◇STAIN OF BLOOD◇
Hazelle's POV,
"Anak, may problema ba kayo ng Ate mo? Napansin ko kasi kanina sa agahan, hindi kayo nag uusap. At nakita kong sya lang ang naghanda ng almusal edi ba palaging kayong dalawa ang nagluluto ng agahan?" Biglang tanong sakin ni Mama habang inaayusan ang buhok ko.
Ngayong gabi na kasi ang Grand White Ball na gaganapin sa school. Kaya tinulungan ako ni Mama na mag ayos ng sarili ko.
"W..wala po Mama. Hindi lang po talaga ako maaga nagising kanina kaya hindi ko po sya natulungan" pagsisinungaling ko.
Bigla naman may kumatok sa pinto at bumungad samin si Ate Delaney.
"Oh, aalis ka rin Delaney? Ang ganda ng ayos mo, engrandeng okasyon din ba ang pupuntahan mo?" Tanong ni Mama at napunta din ang tingin ko kay Ate Delaney. Nakita ko ang napakaganda nyang puting long gown at simple lang din ang pagkaka ayos ng make up nya sa mukha at nakakulot lang ang dulo ng buhok nya at hinayaan nya lang ito nakalugay.
"Opo, nagkataon lang po siguro na may parehas kami na engrande na okasyon na pupuntahan" sagot ni Ate Delaney.
"Sige maiwan ko na kayo. Mukhang kailangan nyo pa mag usap" sabi ni Mama at lumabas na ng kwarto.
"Alam ko, masama parin ang loob mo sakin. Pero maniwala ka sana sakin Hazelle. Kung ano man ang picture na nakita mo, hindi namin maitatanggi sayo ni Dylan na totoo yon. Pero nakaraan na ang picture na yun. Yun din ang litrato na pinakita namin kay Lincoln noon, para mapaniwala namin sya na may relasyon talaga kami ni Dylan. Nagtataka din kami kung sino at paano nakarating sayo ang litrato na yun. Dahil ang pag kakaalam namin, kay Lincoln lang namin pinadala ang litrato na yon" paliwanag nya kaya napabuntong hininga ako.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag Ate. Dahil ngayon naiintindihan ko na. Na mahal ka ni Dylan. Na ikaw ang una nyang minahal kesa sakin. Hindi mo naman kasalanan na nauna ka nyang makilala kesa sakin. Kayo ba Ate, ni konti ba, hindi mo minahal si Dylan?" Tanong ko sakanya.
"Mahal ko sya Hazelle, bilang isang kaibigan. Pasensya ka na kung ngayon ko lang sasabihin sayo 'to pero, matagal ko ng alam na may nararamdaman sya para sakin. Pero ng makilala ka nya, napagtanto nya na meron pa pala syang mahahanap na ibang babae na mas mamahalin nya, at mararamdaman din nya ang pagmamahal ng isang tao na hindi ko maibibigay sakanya. At ikaw ang babaeng yun Hazelle, kaya sana huwag mo syang susukuan, huwag sana mawala ang tiwala mo sakanya. Dahil ang Dylan na kilala ko, isusugal ang lahat ng meron sya kahit pa ang sarili nya para sa taong mahal nya" aniya.
"S..sorry Ate, hindi ko sinasadya" pag amin ko at tumulo na ang luha sa mata ko at agad naman nya ko yinakap at pinatahan.
"Hindi ka dapat sakin humingi ng tawad Hazelle, sakanya mo dapat sinasabi ang mga salitang yan" sagot nya at agad naman ako umiling at humiwalay sa yakap nya.
"S..sorry Ate. Inaamin ko, may nagawa din akong kasalanan sayo, sa inyong dalawa. Nasaktan ko kayo pareho, h..hindi ko sinasadya Ate patawarin mo ko" pagmamaka awa ko.
"Ano ba ang sinasabi mo Hazelle? Hindi kita maintindihan?" Naguguluhan nyang tanong.
"Nung isang gabi sa school, pa uwi na sana ako nung panahon na yun pero bigla akong sinandal ni Lincoln sa pader, at lasing na lasing sya kaya kung ano ano nalang ang sinasabi nya nung gabing yun. Para bang tingin nya, ikaw ang kausap nya. Nabanggit pa nya ang tawagan nyo noon sa isa't isa. H..hindi na ko naka iwas pa at bigla nya kong h..hinalikan. T..tapos, nung nakita ko yung picture nyong dalawa ni Dylan na n..naghahalikan, bigla nalang ako napadpad sa bar. Naglasing ako dahil sa sama ng loob. Hindi ko inaasahan na nandon din pala si Lincoln, sinabi nya na nag aalala na si Dylan sakin. H..hindi ko alam pero dala narin siguro ng tama ng alak, akala ko si Dylan ang nakikita ng mga mata ko nung gabing yon, k..kaya ng hinalikan nya ko, hinalikan ko sya pabalik. H..hindi ko talaga sinasadya ang lahat Ate, patawarin mo ko" paliwanag ko.
Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata ni Ate Delaney at umupo nalang sya sa gilid ng kama.
"A..ate, alam ko ngayon lang tayo nagkasama, at unti unti palang natin kinikilala ang isa't isa. Pero maniwala ka Ate, wala akong intensyon na saktan ka. At hindi ko plinano na mangyari ang lahat ng 'to para maghiganti sayo. Sa maiksing panahon na nakasama kita, nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng isang kapatid na katulad mo" ani ko.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad Hazelle, dahil alam ko naman sa simula pa lang, ako ang may pakana ng lahat. Hindi naman kayo magkakalapit ng ganito kung hindi namin kayo pinaglapit ni Dylan diba? Kaya kasalanan ko rin kung bakit nangyari ang lahat ng 'yon. Patawarin mo rin ako Hazelle, dahil sakin, pati kayo ni Dylan nadadamay" aniya kaya agad akong tumabi sakanya at yinakap sya.
"Alam kong hindi rin madali ang pinagdaanan mo Ate, kaya hindi mo rin kailangan humingi ng tawad, naiintindihan kita. Hindi pa huli ang lahat Ate" sagot ko.
"At sisimulan natin ayusin 'to ngayon" aniya.
"Anong ibig mong sabihin Ate? Tsaka bakit nga ba naka ayos ka rin ngayon? Saan ka ba talaga pupunta?" Tanong ko.
"Hazelle makinig ka, ang gabing 'to ay celebrasyon ng pagbibigay ng shares ng tatay ni Felix sa eskwelahan ninyo. Nagbigay sya ng shares hindi para pagandahin ang eskwelahan nyo, kundi para mapagnakawan nila ang eskwelahan. At hindi lang kayamanan ang habol nila, nanganganib din ang buhay ng lahat ng mga estudyante ngayong gabi. Dahil sa alam nilang lahat ng estudyante na nag aaral sa unibersidad ninyo ay may mga pangalan at natatago ring alyas ay may plano din sila para makuha ang bawat yaman ng bawat estudyante. Sinadya nila na magsuot ng kulay puti ang lahat ng estudyante, dahil ngayong gabi, ang puti ay ma mamantsahan ng pulang dugo. Patayan ang mangyayari ngayong gabi Hazelle, at kasiyahan ng mga demonyo na baliw sa pera at kayamanan" paliwanag nya kaya naramdaman ko ang kaba at takot sa dibdib ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ako.
"Dadalo din ako sa madugong okasyon ngayon Hazelle. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Hindi ko na hahayaan na mapahamak pa ang isa sa mga mahal ko. Kaya makinig ka mabuti Hazelle, sinadya ko na magkaparehas ang masskara na suotin natin para lituhin ang mga tauhan ni Felix. Pero alam kong nakatuon lang ang pansin nila kay Dylan o kay Lincoln dahil silang dalawa lang naman ang alam nilang palagi mong kasama. Pero mas nakamasid sila kay Lincoln ngayon. Alam kong maya maya lang ay susunduin ka na ni Lincoln ngayon, pero ako ang sasama sakanya. Pag kaalis namin ay susunduin ka narin dito ni Dylan. Sakanya ka muna sumama sa gabing 'to. Mas ligtas ka ngayon sa tabi nya. Huwag kang hihiwalay sakanya, at sana mag ingat ka din" aniya kaya hinawakan ko din ang kamay nya at tumango.
"Mag iingat ka din Ate, hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sayo. Ikaw lang ang nag iisa kong Ate" ani ko at malamya naman syang ngumiti.
Narinig nanamin ang busina ng isang kotse kaya nagkatinginan na kaming dalawa.
Dito na magsisimula ang makadugong celebrasyon na masasaksihan ng lahat na habang buhay na mamarka sa mga buhay naming lahat.
BINABASA MO ANG
Endless Reality (SERIES 2) [RE-EDITING]
Teen Fiction[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of us. Endless can be an imagination, Reality is the mirror of the truth. Can our Reality reflect our En...