Chapter Twelve - The Illusion of Time

117 12 0
                                    

I

We always think we have time but time is just an illusion and often a lie.

If we think about it how come there's a point in our life that we would do something we do not normally do? Iyon bang parang out of character para sa atin kapag nagawa natin iyon. At para bang may ibang kumontrol sa atin. Then those actions or words will have its effect. And often consequences.

Ilang beses ng napatunayan ni Sum na posible iyon. Noong bago mamatay ang kamag-anak nilang si Tito Michael may ilang bagay itong ginawa gaya ng pagbisita sa mga ari-arian nito na dati naman ay ipinagkakatiwala lang nito kung kani-kanino.

Noong bago mamatay ang kanilang lola, bukod sa nakita nilang pahina na nang pahina ang katawan nito ay direkta nitong sinabi na maging masaya siya habang nakangiti sa kanya samantalang napakaistrikto nito at kailanman hindi ito naging malambing sa kanila.

Instinct. Siguro iyon ang karaniwang eksplanasyon.

O siguro nga dahil may psychopomp na nagsasabing malapit na ang oras nito kaya dapat na nitong sabihin ang mga hindi nito nasasabi noon.

Napatingin si Summer sa rear view mirror at nakitang tahimik lang rin na nakaupo sa likuran nila si Nigel habang nakatingin sa labas.

"You can stay the night," sabi ni Summer kaya napapreno bigla si Leon.

Umalog ang sasakyan nila pero dahil pareho silang naka-seat belt kaya pareho naman silang ligtas. Nigel seemed to be normal, too.

"Ano ulit iyon?" parang nabibigla pa ring tanong ni Leon.

Mabuti na lang at walang sasakyan na malapit lang sa kanila kung hindi ay baka nabangga na sila.

"Matulog ka na lang uli sa bahay," ulit ni Sum.

Napanganga si Leon sa kanya bago nito inis na tiningnan si Nigel.

"Wala akong ginagawa," sabi ni Nigel kaya sinalo agad ni Summer ang usapan.

"Totoo iyon. Wala siyang ginagawa at wala rin siyang ipinapakiusap sa akin. I just want you to sleep over. Pero kumain muna tayo sa labas dahil nagugutom na ako. Tinatamad na rin akong magluto."

Muling pinaandar ni Leon ang sasakyan.

Halatang nag-iisip pa rin ito.

"Leon kapag hindi mo tinigilan iyang kakaisip mo ng kung ano-ano magpapalit tayo ng puwesto," inis niyang sabi para maging alerto ito. "Gusto mo bang mabangga tayo?"

"Sorry," mahina nitong tugon.

Napangiti siya at muling tumingin sa kabilang direksiyon.

Sum really doesn't know if she and Leon could end up having a romantic relationship.

Ayaw niya rin naman itong paasahin.

But at that moment she suddenly feel sad for him. She is also a bit scared as she thought of what her life would be once she is no longer with Leon.

II

Hindi na sila nakarating sa mall. May nadaanan lang silang sunod-sunod na kainan sa kalsada at doon na sila pumarada.

Parang puro lutong-bahay ang nasa menu pero ayos lang iyon sa kanila. Nagsabi si Nigel na maghihintay na lang ito sa labas kaya silang dalawa lang ni Leon ang pumasok ng kainan.

Pagkabigay ng kanya-kanyang order ay sabay na silang naupo sa pandalawahang upuan ni Leon.

"Alam ba ng ate mo na makikitulog uli ako sa inyo?"

"Hindi. Pero ite-text ko na siya ngayon," sabi ni Sum sabay lahad ng kanyang kamay para maki-text sa cell phone nito. Mabilis na nagpadala siya ng mensahe sa kanyang kapatid.

Pagbalik niya ng tingin kay Leon ay nahuli niyang nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Bakit?" tanong niya habang binabalik ang cell phone nito.

Marahan lang itong umiling, senyales na ayaw nitong pag-usapan kung ano man ang nasa isip nito.

And she could respect that.

"Saang probinsiya nga kayo galing dati?" biglang tanong nito.

"Wala akong probinsiya. Dito na ako pinanganak at lumaki sa Maynila."

"Ako rin."

"Eh, bakit ka nag-dorm noong college ka?" tanong ni Summer. Natatandaan niya iyon dahil minsan na nitong nasabi na independent na ito noong kolehiyo pa lang.

"Mahirap kasi kung araw-araw lang akong magbabiyahe papasok ng school."

"Tapos ngayon mag-isa ka lang sa condo mo?"

"Oo."

"Have you always like living alone?"

Napaisip ito.

"Yes and no. Yes, because it taught me to be independent. And no, because sometimes I'd like to be with someone I consider as a companion. But sometimes I forget what it feels like to be alone."

"Bakit? Kasi nag-iimbita ka minsan ng mga kaibigan mo?"

"Minsan. At kasi nasanay na ako. Parang ikaw. 'Di ba mas naninibago ka ng may kasama?"

Nagulat siya doon. Hindi niya inakalang may ganoong lifestyle si Leon. She used to think he is the loner type of guy. Inakala niya lang pala iyon. At tama ito. Minsan mas naninibago siya kapag may kasama. Except whenever she is with him or Nigel.

"Minsan kausap ko ang pamilya ko through Skype."

Napatango siya. Alam rin niyang nasa ibang bansa na ang mga magulang at nakatatandang kapatid nito kaya nga ayos lang kung sa maliit na condo unit lang ito tumira.

"Wala ka bang balak na sundan sila sa Canada?"

"Wala pa."

Summer suddenly stopped asking.

"Eh, ikaw? Wala ka bang balak na bumukod na ng bahay?"

"Wala pa."

"Too bad. Iaalok ko sanang tumira ka na sa condo ko."

Napatingin siya kay Leon.

Bigla rin itong napatingin sa kanya.

And suddenly, it feels awkward to be with him.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon