Endless~[29]

3.2K 114 0
                                    


◇MY BRIGHT LIGHT◇


Delaney's POV,


[FLASHBACK]

Kasalukuyan kami na nasa likod ng school ngayon ni Lincoln. Galit na galit ang itsura nya at parang gusto nyang pumatay ng tao.

"Delaney ano 'to picture na nakita ko ha!? Kailan pa!? Kailan mo pa ko niloloko!?" Sigaw sakin ni Lincoln habang pinapakita ang picture namin ni Dylan na naghahalikan.

"M..matagal na kami may relasyon Lincoln. I'm sorry pero, kailangan nanatin tapusin ang lahat satin" sagot ko at maglalakad na sana palayo sakanya pero agad nyang nahuli ang kamay ko at sinandal ako sa pader.

Marahas nya kong hinalikan kaya agad naman akong nagpumiglas.

"L..lincoln ano ba!" Sigaw ko. Dahilan para mapatigil sya sa paghalik sa leeg ko, sa halip ay sinandal nalang nya ang noo sa may balikat ko at, naramdaman ko ang mga luha na lumabas sa mga mata nya, dumaloy ang mga luha nya sa balikat ko dahilan para madurog ang buong puso ko.

Gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko sakanya, pero alam kong pag ginawa ko yun, manganganib ang buhay nya. Hindi ko lalong kakayanin na mapahamak sya, mas mabuti ng masaktan ako kesa mapahamak sya.

"Ganon na ba talaga ako kawalang kwenta? Na wala ng kayang magmahal sakin? Sabihin mo nga sakin Delaney, minahal mo ba talaga ako? O pumasok ka lang sa buhay ko para tuluyang wasakin ang buong pagkatao ko?" Aniya.

Dahil sa mga sinabi nya, tuluyan ng bumigay ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Kung gaano kasakit ang nararamdaman nya ngayon, dobleng sakit ang nararamdaman ko.

"W..walang kulang sayo Lincoln. Ako ang may kulang Lincoln. Hindi ako karapat dapat sayo, dahil delikado ang mahalin ako ng isang taong katulad mo. Balang araw, maiitindihan mo rin kung bakit ko nagawa ang lahat ng 'to. The pain that we've been feeling right now, will forever be worth it for you" sagot ko.

Magiging ligtas ang buhay mo sa gagawing kong pagpapalaya sayo.

Inangat na nya ang ulo nya mula sa balikat ko ng may luha parin sa mata nya.

"Pain is inborn to me. Simula ng dumating ka sa buhay ko, I thought finally, I could live my life without pain. I promise to myself, that I'll erase every pain deep inside me for you to be forever happy beside me. But maybe your right, pain is worth it for me, because I realize, I'll forever live with pain. No one will be able to love me, neither you because, I can't live with sunshine, I can only live with darkness" aniya.

Hindi na ko nakapagsalita sa mga sinabi nya. Pero ramdam ko ang sakit na kumikirot sa puso ko habang sinasabi nya ang bawat salitang yun.

"I'm setting you free, leave to my darkness world. My bright light"


[END OF FLASHBACK]


Muling bumalik sa isipan ko ang masakit na nakaraan naming dalawa ni Lincoln. Nandito parin ako sa condo nya, ako ang nagbabantay sakanya.

Hindi parin sya nagbabago. Habang tinititigan ko sya, napansin ko ang mas makisig nyang mukha. Na miss kong titigan ang bawat detalye ng mukha nya, pero ang tanging nakapagpapabilis ng tibok ng puso ko, ay ang pagtatagpo ng mga mata naming dalawa.

"Boo, Kailan kaya kita ulit makaka usap? Yung hindi ako nagpapanggap na ibang tao? Na hindi mo ko nakikita bilang kapatid ko? Gusto ko, makita mo ulit ang babaeng nagpatibok ng puso mo, ang liwanag na naglakas loob na pasukin ang madilim mong pagkatao. Ang liwanag na nagbigay ng liwanag sa madilim mong buhay. Mahal parin kita Boo, mahal ko parin ang nag iisang tao na hinangaan ko na kayang mabuhay sa kadiliman. Mahal na mahal ko mabuhay sa kadiliman na kasama ka. Sana, makapasok muli ako sa kadiliman mo, para muli ko mailawan ng pagmamahal ang madilim mong puso. Pangako ko sayo, habang buhay ko na bibigyan ng liwanag ang buhay mo, hindi ka na muli mamumuhay sa kadiliman, habang buhay na tayo magsasama sa gitna ng liwanag" bulong ko at pumatak na ang mga luha sa mata ko.

Sana nga, narinig nya ang lahat ng sinabi ko. Pero kahit narinig nya ang mga salitang yun, alam kong hindi parin magiging madali na bumalik kami sa dati.

Napag isip isip ko, sa tuwing sinusubukan kong pumasok sa buhay nya, palaging nanganganib ang buhay nya. Katulad ng nangyari ngayon, muntik nanaman syang mapahamak.

Siguro nga, hindi ako ang taong magliliwanag ng buong kadiliman nya.
Ako ang liwanag nya, at ang liwanag na nabibigay ko sakanya, ang nagpapahamak sakanya.

Tatayo na sana ako ng biglang may humatak ng kamay ko, dahilan para mapa higa ako sa tabi nya.

Agad nya kong kinulong sa mga bisig nya. Ramdam ko rin ang hininga nya mula sa batok ko.

"Please, kahit saglit lang. Hayaan mo munang isipin kong, ikaw si Delaney. Sya lang kasi ang nagbibigay ng lakas sakin, at ngayon, kailangan ko yun" namamaos nyang bulong sakin kaya agad bumilis ang tibok ng puso ko.

Gusto kong sabihin sakanya, na ang taong hinahanap mo ngayon, ay kayakap mo na at handa ng habang buhay na mabuhay ng nakakulong sa mga bisig mo.

Sa hindi malamang dahilan, dahan dahan kong hinawakan ang mga nakapulupot nyang kamay sa bewang ko.

Gusto ko kahit sa gantong paraan, maparamdam ko kahit konti na, mahal na mahal ko sya.

"Can you look at me, Boo" bulong nya. Kaya dahan dahan ko inangat ang mukha ko sa mukha nya at agad naman nagtama ang mata namin.

How I miss that eyes. I miss looking at the darkness core.

"I miss you. My star, my sunshine, my one and only bright light"

Nanatili kaming tinititigan ang mata ng bawat isa. I can forever live looking at his eyes.

Hindi ako makapag salita, dahil alam kong manginginig ang boses ko habang pilit na pinipigilan na tumulo ang mga luha sa mata ko.

"I don't live in fantasies. But if this is a dream, I'll overpass the darkness and I'll join your bright life. I hate brightness, but your light enters my darkness heart. What else can I do? I'm addicted to your brightest love that melted my darkness world. The moment you left me. Until now, I've been searching my darkness universe hoping that someday, I could dazzle with your love again"

Dahan dahan nyang hinaplos ang mukha ko habang hindi pinuputol ang titigan ng mga mata namin.

"I love you Boo. Mahal na mahal kita, bumalik ka na please? Pagod na kong puro dilim nalang ang palagi kong nakikita. I need light, I need you Delaney"

Kusang bumagsak sa noo ko ang noo nya, at nakita kong muling pumikit muli ang mga mata nya.

Agad ng bumuhos ang mga luha sa mata ko habang pinagmamasdan ang mukha nya.

Dahan dahan kong hinaplos ang pisngi nya.

"Mahal na mahal rin kita, Lincoln. I was born to light your darkness. I was born to be with you" bulong ko at pikit mata kong hinalikan ang noo nya.

***

Pls vote and comment po^_^

Merry Christmas and Enjoy reading:)

♡♡♡

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon