Chapter Eleven - Understanding Death

121 10 0
                                    


I

Itinulak ni Leon ang malaking glass door na palabas at papasok sa kanilang opisina. Hindi niya maiwasang magpalinga-linga agad. Kinakailangan nilang makita agad si Nye dahil kung hindi baka kung ano na namang mangyari at magulat na lang sila na naging purong demonyo na ito. Now that Leon thinks about it, Nye is like their child. Kinakailangan kasi nila itong asikasuhin ni Summer at madalas nila itong kasama. Natawa siya sa naisip. Kung anak kasi nila si Nye ganoon rin naman ang opisinang pinagtatrabahuan nila. At maraming pangyayari na ang nagpatunay na maganda ang samahan nila ni Sum.

Paliko na sa kanto si Leon nang matigilan siya. Nakita niya si Nye na nakatitig sa isang pulubi na nanlilimos sa kalsada. Nakaupo lang iyon palagi sa kantong iyon at may plastic cup sa tabi nito habang nakatingin ito sa kawalan. Napuna na nilang bulag ito pero karaniwan ng mga taong dumadaan doon ay umiiwas sa puwesto nito.

Lumapit siya at tahimik na pinagmasdan ang dalawa.

"Snow, ikaw na ang bahala sa kanya," narinig niyang tawag ni Nye sa kung sino.

May lumitaw namang babae sa gilid nito na ikinabigla ni Leon. Maputi rin iyon gaya ni Nye pero puting-puti ang suot nito. Para tuloy halos yin and yang ang dalawa habang magkasama.

Nakita rin ni Leon na umangat na ang kaluluwa ng matandang pulubi pero iba iyon sa hitsura ng pisikal na anyo nito. Nakakakita ang kaluluwa ng matanda at medyo nakangiti ito.

Hinawakan ng babaeng nilalang ang kaluluwa at agad rin silang naglaho na dalawa.

Nang mapatingin si Nye sa kanya ay parang nagtataka rin ito.

"Leon, nakita mo ba iyon?"

"Oo. Ano iyon?"

"Hindi mo alam?"

"Kaya nga ako nagtatanong, 'di ba?" naiirita na namang sabi niya. Kapag si Nye talaga ang kausap niya ay hindi niya maiwasang mainis dahil hindi niya rin matantiya kung pilosopo ba ito o seryoso.

"Wala na siya. Kinuha na siya ng kasama kong psychopomp kanina."

Napatingin uli si Leon sa pulubi. Mukhang patay na nga ito pero dahil nakaupo at nakasandal ito sa pader kaya iisipin nang lahat na natutulog lang ito.

Agad na may tinawagan si Leon. Ibinigay niya ang lokasyon nila maging kung ano ang sitwasyon.

Nakatitig lang si Nye sa kanya habang ginagawa niya ang mga iyon.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Bakit bigla kang nawala?" tanong niya kay Nye habang hawak pa rin ang cell phone katapat ng kanyang tainga kahit wala na sa kabilang linya ang kinausapniya.

Naunawaan naman iyon ni Nye lalo na at may mga naglalakad ng tao papunta sa direksiyon nila.

"I just thought... maybe it's best if I leave you and Summer alone. Ayokong pagselosan mo ko."

Kokontrahin sana iyon ni Leon pero alam naman nila pareho na totoong nagseselos siya kay Nye.

"You don't have to deny it. I know how it feels. Kapareho ng reaksiyon mo ang naging reaksiyon ko noon sa isang tao. So I know that it feels terrible," nakangiting paliwanag nito. "Hindi ko pa kayang lumayo pero mas makakabuti siguro kung humingi na muna ako ng tulong sa iba," patuloy nito.

Again he felt like he was being childish. Kapag ito ang kusang nagbibigay ng espasyo sa kanila ni Summer ay mas lalo siyang naiirita.

"Kanino ka hihingi ng tulong? Sa babaeng tinawag mo kanina?"

"Ah... nakita mo rin pala siya... Mukhang malapit ka na ngang mamatay."

Leon sighed. Hearing those words does not make him comfortable but at the same time he was trying to accept it as much as possible.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon