Chapter Three - The Lion's Den

174 16 0
                                    

I

Leon was busy typing on his laptop. Pero maya't maya rin siyang tumitingin sa cell phone na nakapatong sa mesa na nasa loob ng kanyang opisina at nakikita iyon ng kaharap niya.

There was no notification or any new post from Summer's online accounts. Ni wala rin itong sagot sa private message na ipinadala niya noong isang araw.

Nagsisimula na siyang mag-alala. At nagsisimula na ring uminit ang ulo niya kahit pa mga simpleng bagay lang ang dahilan. Hindi tuloy maiwasan na mailang at matakot ng mga katrabaho nila.

"When are you going to tell her that you're miserable without her?" tanong ni Ma'am Lora habang inaayos ang mga resume na ipinakita nito sa kanya.

Ito ang head ng HR Department ng kompanya nila at dahil hiring sila ngayon ng mga bagong ite-train para sa Marketing Officers na posisyon ay ipinakita nito ang lahat ng resume na nakuha nito at pinapili sa kanya. Sila dapat ni Sum ang gagawa niyon pero tanghali na at wala pa rin itong pasabi kung papasok na ba ito o hindi pa.

"I am not miserable," tanggi ni Leon na medyo masama na talaga ang timpla.

"Hindi pa ba?" seryosong tanong ng may edad ng babae.

Matagal na nitong napupuna na iba na ang pagtingin niya kay Summer. Pero wala sa plano ni Leon na manligaw dahil wala naman siyang nakikitang rason noon para gustuhin na magkaroon sila ng relasyon ni Summer nang higit pa sa kung ano ang mayroon sila ngayon. But now, with her long disturbing absence and silence, he felt a strong urge to make some changes.

Holy week was over. And her filed vacation leave ended yesterday. Kaya wala ng dahilan para hindi ito pumasok. Siguro naman ay nakapagpahinga na ito nang husto. At bakit wala silang kaalam-alam kung ano ang kasalukuyang nangyayari rito? She was stressed. He knew that. Pero wala itong kinukuwento sa kanya. Summer remained calm and professional despite what their employees say behind her back after what happened last week.

Nasaan na ba kasi si Sum?

Walang imik na lumabas na si Ma'am Lora at iniwan na siya dala ang mga folder na dala rin nito kanina. Hindi na siya nito kinulit nang hindi siya sumagot sa huling tanong nito.

However, his inner self is protesting and screaming, You coward! Why can't you just say you miss her?!

Afterall, they were friends. O baka naman hindi siya itinuturing ni Summer bilang kaibigan? Maybe they are just colleagues? Dahil sa trabaho lang naman sila nagkakilala at nagkakasama. Kung hindi pa nito iminungkahi sa kanya na magtayo na lang sila ng sariling kompanya ay hindi niya na siguro ito makikita at makakasama pa.

Ito lang ang nakatagal sa kasungitan niya. And their first meeting was memorable. Kaya naman hindi maiwasan ni Leon na mapansin si Summer.

They were both an applicant at that time. Nakasakay sila sa elevator nang mawalan ng kuryente. Inis na napamura agad si Leon sa kanyang isipan nang magdilim ang paligid. Inaantay niyang mag-histerya ang babaeng kasakay niya sa elevator pero nanatili lang itong tahimik. Pakiramdam tuloy ni Leon mag-isa na lang siya.

"Is there an emergency button?" he formally asked her.

Binuksan nito ang flashlight mula sa cell phone nito at saka tiningnan ang mga buton ng elevator. Walang salita na pinindot iyon ng babae at tahimik na naghintay lang.

Wala silang imikan ng ilang segundo. Hanggang sa kusa ng bumalik ang kuryente at nakalabas na sila ng elevator.

Pagdating sa reception area ay doon lang nila nalaman na pareho pala silang iinterviewhin nang araw na iyon. Leon is naturally a competitive person. Kaya naman agad na tiningnan niya si Summer bilang kakompetensiya. Ang kinaaasar niya lang ay pareho silang natanggap sa kompanya. Hindi pala iisang empleyado lang ang kailangan ng mga ito.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon