Endless~[43]

3.1K 134 0
                                    


◇KNOTTED HEARTS◇

Hazelle's POV,

Malamya akong nakangiti habang tinitignan ang litrato ni Ate Delaney na nakangiti.

"Ate, kamusta ka na dyan? Alam mo ba, sobrang nalungkot at nasaktan si Papa sa pagkawala mo. Nalaman nya ang lahat ng nangyari, sinisi nya ng paulit ulit ang sarili nya dahil sa pagkawala mo. Paulit ulit nyang sinasabi, wala syang kwentang ama, dahil hindi nya magawang protektahan ang mga anak nya, na hindi ka nya nagawang protektahan nung mga panahon na nanganganib ang buhay mo, nating dalawa. Pero huwag ka mag aalala Ate, paulit ulit ko din sinasabi sakanya na wala syang kasalanan sa nangyari satin, na sadyang sinubok tayo ng pagsubok at hindi natin ito nakayanan pareho. Maaaring unti unti nanamin natatanggap ang lahat, pero ang taong pinaka nagmamahal sayo, ang lalaking walang sawang minamahal ang isang katulad mo, hirap na hirap syang tanggapin ang lahat Ate. Alam kong kahit anong gawin ko, ikaw lang ang makaka alis ng sakit na nararamdaman nya. Pero alam ko naman na palagi ka parin nakagabay sakanya, alam kong mahal na mahal nyo ang isa't isa. Alam kong sa tamang panahon, magtatagpo muli kayong dalawa. Magkasama nyo ng mamahalin ang isa't isa at hindi na muli magkakahiwalay ang puso nyo. Mahal na mahal ka namin Ate" sabi ko at pinunasan ang luha na tumakas sa mata ko.

"Dinadramahan mo nanaman yang picture ng Ate mo. Sa tingin mo ba matutuwa sya na iniiyakan mo ang magandang mukha nya? Halos dalawang buwan na ang nakalipas, kaarawan ni Dylan ngayon nagdadrama ka parin dyan?" Biglang sabi sakin ni Elyzza.

Malamya akong natawa at kinuha ang cake na hawak nya. Birthday nga ni Dylan ngayon, pero dahil sa hindi pa sya nagigising na cancel ang collaboration concert nila ng RV5 at mukhang matatagalan ang susunod nilang concert dahil sa nangyari kay Dylan.

"Pasensya na, hindi ko lang talaga maiwasan na mamiss si Ate. Pero tama ka birthday ni Dylan ngayon kaya dapat masaya natin ipagdiwang ang kaarawan nya" sagot ko.

"Anak nailagay ko na sa topperware ang mga pagkain na niluto mo. Sigurado ako na baka biglang bumangon si Dylan sa pagkakahiga matikman lang ang niluto mo" sabi ni Mama at binigay sakin ang isang bag na puro topperware ang laman.

"Sana nga po Ma. Sige po mauna na po kami" sagot ko at naglakad na kami ni Elyzza palabas ng bahay.

"Si baby Everly nasaan? Sino nag aalaga sakanya ngayon?" Tanong ko kay Elyzza ng makasakay na kami ng sasakyan.

"Na kela Nanay muna sya. Ayoko naman na isama sya sa ospital baka magkasakit pa sya" sagot nya.

"Naka usap ko na si Pauline nung isang araw. Naikwento ko na sakanya ang buong pangyayari. Gusto ko narin sanang ipasabi kay Lia ang katotohanan tungkol sa bata na dinadala ni Erlyn, na hindi si Kuya Evan ang ama ng batang iyon. Pero sabi ni Kuya, gusto nyang personal nyang maka usap si Lia. Kaya handa syang maghintay at bigyan ng espasyo si Lia, hanggang sa bumalik sya at maipaliwanag na nya ng maayos ang hindi nila pagkakaintindihan" sabi ko.

"Si Pauline naman, kamusta sya don? Tuluyan na nya ba talagang nakalimutan ang masakit nyang nakaraan? Nakalimutan na nya ba talagang, minahal nya si Grayson?" Tanong ni Elyzza kaya napabuntong hininga ako.

"Sa tingin ko hindi pa. Kahit sinabi nyang naghilom na ang sugat, alam kong may peklat paring naiwan sa puso nya. Alam kong si Grayson lang ang makakagamot ng marka na 'yon. Alam rin naman natin na mukha talagang imposible ng magkabalikan pa sila, pero alam kong mahal parin nila ang isa't isa, walang imposible sa dalawang taong nagmamahalan" sagot ko.

"Marami na tayong napagdaanang pagsubok, dahil pinaglaban natin ang taong mahal natin. Ilang beses na tayong nasaktan, sumuko, pero dahil sa pagmamahal na meron tayo sa piling nila, patuloy parin tayong bumabangon at pinaglalaban ang pagmamahal natin sa kanila. Iba ibang hamon ang dumadaan sa mga buhay natin, iba iba din ang paraan natin para ipaglaban ang pagmamahal natin para sakanila. Maraming beses na tayong tuluyan silang sinukuan, halos sinukuan narin nila tayo at tuluyan na tayong binitiwan. But our hearts is knotted to them, maybe our hands will be apart, but our knotted hearts can never break apart" aniya na nakapag pangiti sakin kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan at pagdadaanan natin, maaaring ang mga lalaking mahal natin ay sukuan tayo sa bandang huli, pero ang pagkakaibigan natin, mula simula hanggang dulo, magkahawak kamay parin natin lalakarin ang dulo" sagot ko kaya napangiti din si Elyzza.

Nakarating na kami sa hospital kaya agad na kaming bumaba at kinuha sa likod ng kotse ang mga dala naming pagkain.

Pumasok na kami sa hospital at nagtungo na papuntang elevator para umakyat sa floor kung nasaan ang kwarto ni Dylan.

Agad kaming lumabas ng elevator ng makarating na kami sa palapag na kung nasaan ang kwarto ni Dylan.

Pagbukas namin ng pinto ay agad bumungad samin ang tatlong myembro ng BX5 na sina Kyle, Levi, at Jonathan at buong myembro ng RV5. Kasama nila si Ate Drianna, Franzei at Melanie.

"Dylan nandito na ang babaeng kanina mo pa hinihintay. Ano pa hinihintay mo dyan? Bumangon ka na oh para naman mayakap mo na sya" sabi ni Levi habang nakatingin sa hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog na si Dylan.

"Oo nga dude gumising ka na para matikman mo na ang luto ng misis mo. Paborito mo ang mga luto nya diba?" Dagdag ni Jonathan kaya natawa nalang kami.

"Kayo talaga mabuti pa tulungan nyo nalang kami ihanda ang mga niluto ni Hazelle duon sa lamesa tsaka para makita narin ni Dylan ang cake nya" sabi ni Ate Drianna kaya nag si kilos naman sila at nilabas na sa bag na dala ko ang mga pagkain na dala ko.

Bigla naman akong napatingin sa buong myembro ng RV5 kaya agad akong napangiti at linapitan sila.

"Mabuti naman at nakapunta kayo. Sigurado akong masaya si Dylan na makita kayo" ani ko.

"Talaga ba? Hindi nya ba alam na pinagtatangkaan namin ang buhay nya noon? Matutuwa pa sya na nandito pa kami ngayon?" Sagot ni Handrix kaya agad syang nabatukan ni Khenz.

"Pasensya ka na Hazelle. Inaamin namin nadala rin kami ng inggit at selos namin sa myembro nila, pero huwag ka mag alala, maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawang grupo. Kaya kami nandito ngayon, bilang isang kaibigan narin para sakanya at pasasalamat narin. Kung hindi rin dahil sakanila, hindi namin malalaman na kami rin pala ay pinag nanakawan na ng Philip na 'yon" ani Khenz kaya napangiti ako.

"Isa sa minahal ko kay Dylan ang kabutihan ng puso nya. Kaya maswerte ako dahil minahal ako ng isang lalaking katulad nya. Ang gusto ko lang ngayon, makita ulit ang mga mata nya, at marinig ko muli mula sa bibig nya na mahal na mahal nya ko. Alam kong darating ang araw na 'yon, dahil hindi nya ko kayang iwan, at ang mga taong nagmamahal rin sakanya" sagot ko.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)






Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon