◇SCARED◇Dahlia's POV,
"E..evan? Kanina ka pa dyan?" Nauutal kong tanong. Nakasandal sya sa may tapat ng pinto ng bahay namin at nakahalukipkip ang dalawang kamay.
Napansin ko rin na pawis na pawis na sya dahil naka long sleeves syang polo at nakabukas na ang 2 butones nito sa taas kaya kitang kita ko din ang pawis nyang leeg at dibdib.
Agad naman akong napa iwas ng tingin sa mga pumapasok sa isip ko.
"Kanina pa kita tinatawagan? Ba't hindi mo sinasagot? Dahil ba kasama mo ang lalaking yon?" Aniya kaya agad ko naman dinukot sa bag ko ang cellphone ko at ngayon ko lang nalaman na lowbat na pala ito.
"P..pasensya na. Nalowbat kasi ako, nakalimutan kong mag charge kanina" pag amin ko.
"Tsk. Ang sabihin mo masyado kayong nag enjoy ng lalaking yon kaya nakalimutan mong may fiance ka. Magsama kayo" aniya kaya agad akong napanganga.
Nilampasan nya ko ng lakad at agad sumakay sa kotse nya kaya mabilis ko naman syang sinundan at humarang sa harap ng kotse nya para hindi sya makaalis.
Bwiset 'tong lalaking 'to. Kung makapag selos talaga wagas.
"Umalis ka dyan Dahlia, doon ka na sa kumag na yon" Aniya na may halong pagkainis sa boses.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi tayo nag uusap. Kahit banggain mo pa ko dito wala akong paki alam" matapang kong sagot sakanya at nakita ko ang pag irap nya at agad lumabas ng kotse nya at sumandal sa may gilid nito ng hindi ako tinitignan.
Kinuha ko ang panyo ko sa bag at agad syang linapitan at pinunasan ang pawis sa noo nya. Seryoso parin ang mukha nya na nakakunot pa ang noo.
"Gusto mo bang magkasakit? Naliligo ka na sa pawis alam mo namang mainit dito samin. Pumasok ka muna sa loob may extra akong damit mo doon, magpalit ka ng damit" ani ko habang pinupunasan ang may bandang leeg nya pababa sa dibdib.
"Bakit concern ka sakin? Ano ba kita? Diba pina-" pinutol ko na ang sasabihin nya at pinasubo ko sa bibig nya ang panyo na ginamit ko pangpahid ng pawis nya.
"Fiance kita, may angal ka?" Sagot ko at iniwan sya doon na nanlalaki ang mata.
Alam ko naman na susunod sya sa loob kaya nauna na kong pumasok at dumaretso sa kwarto ko at kinuha ang extra na t shirt nya na meron ako at agad bumaba. Naabutan ko syang naka upo sa sofa na naka topless na kaya agad ko ng inabot sakanya ang extra na tshirt.
Imbis na kunin sa kamay ko ang tshirt ay nagulat ako ng higitin nya ang kamay ko palapit sakanya at hiniga sa may sofa at pumaibabaw sakin.
"Alam mo bang nung isang araw pa kita gusto makita tapos yun ang maaabutan ko? Nakaangkas ka sa motor ng ibang lalaki na nakapulupot pa yang mga kamay mo sa bewang nya? Kung hindi ako nakapag pig-" pinutol ko na ang sasabihin nya at hinigit ang batok nya at hinalikan sya.
Humiwalay naman ako agad sa halik.
"Wag ka na magselos Evan babes. Di hamak naman na mas hot at sexy ka kay Khenz, ipagpapalit ba kita doon?" Panunuyo ko ng nakangiti.
Nakita ko naman ang pagbabago ng mukha nya at kagat labing ngumiti na para bang nagpipigil na tumawa.
"Ano katawan lang lamang ko sakanya?" Pagmamatigas niya parin pero kita sa mukha niya nagpipigil nalang siyang manatiling seryoso.
Bumuntong hininga ako at hinaplos ko ang pisngi nya.
"Alam mo Evan, wala akong pake kahit hindi ka kagwapuhan o hindi kagandahan ang katawan mo dahil hindi naman yan ang minahal ko sayo. Kahit may mas gwapo at mas magandang katawan ang lumapit sakin, hindi mapapaltan non ang pagmamahal ko sayo. Dahil isang Evan Mendoza lang ang naglalaman at nagpapatibok nito" Paliwanag ko sakanya ng matalim na nakatingin sa mga mata niya. Nakita ko naman natigilan sya at ilang segundo kaming nagtitigan sa isa't isa.
"Evan-" naputol na ang sasabihin ko ng sunggaban na nya ng halik ang labi ko. Agad naman akong tumugon sa mga halik nya.
"I'm sorry" aniya at tinigil ang paghalik sakin at tinignan ako.
"Para saan?" Tanong ko.
"I'm sorry kung pinagdudahan kita. Maniwala ka Lia may tiwala ako sayo pero hanggang ngayon, duwag parin akong maiwan ulit" Pag amin niya at siniksik ang mukha niya sa aking leeg.
Hanggang ngayon pala, may nararamdaman parin syang takot. Hindi ko naman sya masisisi, masakit talagang iwan ka ng taong minahal mo ng buong buo.
Kilala ko si Evan, alam kong matapang syang tao, pero pagdating sa mga gantong bagay, ito ang kahinaan nya.
Bumuntong hininga ako at hinawakan ulit ang pisngi nya.
"Hinding hindi kita iiwan Evan. Ibahin mo ko sakanya, hindi kita kayang iwan ng ganon dahil ako, totoong mahal na mahal kita. Subukan mo kong iwan, ikamamatay ko" Pagbabanta ko sakanya na may takot din sa mga mata.
Hinawakan nya din ang pisngi ko at malamya akong nginitian.
"Hinding hindi mangyayari yan. Mas gugustuhin ko ng mamatay dahil sa itak ng tatay mo kesa mamatay ako dahil iniwan kita. Mahal na mahal kita Dahlia at wala na kong paki alam kung mabuntis kita ngayon. Matagal na kong naghanda ng pang depensa sa itak ng tatay mo" Aniya ng nakangisi ng nakakaloko kaya agad nanlaki ang mata ko.
"Hoy Evan Mend-!" agad nya muling sinunggaban ng halik ang labi ko at hindi lang yun simpleng halik, isang mapang akit at nakakalasing na halik na hindi mo mapipigilang tumugon.
Kahit kalahati ng pagkatao ko ay ayaw kong gawin 'to ay sinagot ko ang mga halik nya at nagpakalasing sa mga halik nya.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay nya sa bewang ko at mas lalong pinalalim ang halikan naming dalawa.
Mendoza maghanda ka na talaga sa itak ni tatay!
"E..evan-"
"Wag ka na magsalita kung gusto mong tumigil 'to, Dahlia" bulong nya at bumaba na ang mga halik nya sa leeg ko.
Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang malamig nyang boses at sinabi pa nya ang buong pangalan ko. Kadalasan kasi ay 'Lia babes' ang tawag nya sakin.
Naramdaman ko ang dahan dahang pagpasok ng mga palad nya sa loob ng damit ko at pataas ito ng pataas.
Sheteng kalabaw! Isusuko ko na ba talaga ang kayamanan ng mga kababaihan!?
Nang malapit ng umabot sa dibdib ko ang kamay nya ay nagulat ako ng bumaba muli ang mga kamay nya papunta naman ito sa may palda ko.
"Saan mo ko gusto magsimula Lia babes? Sa baba o sa taas?" Mapang akit nyang tanong kaya nanlaki nanaman ang mata ko.
"Lia, anak? Nasa baba ka ba?"
***
Pls vote and comment po^_^
Enjoy reading:)
BINABASA MO ANG
Endless Reality (SERIES 2) [RE-EDITING]
Fiksi Remaja[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of us. Endless can be an imagination, Reality is the mirror of the truth. Can our Reality reflect our En...