Chapter Four - Trust Issues

154 16 4
                                    

I

Nigel can still vanish and go to places he would like to go as long as he is still near Summer. Napatunayan niya iyon habang nasa sasakyan kung saan nakasakay sina Summer, Freya at Leon. Leon was driving and yet he keeps on looking at Summer through the rear view mirror. Kapag nabangga ang sinasakyan nila ay baka mabatukan niya pa ang taong ito na nagmamaneho. Pero siyempre mukhang iiwasan naman ng lalaki na mapahamak ang mga kasama nito. He obviously like Summer and he is obviously an important person to her. At ngayon mas humirap pa ang sitwasyon nila dahil may dumagdag pang asungot sa problema.

Nigel is not only thinking of the possibilities that Summer might end up insane just by being with a demon like him. Now he is worried that Leon will keep on distracting Summer.

Puwede namang magsama ang dalawa kung wala na siya sa eksena. Mas mahalaga ngayon na magkahiwalay muna sila ni Sum. And then she can go back to her normal life and him in his normal way of existing.

Pagkapasok ng magkapatid sa bahay ay agad na ring umalis si Leon dahil malamang na iniisip nitong kinakailangan ng magpahinga ni Sum at pagod na rin mula sa pagbabantay sa ospital si Freya. Pero wala naman ng pinsala ang katawan ni Summer kaya hindi nito kinakailangang magpa-alaga pa sa kahit na sino. Pero siyempre ito at ang kapatid lang nitong si Freya ang nakakaalam niyon. Pati siya na siyang nagpagaling dito. Pagkapasok ng magkapatid sa bahay ay agad niyang nilapitan si Summer na kusa ng dumiretso sa kuwarto nito.

Nagulat ito nang bigla siyang magpakita pero hindi naman ito tumili kaya tinaasan niya lang ito ng mga kilay.

"Sum, gusto mo bang matulog rin sa kuwarto ko?" seryosong tanong ng kapatid nitong si Freya.

"Hindi na... dito na lang ako sa kama ko. Okay na ako 'te."

"Sigurado ka gusto mong matulog mag-isa dito?"

"Oo. Okay lang," sagot ni Summer. Gusto niya sanang sabihin na hindi naman mag-isa si Sum pero kahit naman magsalita pa si Nigel ay si Sum lang ang makakarinig niyon. Nang maisip niya na maiiwan nga sila sa iisang kuwarto ay nagtaka siya at napatingin kay Summer. Bakit ayos lang na maiwan itong kasama siya? Hindi ba nito naisip na delikado iyon?

"O, sige. Goodnight. Matutulog na ako," paalam ng nakatatandang kapatid nito.

Was she no longer scared of him? O nalimutan nito nang tuluyan na nandoon lang siya sa isang tabi? O baka naman gaya ng kapatid nito ay may alam ring salamangka o spell si Sum at may binabalak na itong gawin ngayong nasa teritoryo na siya nito.

II

Nang makaalis ang kapatid ni Summer ay agad na napatingin siya kay Nigel na nakatitig lang sa kanya at nakatayo sa isang tabi.

Bigla niyang naalala na nang makatulog siya sa ospital noong nakaraang gabi ay hindi naman niya sinadya iyon. Basta na lang siyang nakaramdam ng antok kahit pa wala sana siyang balak matulog.

Kaya paano niya magagawang matulog ngayong gabi?

"Pinatulog mo ba ako kagabi?" mahinang tanong ni Summer.

"Anong akala mo sa 'kin yaya mo?"

"Eh, bakit... nakatulog ako bigla?" takang tanong niya.

"Malay ko sa 'yo."

"Ba't ang sungit mo?" kalmadong tanong pa rin niya.

"Bakit ba kasi mukhang natatakot ka na naman sa 'kin?" sabi ni Nigel habang nakapamulsa ang mga kamay sa itim na damit nito. May kalayuan rin ito sa kanya. Sa hitsura nilang dalawa parang mas ito pa ang ayaw na lumapit sa kanya.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon