Endless~[18]

3.4K 88 4
                                    


◇BLACK BOX◇

Dahlia's (Lia) POV,

Pa uwi na ko ngayon galing school. Sabi ni Evan ay susunduin nya ko kaya hinihintay ko sya ngayon sa may labas ng school gate.

Tinignan ko ang cellphone ko at hanggang ngayon ay hindi parin sya nag rereply sa text ko.

Susunduin pa ba nya ko?

Bumuntong hininga ako at pumara nalang ng taxi. Pupuntahan ko sya sa opisina nya. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa mga hindi nya pagsagot sa mga text at tawag ko.

Ng makarating na ko sa harap ng building na pinagtatrabahuhan ni Evan ay namuo na ang kaba sa dibdib ko.

Pumasok na ko sa loob at agad dumaretso sa counter.

"Nandyan ba si Evan Mendoza?" Tanong ko. May tiningnan naman na kung ano yung babae sa may monitor at tumingin ulit sakin.

"Yes ma'am, he's currently in his office. Do you have an appointment with him ma'am?" Tanong nya sakin.

"No. Pwede ko ba syang puntahan? I'm his girlfriend" sagot ko. Nakita ko naman ang kaunting pagkagulat sa mukha ng babae.

"G..girlfriend nya po kayo?" Nauutal nyang tanong. Kumunot na ang noo ko at tumango.

"Tatawagan ko po muna si sir para po ma inform sya na nandito kayo" sagot nya pero pinigilan ko sya.

"Hindi na. Saan ba office nya?" Tanong ko.

"5th floor po, 2nd glass door on the right" sagot nya kaya ngumiti ako at agad ng nagpasalamat.

Sumakay na ko ng elevator at pinindot ang 5th floor. Pagkabukas ng elevator ay bumungad agad sakin ang mga empleyado na taranta sa mga sarili nilang ginagawang trabaho.

Sinunod ko ang sabi sakin ng babae sa counter at hinanap ang pangalawang glass door sa kanan. Agad ko yun natagpuan at nakita ko nga ang pangalan ni Evan sa may gilid ng pintuan.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Erlyn at Evan. Si Evan ay nakahiga sa sofa habang si Erlyn ay naka ibabaw sakanya. Bukas na ang lahat ng butones ng polo na suot ni Evan at nakita ko na napatigil sa paghalik si Erlyn sa leeg ni Evan ng makita ako.

Agad namuo ang galit sa buong katawan ko habang nakatitig parin sa posisyon nilang dalawa ngayon.

"Dahlia, bakit ka nandito?" Nakangiti pang tanong sakin ni Erlyn at umalis na sa ibabaw ni Evan na hanggang ngayon ay walang malay.

Pagkalapit palang nya sakin ay agad dumapo ang palad ko sa pisngi nya na nakita ko namang ikinagulat nya.

"Bakit ako nandito? Tsk, dinadalaw ko lang naman ang fiance ko. Kung hindi pa siguro ako pumunta dito, nagahasa mo na ang mapapangasawa ko?" Sagot ko sakanya. Mas lalo akong nairita ng marinig ko ang malakas nyang tawa.

"Alam mo Dahlia, dapat nga pasalamatan mo ko eh. Dahil binibigay ko ang bagay na hindi mo maibigay sakanya. Lalaki si Evan Dahlia, men's weakness is all the same" sagot nya.

"Layuan mo na sya Erlyn. Hinding hindi na sya babalik sayo dahil ako na ang mahal nya. Ako ang naghilom ng lahat ng sugat na tinamo nya sayo. Ako ang laging nasa tabi nya simula nung iniwan mo sya para sa pangarap mo" sagot ko.

"Kung talagang mahal mo sya, kaya mo rin ibigay ang kaligayahan nya. Mahal parin ako ni Evan Dahlia, naramdaman ko yun nung gabing naging isa kami. Paulit ulit namin pinaramdam sa isa't isa-" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at malakas ko muling sinampal ang pisngi nya.

Unti unti ng gustong lumabas ang mga luha sa mata ko pero pilit ko itong pinipigilan. Ayokong magmukhang mahina sa harap nya ngayon.

Malakas ang pagkaka sampal ko sakanya pero gaya ng ginawa nya kanina ay tumawa lang sya muli.

"Sige lang Dahlia, you can slap me as hard and as many as you like, but it doesn't change the fact na may nangyari samin. Oo Dahlia, we made love behind your back. And we enjoyed every mo-"

"Stop! Nagsisinungaling ka lang!" Sigaw ko sakanya at bumuhos na ang mga pinipigilan kong luha kanina pa.

"Dahlia, just accept the reality, na ginawa ka lang nyang panakip butas sakin. Na ang totoo, ako parin ang mahal nya. Ako parin ang laman ng puso nya" sagot nya at tila nanghina ang mga tuhod ko sa mga sinabi nya.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na naka luhod sa harap nya habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mata ko.

Umupo din sya sa harap ko.

"Alam kong kahit ilang beses ko sabihin sayo ang totoo, hindi mo parin ako paniniwalaan. But I have one thing to make you believe me" aniya at may inabot na isang maliit na itim na box.

Nanghihina ko yung kinuha mula sa kamay nya at tinitigan muna ang itim na kahon.

Napuno nanaman ng kaba ang puso ko habang tinititigan ang kahon. Napuno din ng tanong ang isipan ko. Anong katotohanan ang makikita ko sa loob ng kahon na 'to?

Dahan dahan kong binuksan ang kahon, at tila nadurog ang buong puso ko ng makitang isa itong pregnancy test, at dalawang linya ang resulta non. Ibig sabihin, nagdadalang tao si Erlyn, at hindi naman ako t*nga para hindi malaman kung sino ang ama ng dinadala nya.

Nabitawan ko ang kahon at tuloy tuloy na umagos ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung paano ko mapapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Si Evan dapat ang unang makakakita nyan. But it turns out, destiny chose for you to see it first. To accept the reality. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo Dahlia. Let Evan go. You'll find your true happiness with someone else. Isipin mo nalang na para din ito sa kaligayahan ni Evan" aniya

"Sa i..ilang taon na magkasama kaming dalawa. M..masaya kaming bumubuo ng magagandang ala ala. Pareho kaming masaya sa tuwing kapiling namin ang isa't isa. A..akala ko tuluyan na kitang nabura sa buhay nya, pero mukhang mali pala ako" ani ko.

***

Ilang araw na ang nakalipas, simula ng malaman ko ang lahat ng katotohanan. At hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na aabot ako sitwasyon ko ngayon. Na isusuko ko ang sarili kong kaligayahan para sakanya. Kaligayahan na kasama ko sya na alam kong hindi ko na madadanasan. Sinabi ko noon sa sarili ko na hinding hindi ko sya susukuan. Pero paano ko sya ipaglalaban sa sarili nyang kaligayahan?

Hindi rin naman ako masamang tao para tanggalan ng ama ang bata na dinadala ngayon ni Erlyn. Masakit man tanggapin ang katotohanan, pero hindi ko na 'to mapapaltan. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan, at pigilan ang kasunod nitong kahahantungan.

"Lia, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi naman sa tutol ako na makasama ka dito pero, kaya mo ba talagang malayo sa mga magulang mo? Ka'y Evan?" Tanong sakin ni Pauline sa kabilang linya.

"Buo na ang desisyon ko Pau. Naiintindihan din naman nila Mama ang sitwasyon ko ngayon. Kailangan ko 'to Pauline, kailangan ko ng baguhin ang kaligayahan ko. Kailangan ko na syang kalimutan" sagot ko at tumakas muli ang mga luha sa mata ko.

"Hihintayin ko ang pagdating mo Lia. Sana nga, dito mo na makita ang totoo mong kaligayahan" aniya.

Paalam.... mahal ko.

Maaaring pilit kitang kakalimutan sa isipan ko, pero hinding hindi ka ma aalis sa puso ko.

Alam kong darating din ang araw na, masaya ako na makita ka na masaya kasama ang totoong taong mahal mo.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon