◇HALF SISTER◇
Hazelle's POV,
Bumaba ako ng hagdan para sana dumaretso sa kusina para mag agahan. Napansin ko na abala si mama at ang dami nya ata na kailangang lutuin.
"Ma, may okasyon po ba?" Tanong ko.
"Hindi anak. Ngayon kasi ang dating ng anak ng papa mo, ang kapatid mo. Kaya naisipan ko na maghanda ng spesyal, baka kasi hindi sya sanay sa mga pagkain dito" sagot ni mama.
Napabuntong hininga naman ako at tumango nalang. Alam kong masama parin ang loob ni mama tungkol dito, pero wala na kaming magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.
"Anak, pwede ikaw muna ang magdilig ng halaman natin sa may harap ng bahay sa labas? Marami pa kasi akong gagayatin na gulay" utos nya sakin kaya ngumiti naman ako at tumango.
Naglakad na ko papunta sa harap ng bahay namin at kinuha ang host at nagsimula ng diligan ang mga halaman.
Natuon ang atensyon ko ng may biglang isang magarang motor ang pumarada sa harap ng bahay namin.
Kasunod nya ang isang sasakyan. Sasakyan ni papa.
Tinanggal ng babae ang helmet nya sa ulo.
"Sige anak pumasok ka na, ng makilala mo na ang mga kapatid mo" biglang sabi ni papa.
Binuksan ni papa ang gate at agad nagtama ang mga mata namin ng babae.
"Anak, nandyan ka pala. Sya nga pala, sya si Delaney, ang ate mo" pagpapakilala sakin ni papa sa babae.
Ilang segundo kami nagkatitigan ng babae. Kung pagtatabihin kami, mapag kakamalan kaming kambal.
"Mukhang napansin nyo din ang pagkakahawig nyong dalawa. Maiwan ko muna kayo. Delaney iaakyat ko na ang mga gamit mo sa kwarto mo" ani papa at iniwan na kaming dalawa.
Naglakad naman palapit sakin ang babae at ngumiti at linahad sakin ang kanyang kamay.
"Its nice to finally meet you, my half sister. Delaney nga pala, and you are?" Nakangiti nyang pagbati.
Malamya akong ngumiti at tinanggap ang kamay nya.
"Masaya rin akong makilala ka. Hazelle nga pala" sagot ko.
"Nagmomotor ka pala?" Tanong ko at ngumiti naman sya ulit at tumango.
"Regalo sakin ni mom nung birthday ko. Ikaw anong hilig mo?" Tanong nya.
"Magluto lang at maglinis ng bahay ang gawain ko" sagot ko at medyo natawa naman sya.
"Swerte ako na may kapatid pala ako na katulad mo. Gusto ko sanang matuto magluto, pwede mo ba ko turuan kung may oras ka?" Tanong nya na ikinagulat ko.
"S..sige ba. Walang problema. Pasok na tayo, para makilala mo narin ang mama ko" sagot ko at sabay na kaming pumasok sa bahay.
Naabutan naming hinahanda na ni mama sa lamesa ang mga niluto nya.
"Ma, nandito na po sya" tawag ko kay mama at agad naman tumingin samin si mama at tila napatitig saming dalawa.
BINABASA MO ANG
Endless Reality (SERIES 2) [RE-EDITING]
Teen Fiction[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of us. Endless can be an imagination, Reality is the mirror of the truth. Can our Reality reflect our En...