◇PAINFUL PICTURE◇Melanie's POV,
Naglalakad na ko papunta sa klase ko ng may biglang humatak ng kamay ko at hinila papalayo.
"H..hoy bitiwan mo nga ko!? S..sino k-" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kung sino ang lalaki at napa irap nalang ako ng makita ang pagmumukha ni Riley.
"Ano na naman ba kailangan mo?" Naiirita kong tanong at mabuti naman at tumigil na kami sa paglalakad. Dinala nya ko sa roof top ng school.
"Mamaya, pinapahatid ka sakin ng magulang mo sa boutique para sukatan ka na sa wedding gown mo. 2 weeks from now, you will be my official wife Mrs. Madigan" aniya at kinindatan ako at nanlaki naman ang mata ko.
"Ayoko! Hindi ako sasama sayo. Kung gusto mo, ikaw nalang ang magpasukat, pakasalan mo sarili mo" sagot ko at maglalakad na sana palayo pero agad nyang nahagip ang kamay ko.
"Sa tingin mo pakikinggan ka nila? Alam mo ba na mas magagalit sila pag hindi mo ginagawa ang inuutos nila sayo? Gusto mo ba talagang mapahamak ang lalaking yon?" Aniya na ikinatigil ko bigla sa pag piglas.
Agad kumunot ang noo ko dahil sa naguluhan ako sa sinabi nya.
"May mga tauhan sila na palaging nakasunod sa boyfriend mo. Anumang oras, isang maling desisyon mo lang, katapusan na ng buhay nya" paliwanag nya kaya agad bumilis ang tibok ng puso ko.
Pinagbabantaan nanaman nila ako? Kailan ba nila patatahimikin ang buhay ko?
"Nangako kami sa isa't isa, na kahit anong mangyari, mananatili parin kami magkasama. Minsan na kaming nagkahiwalay, hindi nanamin hahayaan na maulit pa yun. Kung mamamatay man sya, mamamatay din ako. Dahil iisa lang ang puso naming dalawa, ang isa't isa lang ang nakakapagpatibok nito, mawala samin ang isa, titigil ang pagtibok nito. Malamang hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon, dahil hindi ka naman ata nagmahal ng isang tao" sagot ko.
"Paano ko mamahalin ang isang taong matagal ng wala?" Sagot nya na ikinagulat ko.
Malamya syang tumawa.
"Katulad mo, pinaglaban ko lang din ang pagmamahal ko, naming dalawa. Pero sa huli, kami parin ang natalo. Nawala sya sa isang iglap. Ngayon sabihin mo sakin, kaya mo sumugal para sa pagmamahalan nyo? Kung alam mo naman na may dadaya sayo sa huli? Huwag mo tularan ang pagkakamali ko, dahil hanggang ngayon, paulit ulit ko parin sinasaksak ang puso ko. Ayaw mo naman siguro magaya sakin diba?"
Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam na may ganto klase syang pinagdaanan. Hindi ko dapat sya pinangunahan.
"Hindi ko kaya Rile. Hindi ko na sya kayang saktan ulit. Susugal ako, mas pipiliin ko ng mamatay ng pinaglaban namin ang pagmamahalan namin kesa sa mamatay kami dahil sa sakit na dinulot namin sa isa't isa. Ayokong mamatay kami ng puno ng panghihinayang ang puso namin. Tama lang ang ginawa mo noon Rile, tama na ipinaglaban mo ang pagmamahalan nyo. Kung nasaan man sya ngayon, sigurado akong masaya sya, na kahit hindi na kayo magkasama, patuloy nyo parin minamahal ang isa't isa" ani ko.
Malamya ko syang nginitian at tuluyan ng naglakad papalayo.
***
Hazelle's POV,Naglalakad na ko papunta sa labas ng school kung saan ako hinihintay lagi ni Lincoln. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang mag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan.
Agad kumunot ang noo ko ng may isang hindi ko kilalang numero ang nag send sakin ng litrato. Tinignan ko ang ibinigay saking litrato at tila napako ang tingin ko sa dalawang taong naka upo sa isang sofa. Isa itong babae at lalaki, nakahilig ang kamay ng babae sa balikat ng lalaki, naghahalikan silang dalawa sa gitna ng iba't ibang kulay na ilaw na nakapaligid sakanila.
Agad tumulo ang luha ko ng mapagtanto kung sino ang dalawang tao na naghahalikan sa litrato.
Hindi ko narin namalayan na nabitawan ko na pala ang cellphone ko sa pagkagulat.
Si Dylan at si Ate Delaney ang nakita ko sa litrato. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dalawang tao na mahal ko ay sinasaksak pala ako sa likod.
Walang kung ano ay tumakbo ako papalayo at hinayaan ko nalang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Bakit? Akala ko ba wala silang nararamdaman para sa isa't isa? Akala ko ba palabas lang nila ang lahat ng yon?
Napa upo nalang ako sa gilid ng kalsada habang patuloy umaagos ang mga luha sa mata ko.
Napatingin ako sa isang building na puno ng makukulay na ilaw ang labas nito at ang bawat letra na nakapaskil sa harap ay nailaw rin.
Hindi ako nagdalawang isip na tumayo at deretso na pumasok sa loob ng building na yon. Agad kong narinig ang malakas na tunog ng musika mula sa mga malalaking speaker at ang mga hiyawan at sigawan ng mga tao. Maraming tao ang nakakumpol sa gitna ng silid at tila nagsisiksikan na pero patuloy parin ang sayawan nila.
Nakipagsiksikan ako sa lahat ng tao na sumasayaw hanggang sa makarating ako sa counter kung saan agad kong nakita ang ibang mga tao na naka upo sa isang bar stool habang umiinom ng alak.
Umupo rin ako sa bakanteng bar stool na nakita ko at agad umorder ng isang bote ng alak.
Gusto ko makalimot, kahit ngayon lang, kahit sandaling panahon lang. Maalis sa isip ko ang nakita ng dalawang mata ko.
Tinititigan ko ang bote ng alak na nakapatong sa harap ko. Kinuha ko ito at agad nilagok ang laman nito. Agad gumuhit sa lalamunan ko pababa sa sikmura ko ang manit na likido dahilan upang mapa kunot ang noo ko sa sobrang pait na lasa nito.
Pero kahit na mapait ang lasa nito, patuloy ko parin iniinom ang alak hanggang sa maubos ko na ito.
Mukhang tama nga ang sabi ng iba, sa oras na may pinagdadaanan ka, alak lang ang dadamay sayo.
Hindi ko namalayan na nakaka limang bote na pala ako ng alak. Naramdaman ko na ang epekto nito sa ulo ko at lubos ng umiikot ang paningin ko.
"F*ck! Anong ginagawa mo ditong babae ka!? Alam mo bang kanina pa kami nababaliw kakahanap sayo!?" Bulalas sakin ng isang pamilyar na boses. Kahit hirap na ang ulo ko ay pilit ko parin liningon ang lalaking nagsalita.
Hindi malinaw ang paningin ko dahil sa tama ng alak sakin kaya hindi ko makumpirma ang mukha ng lalaki, pero base sa pagkakatitig ko sakanya, kilala ko ang tao na 'to.
"N..nag aalala ka sakin? Talaga ba? Bat mo pa ko hinahanap kung masaya ka naman sa babae mo? Dun ka nalang. Maghahanap din ako ng ipapalit ko sayo!" Bulalas ko sakanya.
"Your drunk. Iuuwi na kita" aniya at hinawakan ang bewang ko ngunit nagpumiglas ako.
"Ano pa bang kailangan mo sakin? Hindi mo naman na ko kailangan diba? Bumalik na sya, masaya ka na? Yung babaeng mahal mo na nakikita mo sakin ay bumalik na sya sayo. A..akala ko ba hindi totoo? A..akala ko ba, ako ang totoong mahal mo? Pero ano yung lintek na picture na yun? Kitang kita ko eh, tagos na tagos! Please naman, kahit mag imbento ka lang ng dahilan may masagot lang ako sa mga tan-" naputol ang sinasabi ko ng may malambot na labi ang siniil ito.
Sa hindi malamang dahilan, sinagot ko ang halik nya.
***
Sino kaya ang lalaki na humalik kay Hazelle sa bar?
Sino kaya ang taong nagbigay kay Hazelle ng litrato nila Dylan at Delaney na naghahalikan?
Maipapaliwanag kaya ni Dylan at Delaney ang tungkol sa inakala ni Hazelle na pagtataksil sakanya?
Maapektuhan kaya ang relasyon nila Dylan at Hazelle?
Magkakaroon ba ng unang alitan ang dalawang magkapatid?
Pls vote and comment po^_^
Enjoy reading:)
BINABASA MO ANG
Endless Reality (SERIES 2) [RE-EDITING]
Teen Fiction[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of us. Endless can be an imagination, Reality is the mirror of the truth. Can our Reality reflect our En...