Chapter Eighteen - Confrontation

127 13 0
                                    

I

"You cheated."

Tumawa lang si Leon.

"Dinaya mo ko! Aminin mo!"

"Hindi kita dinaya. Ikaw 'tong kusang nagsabi na gagamitin mo ang cell phone na binili mo sa trabaho lang, 'di ba?"

Nagmamaneho si Leon habang si Summer naman ay nakaupo sa passenger's seat. Kakagaling lang nila sa isang mall para bumili ng bagong cell phone na gagamitin niya sa trabaho. Balak niyang ihiwalay na ang personal contacts niya kaya mas inuna ni Summer na bumili ng cell phone na simple lang tapos saka na siya bibili ng pang-personal niyang gamit. Nang tanungin ni Leon kung bakit simpleng modelo lang ng cell phone ang binili niya ay sinabi niya ang totoo. Nakalimutan niya ang pustahan nila na bawal pag-usapan ang tungkol sa trabaho habang nasa date sila. Kaya heto hindi niya matanggap na siya pa ang natalo.

"O, anong ipapagawa mo?" inis pa rin na tanong ni Summer habang nakatingn sa labas. Malapit na sila sa bahay nila.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ay saka lang sumagot si Leon.

"Puwede bang hindi na ko makitulog sa inyo?"

Biglang napatingin si Sum kay Leon. "Ha?"

"Puwede bang sabihin mo na lang sa kapatid mo na maayos na ang lagay ko at puwede na kong umuwi uli sa condo ko?"

She was speechless.

"Iyon sana ang gusto kong hilingin. Okay lang ba?" seryosong tanong ng lalaki.

"Pero..."

Naisip ni Summer na tumanggi pero naisip niya na may punto naman ito. She just felt uncomfortable. Pagkatapos kasi ng naging aksidente nito at ng kanyang kapatid ay parang palagi na lang siyang nag-aalala hindi lang sa mga ito kundi maging sa ibang tao.

At doon niya naisip hindi naman pala talaga siya matapang.

At hindi naman talaga niya kayang mabuhay nang mag-isa habang isa-isang nababawasan ang mga taong mahalaga para sa kanya.

"I'm sorry. I know it was a sudden request. But I hope you understand."

Wala pa ring imik si Sum.

"Please don't feel awkward," pakiusap ni Leon.

Mayamaya ay halatang naiilang na rin si Leon sa usapan nila.

It was becoming more and more awkward.

"Yeah. Sure," sang-ayon na agad ni Summer. "Tama naman ang sinabi mo. Ako na ang bahala kay Ate Freya. Let's go," yaya ni Summer bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa kanilang bahay.

II

Napahiga si Summer sa kanyang kama nang marinig niya na nakaalis na ang sasakyan ni Leon mula sa tapat ng bahay nila. Kinuha lang nito ang mga gamit at parang umiiwas na magtagal pa sa kanila.

It was unexpected. Lalo na pagkatapos nilang mag-usap.

But she suddenly felt sad without him at their home. Just like her, Leon is not a vocal person when it comes to his thoughts and emotions. Pero kanina naging klaro na ang nais nitong sabihin sa kanya.

In her mind she keeps on asking, what is the cause of unrequited love? Most people thought being secretly in love with someone is an unrequited love. But the truth is, not admitting your feelings is simply a case of fearing rejection or embarrassment. An unrequited love happens not because someone is not capable of making someone else see his or her worth. It happens simply because two people did not feel the same way towards one another. Ipinaintindi iyon ni Leon sa kanya.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon