Endless~[09]

3.6K 83 0
                                    


TRICKED

Levi's POV,

"Anong kailangan kong malaman?" Agad kong tanong ng marinig ang usapan nila Hazelle.

"S..si Elyzza, may kumuha sakanya" ani Lia kaya agad namuo ang kaba at pag aalala sa buong katawan ko.

Fuck, kasalanan ko 'to!
Kung mas maaga lang sana akong nakabalik, hindi na dapat nalagay sa gantong sitwasyon ang buhay nya.

Malakas ang kutob ko at alam kong ang taong lang yun ang pwedeng kumuha kay Elyzza.

*phone ring

Agad kong kinuha ang telepono ko sa aking bulsa at agad nagtiim ang bagang ko ng makita ang numero na nagbigay ng isang video.

Pinanood ko ang video na pinadala nya sakin at hindi ko pa natatapos ang buong video ay naibato ko na agad sa pader ang telepono ko.

P*tangina nya! How dare him to do that to her!?

"May alam akong isang lugar, baka dun nya dinala si Elyzza?" Sabi ni Dylan kaya agad akong napatingin sakanya.

Mukhang naiintindihan nila lahat ang hinala ko.

*phone ring

Tumunog ang telepono ni Dylan kaya agad natuon ang lahat ng atensyon namin sakanya. Tinignan nya ang kanyang telepono at hinarap ang screen nito sakin.

Agad kong hinablot sa kamay nya ang telepono nya at sinagot ang tawag.

"Gago ka saan mo sya dinala!? Gusto mo ba talagang mapa aga kitang sunugin sa impyerno demonyo ka!?" Banta ko sakanya at mas lalong nag init ang dugo ko ng marinig sa kabilang linya ang nakakatakot nyang halakhak.

"Dyan naman kayo magaling, puro kayo banta pero hindi nyo naman magawa. Kung kaya nyo talaga akong patayin, sana dati nyo pa ginawa" aniya.

"Wag kang mag alala, sa oras na matunton ka namin, deretso na sa impyerno ang bagsak mo. Isasama ko rin ang hayop na lalaking gumalaw sakanya" Pagbabanta ko.

Nag iinit parin ang dugo ko sa tuwing bumabalik sa isip ko ang video na pinakita nya sakin kanina. Mapapatay ko sya hanggang sa kabilang buhay.

"I'll see you soon then. BX5" Aniya at pinatay na ang tawag.

"Sigurado ka bang kaya mo? Pwede namang ka-" pinutol ko na ang sasabihin ni Kyle.

"Wala si Grayson tapos hindi pa ko sasama? Kaya ko at hindi ako papayag na hindi nababasag ang bungo ng lalaking yun" sagot ko.

"Tatawag ako ng pulis, sasabihin ko na palihim kayong sundan. Baka sakaling hindi nyo sila kayanin" sabi ni Hazelle at tumango naman kami.

Agad na kaming lumabas ng hospital at sumakay na kaming lahat sa kotse ni Dylan.

Gabi na ng makarating kami sa lugar na sinasabi ni Dylan.

"Sa likod tayo dumaan para hindi tayo mahalata" ani Kyle at sumang ayon naman kaming lahat.

Maingat kaming naglakad patungo sa likod na daanan papasok ng lumang pabrika.

"Shit!" Bulong ni Jonathan ng makitang may bantay din na mga tauhan sa pinto na dapat naming dadaanan papasok.

"Langgam lang ang mga yan" komento ni Kyle at walang kung ano ano na tinutok ang kanyang baril sa isang tauhan na nagbabantay sa pinto. Kinasa nya ang kanyang baril at mabilis na pinutok ito sa ulo ng tauhan, dahilan para mapabagsak ito sa sahig. Agad naalerto ang isa nyang kasama at agad kaming tinutukan ng baril pero naunahan syang paputukan ni Jonathan.

Naglakad na kami papalapit sa pinto at binuksan na ito. Agad kaming pumasok at isang napaka dilim na kapaligiran ang bumungad samin.

Malaki ang buong pabrika at puno ito ng iba't ibang uri ng makina na hindi namin alam kung pag aari din nya ang mga ito.

"Salamat naman at nakarating na kayo. Maligayang pagdating, BX5" Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"Wag kang magtago, malaking daga" pang aasar sakanya ni Dylan.

Biglang bumukas sa pinaka dulong parte ng buong pabrika ang isang ilaw, dahilan para bumungad samin ang isang babae na nakatali sa isang upuan at nakatakip ang kanyang mga bibig.

"Long time no see, BX5" Rinig ulit naming bukambibig ng isang lalaki.

"Kung hindi kayo magpapakita samin, wag nyong hintayin na makita namin kayo at pasabugin namin ang mga ulo nyo" banta ko sakanila.

"Ano ba naman kayo, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita. Magkamustahan muna tayo"

"Wala kaming panahon makipag gaguhan sa inyo" ani Dylan.

Naglakad na ko papalapit sa babaeng naka upo at nakatali sa isang upuan.

"Siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa gagawin mo, Marzino" banta nya.

Ng malapit na ko sa babae ay tinutok ko sakanya ang baril at agad yun pinaputok sa may bandang dibdib nya kung saan may nakalagay dun na isang umiilaw na pulang button. Mukha itong bomba sa unang tingin pero kong tititigan mo mabuti, isa itong replika ng isang bomba na kapag pinindot mo, magbubukas ang isang bagay kung saan ito inactivate ng may ari.

Sa kaso na ito ay ginamit ang button na ito upang magbukas ang mga ilaw at ang isang pinto.

Mula sa pintong nabuksan, bumungad naman sakin ang isang lalaki at ang isa muling babae. Parehong nakatakip ang mga mukha nila. May nakatutok na baril ang lalaki sa tagiliran ng babae.

Tsk, hindi talaga marunong makipaglaro ang g*gong yun.

Hindi ako nagdalawang isip na barilin muli ang babae at bago pa man itutok sakin ng lalaki ang baril nya ay agad ko din syang pinaputukan ng baril.

Kagaya ng sa isang babae, may nakalagay din na replikang bomba ang tagiliran nya.

Hindi naman mamamatay ang mga babaeng pinatamaan ko dahil sa mismong replikang bomba ko lang pinatama ang mga bala ko, wala akong pinatamaan sa kahit anong parte ng katawan nila.

"You've reach the end of the game, Marzino"

Nagbukas muli ang isang pinto at sa pagkakataon na ito ay napababa ang tutok ko ng baril ng makita ang isang babae na nakatali sa isang upuan at may nakapulupot na bomba sa may katawan nya.

"L..levi" agad nyang bukambibig. Namumugto ang mga mata nya dahil sa patuloy na pag agos ng mga luha sa mata nya.

Dalawang bomba ang nakalagay sa katawan nya. Isa sa dibdib at isa sa ulo, magkaiba ang orasan ng dalawang bomba, mas nangunguna ang nasa may parte ng ulo nya ng isang minuto.

"Levi umalis ka na, mapapahamak ka lang" pag aalala sakin ni Elyzza.

"Do you trust me?" Tanong ko sakanya.

"I love you Levi, umalis ka na. Please" pilit nyang pag papa alis sakin pero hindi ko sya sinusunod.

"Sa susunod na makikipaglaro ka, siguraduhin mong hindi kita matataya, Felix Hondeval" Ani ko at tinutok kay Elyzza ang baril.

Nakita ko naman ang agad na namuong takot sa mga mata nya.

"You'll never feel any pain Elyzza, never again..." Paniniguro ko sakanya.

"Close your eyes" utos ko sakanya. Sinunod naman nya ang sinabi ko, pumatak muli ang mga luha sa mata nya ng mariin nyang ipikit ang mga mata nya.

Kinasa ko ang baril ko at hindi nagdalawang isip na iputok ito.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon