ang pagpapalipad din ng lahat ng estudyante ng mga lobo na hawak namin.

Habang tinitignan ko ang unti unting paglipad ng mga lobo sa itaas ay naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Tinignan ko naman ang lalaking nasa tabi ko at binigyan nya ko ng ngiti na lubos na nakapag pakalma ng puso ko. Binigyan ko din sya ng simpleng ngiti.

***

Naglakakad na kaming dalawa ni Dylan papunta ng canteen pero habang hinahalungkat ko ang bag ko ay napansin kong nawawala ang cellphone ko.

"Dylan, mauna ka na sa canteen. Nakalimutan ko ata yung cellphone ko sa locker" sabi ko sakanya.

"Sige samahan nalang kita" aniya pero agad akong umiling.

"Hindi na, mabilis lang ako sige na. Tsaka para makabili ka narin ng pagkain natin, mahaba haba na sigurado ang pila dun" sagot ko kaya wala syang nagawa kundi tumango nalang at naglakad na palayo.

Bumalik naman ako sa may locker room para tignan kung nasaan ang cellphone ko pero napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ang pamilyar na lalaki na nakasandal malapit sa may locker habang naka suksok sa bulsa ang dalawang kamay.

Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad, ng nalampasan ko sya ay akala ko makakahinga na ko ng maluwag pero nahuli nya ang pulsuhan ko at marahas akong sinandal sa pader.

"Bat mo ko iniiwasan?" Seryoso nyang tanong kaya agad kumunot ang noo ko.

"Hindi kita iniiwasan Lincoln. Tapos na ang usapan nyo ni Dylan kaya hindi nanatin kailangang magkita o mag usap pa" sagot ko.

Mapait naman sya tumawa at matalim akong tiningnan.

"Ganon nalang yun? Sa lahat ng pinagsamahan natin, ni hindi mo manlang ba ko tinuring na kaibigan? O baka naman kaya mo talaga ako nilalayuan, dahil natatakot ka na mahulog sakin?" Aniya na ikinagulat ko.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo para tanungin sakin yan. Para sabihin ko sayo ngayon, hinding hindi ako magkakagusto sa isang lalaking katulad mo. Si Dylan lang ang laman ng puso ko, at hindi mo sya mapapaltan sa pwesto nya sa buhay ko" sagot ko.

Nakita ko naman ang pagtitig nya sa mata ko. Iniwas ko na ang tingin ko sakanya dahil hindi ko makayanan ang titig na binibigay nya sakin, alam kong mga mata ni Ate Delaney ang hinahanap ng mga mata nya.

"Ibang iba ka nung gabing nakita kita. Totoo ba? Ikaw ang bumaril kay Felix? Kelan ka pa natuto humawak ng baril?" Sunod sunod nyang tanong na agad nakapag pakaba ng dibdib ko.

Naalala ko ang paki usap sakin ni Ate Delaney bago sya umalis. Mas lalo akong kinabahan ng may sunod syang sinabi sakin.

"Nung gabing nabaril ako, ikaw ang gumamot sakin diba? Ikaw yung kayakap ko, yung humawak ng kamay ko, yung tumitig deretso sa mga mata ko. Ikaw yung nagpuno ng pangungulila ko sakanya. Bat iba ang nararamdaman ko nung gabing yun sayo? Bat mo ginawa ang lahat ng yun? Posible bang may gu-" pinutol ko agad ang sinasabi nya.

"Imahinasyon mo lang ang lahat ng yun Lincoln. Alam mo rin naman sa sarili mo na si Delaney lang ang gumagawa ng lahat ng yun sayo diba? Kaya imposible ang mga sinasabi mo" pagsisinungaling ko na nakapag pabigat ng dibdib ko. Ayokong nagsisinungaling sa isang tao, kahit pa kay Lincoln.

Pero alam ko rin na darating ang araw na malalaman na nya ang lahat.

Nakita ko ang paglungkot ng mata nya at ang malungkot nyang pag ngiti. Lumayo na sya sakin at bumuntong hininga.

"Alam ko rin naman yun. Her existence gives me shivers everytime. Nagtataka din ako kung bakit ko naramdaman yun nung gabing yun. Maybe your right. Binisita nya lang ako sa panaginip ko. Sana hindi nalang ako nagising, para makasama ko na sya ulit" aniya na nakapag pakirot ng puso ko.

Malamya syang tumawa at tumingin muli sakin. Pero agad akong napa atras muli at mas lalong dinikit ang buong katawan sa pader ng muli nanamang lumapit sakin si Lincoln at sobra rin magkalapit ang mga mukha namin.

"Alam kong hindi nanatin kailangan magkita o mag usap pa. But I just can't help to look at you. You really reminds of her. Makita lang kita sa isang araw, buo na ang araw ko. Kahit papaano, nababawasan ang pangungulila ko sakanya. Nakakatawa man sabihin pero, nahuhulog na ata ako sayo Ms. Mendoza" aniya na lubhang nakapag pagulat sakin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, o may dapat nga ba ko sabihin? Pero sa kabila ng lahat, mali ang nararamdaman nya.

"Mali ang nararamdaman mo Lincoln. At sigurado akong hindi ako ang hinahanap ng puso mo, dahil alam mo naman na isang tao lang ang nag mamay ari nyan diba? Huwag lang puro isip ang paganahin mo, mas pakinggan mo ang nilalaman ng puso mo. Dahil ang isip, maraming pumapasok dyan, pero ang puso, iisa lang ang magpapatibok nyan. Alam ko kung gaano ka nangungulila kay Delaney, at handa akong damayan ka. Pero hindi sa paraan na gusto mo. Handa akong maging kaibigan mo, alam ko naman na mabuti kang tao kaya wala naman ako siguro dapat ikabahala diba? May tiwala ako sayo dahil alam kong hindi ka naman mamahalin ni Delaney kung hindi ka mabuting tao. Pero sana respetuhin mo kaming dalawa ni Dylan. Sa totoo lang, sigurado akong magagalit sya sa oras na malaman nya na nag uusap pa tayo, kaya kung gusto mo makuha ang tiwala nya, respetuhin mo ang relasyon naming dalawa" sagot ko na napansin ko naman na nagpatigil sakanya at ilang minuto nya pinag isipan.

"Bakit parang, kilalang kilala mo na si Delaney?" Bigla nyang tanong na agad kong ikinagulat.

Peke akong tumawa at umiwas agad ng tingin.

"Ano ka ba? Hindi noh. Ano tingin mo samin, magpinsan? Magkapatid?" Biro ko pero napatigil ako ng tawa ng seryoso muli syang nagsalita.

"Posible nga ba? Posible nga bang, magkadugo kayong dalawa?"

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon