Endless~[28]

3.3K 97 2
                                    


◇FRIEND TALK◇


Hazelle's POV,

"Hazelle, huminahon ka. Magiging maayos lang ang lahat. Magtiwala tayo sakanila, kakayanin nila 'to" pagpapakalma sakin ni Melanie.

Bumuntong hininga naman ako at lumapit sa isang pulis na nagbabantay samin.

"Kuya, hindi parin po ba sya tumatawag sa inyo?" Tanong ko sakanya.

"Pasensya na po Ma'am, pero hindi pa po" sagot nya.

"Eto, uminom ka muna ng tubig. Daig mo ba inaatake sa puso sa itsura mo ngayon" sabi sakin ni Melanie at inabot sakin ang isang baso ng tubig. Agad ko naman yun kinuha at ininom.

"Bakit ikaw ba? Hindi ka nag aalala kay Kyle? Nandon din sya diba?" Tanong ko sakanya.

"Nag aalala. Pero may magagawa ba ko kung pag aalahanin ko lang ang sarili ko sakanya? Wala naman diba? Kaya ang magagawa lang natin ngayon ay mag hintay at magdasal para sa kaligtasan nila" sagot nya.


***

Dylan's POV,

"Mabuti nalang, hindi malalim ang natamo nya sa bala. Natanggal ko narin ang bala na tumama sakanya, kailangan nalang nya mag pahinga at hintayin na maghilom ang sugat nya" paliwanag ni Delaney habang nakatitig sa ngayon ay nakahiga na si Lincoln.

Nandito kaming lahat sa condo ni Lincoln. Dito kaming lahat dumaretso para gamutin ang mga sugat ni Lincoln dahil ayaw daw pumunta ni Lincoln sa kahit anong ospital. May hindi magandang ala ala ang naidudulot nito sakanya na kahit daw si Delaney ay hindi alam kung ano ang ala ala na yun.

"Sa wakas, wala na sya. Wala ng manggugulo ng mga buhay natin. Pero hindi parin dapat tayo magpakampante. Alam nating may uma aaligid paring satin na satanas" komento ni Handrix.

"Sigurado akong nalaman na nya ang nangyari sa anak nya. Hindi naman natin ginusto ang nangyari diba? Nanlaban sya, kaya yun ang nangyari sakanya, deretso sa impyerno ang bagsak nya" sabi naman ni Jonathan.

"Pero hindi ko alam na ganoon ka pala kagaling magpatama ngayon ng baril Delaney, parang dati lang tinuturuan ka pa ni Lincoln gumamit ng baril, pero ngayon, mas magaling ka pa ata sa amin" komento ni Cole. Malamya naman ngumiti si Delaney.

"Simula noong tinuruan nya ko, naging interesado narin talaga ako sa paggamit ng baril. Kaya pinilit kong mag aral mag isa. At ang baril na gamit ko, pinamana sakin ng Mama ko yun. Hindi ko alam kung bakit sya may baril pero sa wakas, nabigyan ko na sya ng hustisya. Hindi ko rin naman intensyon na patayin sya, pero kung hahayaan ko sya na makalaban at makatakas pa, baka hindi na tayo makahanap ng panahon para mahuli sya, at pagbayarin sya sa lahat ng kasalanan nya" sagot ni Delaney.

"Nareport narin namin sa mga pulis ang nangyari, at naiintindihan din naman nila tayo. At lisensyado naman ang baril na ginamit mo, kaya walang kaso na mahahatol sayo" sabi ko.

"Sige mauna na ko, kailangan ko ng balikan sila Hazelle" ani ko pero pinigilan ako ni Delaney.

"Pwede ba kitang maka usap, kahit saglit lang?" Tanong nya.

"Lalabas muna kami" sabi nila Handrix at lumabas muna silang lahat at iniwan kami ni Delaney.

"Tungkol 'to sa ating apat nina Hazelle at Lincoln. Sa palagay ko, hindi na nila kailangan magsama pa. Sa tingin ko naman, ligtas na sya ngayon, at wala ng nagbabanta ng buhay niya. Pero sana Dylan, huwag mo parin sya pababayaan, hindi natin alam kung ano ang pwedeng gawin sa 'tin ng tatay nya" aniya kaya napabuntong hininga ako.

"Mahal ko ang kapatid mo Delaney, at kahit kailan hindi ko hahayaan na masaktan sya. Sa tingin ko rin, ito na ang tamang panahon para bumalik na sa dati ang lahat" sagot ko.

"Alam ko, may sama ka ng loob sakanilang dalawa, alam kong alam mo na ang nangyari sakanilang dalawa dahil sa pagsasama nila. Pero hindi ko rin masisisi si Lincoln, alam kong nadala lang sya ng emosyon nya" paliwanag nya.

"Kasalanan naman natin diba? Tayo ang naglagay sakanila sa gantong sitwasyon, inaamin ko, nasaktan din ako ng sinabi sakin ni Hazelle ang lahat, pero nangyari na ang nangyari. Pasensya narin, dahil sakin, na apektuhan pa tuloy kayong dalawa" pag amin nya.

"Kapatid mo sya, alam kong gusto ka rin nyang tulungan. Tama ka nangyari na ang lahat, wala na tayong magagawa kundi tanggapin nalang ang lahat. Pero inaamin ko rin sayo, hindi lang sumama ang loob ko kay Hazelle, nagalit din ako kay Lincoln, dahil alam naman nyang sa simula pa lang, girlfriend ko ang kapatid mo, pero ng nalaman ko ang ginawa nya, hindi nya nirespeto yun. Sa tingin ko, ginagantihan nya ko sa akala nyang panloloko natin sakanya. Pasensya na kung tatanungin ko sayo 'to pero, hanggang kailan mo balak magtago sakanya? Gusto mo bang, sa iba pa nya malaman ang lahat? O gusto mo pa na sya mismo ang makakita sayo?" Tanong ko. Nakita ko naman na natigilan sya sa tanong ko.

"Sa totoo lang, simula ng bumalik ako dito, gustong gusto ko syang makita. Gusto ko sya maka usap, gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sakanya, na iniwan ko sya. Gusto ko sabihin sakanya na hindi ko ginusto na iwan sya, na paniwalain sya sa isang kasinungalingan. Sana nga, ganon na lang kadali ang bumalik sakanya, na bumalik kami sa dati. Pero bakit ganon, kahit sobrang lapit nanamin sa isa't isa, hindi ko parin magawang humarap sakanya ng totoong ako?" Sagot nya at nakita ko ang pumatak na luha sa mata nya.

"Kung totoong mahal mo sya, gagawin mo ang lahat para mabuo ang nasirang daanan sa pagitan ninyong dalawa. Sa tingin mo ba, babalik ka dito ng walang dahilan? Maaring gusto mo mabigyan ng hustisya ang Mama mo, pero baka kaya ka tinulak ng Mama mo dito, para makabalik ka sa totoo mong kaligayahan? Alam nya siguro na kapag bumalik ka dito, magiging totoo ang mga ngiti na nakikita nya sayo? Na mas nakikita nya ang totoong anak nya na mapagmahal, masiyahin, kapiling ang lalaking laman ng puso nya" sagot ko.

Malamya syang ngumiti at muling tinignan si Lincoln.

"Salamat Dylan, kaibigan talaga kita. Maraming salamat dahil hanggang ngayon, tinutulungan mo parin ako sa lahat ng pagsubok na pinag dadaanan ko" aniya kaya ngumiti din ako.

"Kaibigan? Sinong may sabing kaibigan kita? Matanda ka sakin diba? Ate kita kaya nirerespeto kita, kahit mukha kang child abuse dahil pumatol ka sakin non" sagot ko kaya agad naman nya kong nahampas sa balikat na ikinatawa ko.

"Sira ka talaga! Hanggang ngayon ba naman, issue parin sayo ang edad natin? Isang taon lang ang pagitan natin wag kang OA" sagot nya.

"Sige na mauna na ko, hinihintay na ko ng kapatid mo. Sigurado akong aatakihin na yun sa puso sa sobrang pag aalala sakin" sagot ko at nag paalam na sakanya.

Sana dumating na ang araw na, magka usap na silang dalawa ni Lincoln. Nararamdaman ko na dahil sa pagmamahal nilang dalawa sa isa't isa, magtatagpo muli ang mga puso nila.




Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon