Chapter Eight - Ang Pusa at Ang Leon

142 13 1
                                    


I


Natigilan si Leon nang makita ang maputing lalaki na kasama ni Summer. Agad siyang nagtaka nang makitang kakaiba ang hitsura ng lalaking iyon. Maybe he is a foreigner. Pero wala siyang natatandaan na may kakilala si Sum na taga-ibang bansa. Well, he doesn't know how many friends and family members Summer have and where they are from so who is he to know? 

At hindi niya rin maintindihan kung bakit bigla-bigla ay nag-alala si Sum sa kanya na para bang siya ang na-confine sa ospital pagkatapos niyang tanungin kung sino ang lalaking kasama nito.

"Leon... Are you feeling okay? Did you go to the doctor? O matagal ka na bang may sakit at hindi mo lang sinasabi sa amin sa office?"

"Ano ba'ng sinasabi mo?"

"Ano'ng family history ninyo? Madalas ba kayong may sakit sa puso o... diabetic ka na ba? Ang alam ko nabanggit mo sa akin dati na ayaw mo sa matatamis. Iyon ba ang dahilan?"

"Okay. Hold on. Niloloko mo ba ako?"

She can really stir his moods in an instant.

Pero siguro umaakto lang ito nang ganoon para hindi niya na ito tanungin nang kung ano-ano. Malamang inunahan lang siya nito para idaan sa biro ang pag-aalala niya rito.

Madalas nitong gawin iyon. Iyong umiwas sa usapan.

Bago ito mamundok ay tinanong niya si Sum tungkol sa mga empleyado nilang natanggal na sa trabaho pero simpleng biro lang ang sinagot nito kahit pa alam niyang apektado rin ito sa sitwasyon.

But that trick won't work this time.

"Ano'ng binilin ng doktor? Puwede ka na bang umalis kahit na kakalabas mo lang sa ospital?"

"Hindi."

"May emergency ba kaya umalis ka?"

"Wala."

"Hindi mo ba sasagutin nang matino ang lahat ng tanong ko sa 'yo?" nagtitimpi niya ng tanong.
Huminga nang malalim si Summer.

Minsan hindi niya talaga matantiya kung kailan ito nagseseryoso.

"Bago ko sagutin 'yang mga tanong mo, gusto ko munang makasiguro... Ano'ng nakikita mo sa tabi ko?"

Mukhang seryoso ang babae kaya napatingin ulit si Leon sa lalaking maputi.

"I see a guy. Not sure if he's an American," simpleng tugon niya.

"And?"

"He's as tall as I am."

"Ano'ng suot niya?"

"Puro itim."

"Mukha ba siyang nakakatakot?"

"Hindi. Mukha lang siyang... Is he a model? Because he looks like one," huling sagot niya bago muling nagtanong. "So, do I deserve an answer to my question now?" he demanded.

Napakamot sa ulo si Summer. She is obviously trying to delay the answer he is asking. Ang nakakainis pa tumingin ito sa lalaking katabi nito na para bang humihingi ito ng permiso. Leon almost twitches when he saw Summer hold the guy's hand before responding. Pakiramdam niya tuloy sasabihin na ni Summer na karelasyon nito ang lalaking kasama nito.

"Leon... this is... Nye. Nye this is Leon my business partner and friend."

Ouch.

He hated those labels.

Yet he waited for Summer's final blow.

"Nye is actually not the kind of being that you should be seeing."

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon