Endless~[01]

7K 158 3
                                    


ANG SIMULA


Hazelle's POV,

Parang kelan lang simula ng umuwi dito sila mama at papa para bisitahin kami at pumunta kami ng bohol para bisitahin sila lolo at lola.

Sa Bohol, duon nagsimula ang lahat. Nakilala ko ang isang lalaking nag ngangalang...Felix.

Sya ang lalaking inakala ko ay isang mabait at magalang na klase ng tao. Pero pakitang tao lang pala nya lahat yon. Naloko nya ko, naloko nya kaming lahat.

Kung hindi ko siguro sya nakilala noon, hindi na siguro dapat nadamay ang mga kaibigan ko, ang mga kapatid ko... at ang lalaking mahal ko.

Nalaman lahat nila mama at papa ang lahat ng dinanas namin sa kamay ni Felix.

Agad silang umuwi dito sa pilipinas at napag desisyonan ng hindi na bumalik sa ibang bansa.

Sa ngayon, wala parin kaming balita tungkol kay Felix. Oo nabaril sya ni Dylan nung gabing yun... pero kinabukasan, nabalitaan nalang namin na wala na daw si Felix sa ospital.

Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang mga pulis sa paghahanap sakanya. Pero isa lang ang alam ko, hanggang ngayon, hindi parin kami nakakawala sa mga kamay nya.

Alam kong nanganganib parin ang mga buhay namin.

"Anak, ano sa tingin mo? Mas maganda itong bahay na 'to kesa sa dati nating tinutuluyan diba?" Sabi sakin ni mama habang nililibot ang bago naming bahay.

Matagal na pala ito hinuhulugan nila mama at papa kaya nagtyatyaga silang malayo samin.

Simple lang din ang bahay. 2 palapag ito at moderno ang disenyo. Kompleto narin ang mga kagamitan, may salas, may kusina at kainan. May banyo at isang kwarto kung saan matutulog sila mama at pala.

Sa taas ay may dalawang kwarto at isa ring banyo.

"Salamat mama at papa ah? Alam ko po pinaghirapan nyo 'to bilhin para samin. Pero kahit saan po tayo tumira, ok lang po sakin basta magkakasama tayo" sagot ko kaya ngumiti naman si mama at yinakap ako.

"Anak kaya kami nagtatrabaho ng papa nyo para sa kinabukasan nyo. Alam ko masakit para sa inyo sa tuwing umaalis kami. Gustuhin ko man na ako ang dapat ang nag aalaga sa inyo imbis na ibang tao. Wala akong magawa dahil hindi namin kayo mapag aaral ng papa nyo kung sya lang ang magtatrabaho. Alam mo namang hindi sapat ang kinikita ng papa mo noon sa dati nyang trabaho. Pasensya talaga anak ha? Hindi ako naging mabuting ina sa inyo" naluluhang sabi ni mama kaya agad kong hinawakan ang kamay nya.

"Mama wag po kayong magsalita ng ganyan. Mabuti po kayong ina. Alam ko po kung gaano din kahirap para sa inyo ang magtrabaho at malayo samin, at naiinitindihan po namin kayo. Mahal na mahal po namin kayo ni papa at kahit kelan hindi po namin inisip na nagkulang kayo bilang magulang samin" sagot ko.

"Mahal na mahal rin namin kayo ng papa mo anak" sagot ni mama at yinakap ulit ako.

"Oh ma ba't ka naiyak? May masakit ba sayo?" Agad na sabi ni papa kaya umiling si mama at ngumiti.

"Wala pa, masaya lang ako dahil ang swerte swerte natin sa anak natin" sagot ni mama kaya ngumiti si papa.

"Hay nako pagpasensyahan mo na itong mama mo anak ha? Masyado talagang madrama 'to eh. Sana naman hindi mo yun namana... aray ma naman eh biro lang" sagot ni papa kaya nagtawanan kami.

"Nasaan na nga pala yung tatlo mong kuya Hazelle?" Tanong sakin ni mama.

"Andito na po kami ma!"

Agad kaming napalingon sa tatlong lalaking sumigaw mula sa likod namin at agad kaming dinamba ng yakap nila mama at hinalikan isa isa sa pisngi.

Ang s-sweet parin talaga ng tatlong 'to

"Kayong tatlo talaga, kamusta naman ang mga trabaho nyo ah? Wag na wag kong mababalitaan na namba babae kayo kundi ako mismo bubogbog sa inyo" banta ni papa kaya nagtawanan ang mga kuya ko.

"Pa naman, bugbog sarado na nga ko kay Lia babes eh sa tingin nyo mambabae pa ko?" Sagot ni Kuya Evan.

"Eh anong tawag mo sa mga umaaligid na babae sayo dun sa opisina? Wag ka mag alala tol, safe sakin ang sikretong malupit mo" sagot ni Kuya Matt.

"Hoy wag mo ko itulad sayo! Tsaka yung mga lintang yun? Sila ang lapit ng lapit sakin. Kung pwede nga lang na mag resign na ko dun eh" sagot ni Kuya Evan.

"Hoy Kuya Matt baka gusto mong isumbong kita kay Ate Yunna?" Banta ko sakanya kaya nanlaki ang mata ni Kuya Matt.

"E..edi isumbong mo ko, anong pake ko sa babaeng yun?" Sagot ni Kuya Matt.

"T*ngina tol hanggang ngayon ba naman torpe ka parin? Bahala ka pag ikaw naunahan ng iba dyan?" Banta sakanya ni Kuya Evan kaya agad syang nabatukan ni Kuya Matt.

"Hindi ako torpe noh! Sadya talagang hindi ako interesado sa babaeng yun" sagot ni Kuya Matt.

"Tsk, hindi pala interesado ah? Sino kaya yung biglang nanapok ng lalaki dahil pinagnanasaan yung picture ni Yunna sa isang billboard sa may Roxas Boulevard?" Biglang sabat ni Kuya Ethan.

"Ayoko lang sya nababastos ng ganon, hanggang doon lang 'yon" sagot ni Kuya Matt kaya hindi ko mapigilan mapangisi.

"Ang sabihin mo kuya nagseselos ka sa mga kasama nyang lalaking models dun, aminin mo na kuya!" pang aasar ko sakanya at sinundot sundot ko pa ang tagiliran nya.

"Tigilan nyo na nga yang si Matt, halina kayo at kumain. Niluto ko ang paborito nyo" tawag samin ni mama kaya nag si upo na kami.

Bago kami kumain ay nagdasal muna kami.

"Kamusta naman ang paghahanda mo sa kasal nyo Ethan? Kelan ba ang kasalan?" Tanong ni Papa.

"Next month na Papa, konting preparations nalang ay matatapos na" sagot ni Kuya Ethan kaya napangiti kaming lahat.

"Hay, ikakasal na ang anak ko, salamat naman at mag kaka apo na ko" sabi ni mama.

"Ma, sana dati mo pa sinabi na gusto nyo na agad mag ka apo. Di sana nakadalawang apo na kayo agad samin ni Lia babes.... aray bunso naman!" Sagot ni Kuya Evan.

"Bwiset ka kuya! Hindi pa kami graduate baka nakakalimutan mo!?" Sagot ko sakanya.

"Tumigil ka nga Evan. Tama si Hazelle. Wala pa sa tamang panahon para magka anak kayo ni Lia. Nag aaral pa si Lia tsaka alam kong gusto ni Lia na makapag tapos muna ng pag aaral bago yang mga iniisip mo" sagot sakanya ni mama.

"Maiba tayo, kamusta na si Elyzza, Hazelle? Kabuwanan na nya ngayon diba?" Tanong ni papa.

"Opo, sa totoo lang po nag aalala po ako sakanya. Mahina daw po kasi ang kapit ng bata kay Elyzza kaya kung hindi po mag iingat si Elyzza, baka po manganib ang buhay ng baby" sagot ko.

"Sigurado naman ako na hindi sya pababayaan ng fiance nya diba? Ipagdasal nalang natin lagi ang kaligtasan nila" sagot ni mama kaya tumango naman ako.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon