Chapter Fourteen - Unspoken Truths

107 11 1
                                    


I

Summer often wondered why she is afraid of commitment. Wala naman siyang nakarelasyon dati at wala namang lalaki na nanloko sa kanya. Hanggang sa maisip niya, nagsimula iyon sa paniniwalang dapat handa kang iwan ang lahat anumang oras. And, as Summer, understands it, she should avoid investing on something or someone she will not be willing to let go.

Hindi niya iyon maintindihan noon. Pero klaro niya ng nauunawaan ngayon na takot nga siyang magmahal. Because that will often leads to her being left behind or her leaving someone behind.

Those are the words she cannot easily say.

To anyone.

Not even to her sister Freya.

Pero bakit alam iyon ni Nigel?

"Sorry. Sorry. Nakakalimutan ko na hindi ka nga pala tao," sabi ni Summer nang mahulaan agad ang sagot sa sarili niyang tanong. Baka nahuhulaan na naman nito ang nasa isip niya sa pamamagitan ng kanyang aura.

Kumalas siya sa pagkakayakap ni Nigel. Pag-angat niya ng tingin ay nagtatakang tinititigan siya nito.

Those blue eyes still have the same effect on her.

Nakakatulalang tumitig doon na para bang may humihigop sa lahat ng nasa isip niya hanggang sa mawala lahat iyon.

"Sum... noong sabihin mo sa akin na gusto mong paghandaan ang kamatayan mo... matagal mo na iyong naiisip, tama ba ako?" parang nananantiyang tanong nito. "You were constantly thinking of death, weren't you? And you're afraid of its unpredictability?"

"Oo," sagot ni Sum habang nagbababa ng tingin. "Noong namatay ang mga magulang ko ikinagulat ko iyon. Pero ang lola namin ang nagpaliwanag na ganoon talaga, may kanya-kanyang oras ang bawat tao. Tapos naisip ko, bakit pa kami umaasang may mga taong magtatagal sa amin kung gano'n lang rin pala kaikli ang buhay. I keep forgetting that people do it because that exactly is the point. Maikli ang buhay kaya dapat huwag sayangin. Kung gusto kong makasama ang isang tao dapat gawin ko na iyon ngayon. There might be no next time or another chance. So now that Leon is..."

"Niyayaya ka ba niyang magpakasal?"

Napatingin siyang muli kay Nigel.

"Sinabi niya na ba iyon sa 'yo?"

"Hindi. Pero nakikita kong seryoso siya sa 'yo. Mahal ka talaga niya."

Napatango siya. Sang-ayon naman siya sa obserbasyon na iyon ni Nigel. Iyon din ang dahilan kung bakit ang pangit na naman ng tingin niya sa sarili niya.

"I couldn't simply love him back."

"Dahil nga takot ka."

"Dahil... hindi ko talaga maramdamang mahal ko siya," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni Nigel.

Naiiyak siyang muli dahil sa ginawa niyang pag-amin.

"Hindi niya rin naman gugustuhing pilitin mo ang sarili mo. Hindi mo siya makukumbinsi kahit sabihin mo pang mahal mo siya. He is just like Agatha. Kahit sinabi kong mali na patuloy niyang paniwalaan ang asawa niya hindi pa rin siya nakinig sa akin," sabi ni Nigel habang halatang may naaalala.

She also suddenly remember his first love. Gaya niya ay sinubukan rin ni Nigel na kumbinsihin ang isang tao na iba ang dapat na gawin nito. And he ends up being so pushy to the point that it leads to him becoming a demon.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang ipaalala siya."

"It's okay. I will never be able to forget about her."

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon