Chapter Ten - Cold Summer

144 12 0
                                    

I

Summer was fidgeting while sitting on the passenger seat.

She wish to prolong the morning routines they did earlier where Leon cook their breakfast while she was taking a bath. And that she took care of cleaning up the table while it was his turn to use the bathroom. While doing those things, Nigel is simply reading or browsing some books she owned. Siguro naiinip na rin ito pero hindi naman ito nagrereklamo dahil wala itong pagpipilian kung hindi ang hayaan silang gumalaw ng normal. At alam na rin nitong kinakailangan niyang pumasok sa opisina, na ayaw niya pa sanang mangyari kung hindi lang sa importanteng meeting na na-set nang araw na iyon.

She appreciates those simple moments they did earlier. Iyong kalmado lang. Walang stress o hassle.

Kung puwede lang mas gugustuhin niya na lang na manatili sa bahay at huwag ng magtrabaho kahit na kailan. But then reality has that kind of push to any human. Sometimes it seems harsh but often it awakens them.

Saktong kauuwi lang rin ng kapatid niya nang umagang iyon habang palabas na sila ng gate. Kaya mas lalong walang maisip gawin si Summer kundi ang pumasok na nga lang sa opisina kaysa manatili sa bahay kasama sina Leon at Nigel. Mahirap na baka hindi nila magawang maitago sa kapatid niya na may kasama silang iba na hindi nito nakikita.

Habang papalapit sila ng papalapit sa kompanyang itinayo nila ni Leon ay parang gusto ng aminin ni Summer na gusto niya ng bumaba. But that would be unfair for Leon. Alam niyang sinasamahan rin siya ni Leon na bumalik sa opisina para mabawasan ang tensiyon na nararamdaman niya. That could help if he did not tell her how he felt for her and if Nigel was not behind them, sitting silently and still observing like a cat. She was very well aware of their presence and why the two were with her.

Kaya paano niya magagawang ituon ang atensiyon sa trabaho?

Pagpasok nila ng building ay agad silang dumiretso sa kani-kanilang opisina. Magkatapat lang ang opisina nila ni Leon. Pagpasok niya sa sarili niyang kuwarto ay tila pagod na umupo siya doon. Then she does everything that was needed to be done automatically. Half-heartedly.

"Sum?"

Napakislot siya nang marinig ang boses ni Nigel sa gilid. Pagtingin niya ay nakita niya itong nakasandal sa pader at parang pinanonood siya kanina pa.

"Saan ka nanggaling?" mahina niyang tanong sa takot na baka may makarinig sa kanya na nagsasalita mag-isa.

"Tiningnan ko lang ang paligid nitong opisina ninyo."

Hindi na siya umimik. Nang may pumasok na katrabaho niya ay saglit lang itong ngumiti sa kanya bago inilapag ang mga papel na alam niya ng dapat niyang pirmahan.

"Thank you," sabi niya sa walang imik na empleyado at tahimik lang na lumabas.

Pagkapirma ni Summer sa mga papeles ay agad niya iyong ibinalik sa lalaking nagdala ng mga iyon sa kanya.

"Here. Okay na iyan."

Hindi niya na hinintay na sumagot ang lalaki at patuloy na siyang naglakad papuntang conference room. Nauna siyang dumating doon kaya siya na ang nagbukas ng air con at naghanda ng laptop para sa powerpoint presentation. Ilang minuto lang at nagdatingan na ang mga ka-meeting niya. It was rescheduled by Leon. Noong nakaraang araw pa dapat naganap ang pag-uusap na iyon tungkol sa pagfo-formalize ng bagong hiring system para sa kompanya nila. Pero dahil nga hindi siya nakapasok agad kaya nagkaroon ng pagbabago.

It's a sensitive topic. Pero hindi pumayag si Leon na ito lang ang mag-asikaso ng sitwasyon. So she was there whether she likes it or not.

"The applicants were already selected by Sir Leon. Naka-set na rin ang scheduled interview nila. Sa susunod na lingo. Bakante na rin po ang ilang cubicles at naayos na rin po namin ang mga gamit na ipapagamit sa kanila. All files are organize naman po," panimula agad ng katrabaho nila na parte ng HR.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon