Chapter Seventeen - Back To Normal

114 10 0
                                    

I

Pagkaparada ni Summer ng kanyang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay ay agad niya ring pinatay ang makina at kinuha ang susi mula sa pagkakasuksok malapit sa ilalim ng manibela. Tinapik niya si Ate Freya na nakatulog na habang nakaupo sa passenger's seat. Kailan lang nang siya ang hinatid nito pauwi mula sa ospital. And during that time Nigel just came into her life.

"'Andito na tayo, 'te," kalmado niyang sabi pagkatapos ay agad na nagtanggal ng seat belt para maalalayan ito sa pagbaba.

"Kaya ko na," sabi nito at kumilos na para bang wala itong benda sa kamay.

Mukhang wala nga itong iniinda sa katawan. Hindi kagaya ni Leon na kinakailangan pang maiwan sa ospital kasama ng malayong pinsan nito na natawagan nila kanina.

He insist that they rest at their home for awhile. Dumating na rin naman daw ang kamag-anak nito.

Pagkapasok nila ng bahay ay sinalubong sila ng katahimikan at kadiliman kaya agad na nagbukas ng mga ilaw ang kapatid niya. Ni walang bakas ng pagbabago doon. But it felt different from going home after her long vacation somewhere. This time Sum was not only tired, she also felt empty.

Naupo siya sa sofa para saglit na magpahinga. Hindi niya pa rin maiwasan na maalala si Nigel. Mula noong unang beses niya itong makilala at makausap hanggang sa araw na ito na bigla itong maglaho nang wala man lang paalam.

"It's a good thing," mahinang sabi ni Summer sa kanyang sarili habang mag-isang nakaupo sa kanilang sala. "What happened was a good thing."

Kung makikita niya pa na naglalaho si Nigel sa harapan niya ay tiyak na mahihirapan lang siya.

She was never good at saying goodbye anyway.

Hindi alam ni Summer kung mukhang kinukumbinsi niya lang ang kanyang sarili pero mas gusto niyang isipin na ang lahat ng nangyari ay may kahulugan.

Nagpunta sa kusina si Summer. Ngayon niya lang naalala na wala pa nga pala siyang kinakain. Yayayain niya na rin sanang kumain si Ate Freya pero nakita niyang pagod na nahiga na ito sa sariling kama. Nang makapaghanda ng sandwich at inumin ay tahimik na kumain lang si Summer.

Malungkot siya pero ayaw niyang isipin na namatay si Nigel.

Sabi nga ni Cid... "Psychopomps don't die. They disappear."

At tinupad lang nito ang sinabi nito sa kanya na hindi nito hahayaang mawala si Leon sa kanya.

Pero hindi ba at sinabi rin nito na hindi siya nito iiwan?

Did he lie?

O sadyang hindi na nito matutupad ang sinabi nito?

The possibilities of what happened before he disappeared seemed endless. Napapaisip si Sum kung ano ang nangyari noong oras na nakatulog siya.

Did a psychopomp came in?

Did he just disappear or... something worst happened?

Ngayon naisip ni Summer kung bakit mahalaga ang burol at libing. Hindi iyon para patuloy na palungkutin ang mga namatayan kundi para ipaalala sa lahat na totoo na sila ay namatayan at para mapag-usapan kung paano nawala ang isang tao na kasakasama lang nila.

Para kasing hindi totoo ang mga naganap.

Given that scenario it will be easier for her to forget. But she refused to forget. Gusto niyang alalahanin palagi ang mga natutunan niya at naramdaman habang kasama si Nigel.

How she wished she could convince herself that someday they'll meet again.

Napangiti si Summer habang ngumunguya. For the first time in her life she wanted someone not human to just appear in front of her. Basta ba si Nigel iyon at wala ng iba pa.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon