Chapter Twenty - Clarification

289 21 1
                                    

I

"So let me get this straight. May psychopomp kang kasama sa bahay natin nang ilang linggo at hindi mo sinabi sa 'kin?"

"Well... I am telling it to you now," alanganing sagot ni Summer sa nakatatanda niyang kapatid. Kinakailangan niya ng sabihin dito ang totoo tungkol kay Nigel at Leon.

Napaghandaan naman niya ang magiging reaksiyon nito pero siyempre iba pa rin iyong sigurado.

"At kaya mo sila pinatawag lahat dito para masiguro mong hindi kita sasambunutan 'no?"

Kanya-kanya ng reaksiyon ang mga bisita nila sa sala. Si Leon ay nag-iwas ng tingin. Si Abby ay balewalang naglipat lang ng pahina ng binabasa nitong libro habang katabi si Gab na napapailing. Ang kaibigan naman niyang si Alyssa ay natatawa habang naririnig silang magkapatid habang sina Lolo Theo naman at Cid ay nakaupo lang sa pandalawahang lamesita na nasa gilid lang rin ng sala.

"So, where is he now?" natatawa pa ring tanong ni Aly. "May balak ka bang ipakita siya sa 'min?"

"Kapag ba ginawa ko 'yon hindi n'yo siya susugurin?"

"Ano namang akala mo sa 'min?" aburidong tanong ni Abby na biglang sinara ang binabasang libro at tumingin sa kanya nang nakakunot-noo.

"Chill," bulong ng nakatatandang kapatid nito na si Gab habang pasimple nitong tinitingnan si Abby. "Hindi mo siya alaga."

"Alam ko. But I found him first!"

Nakita ni Sum ang reaksiyon ni Leon sa sinabi ni Abby. Then she heard him whispered.

"I wish it works that way."

Napakamot tuloy siya ng batok.

Summer knew it is hard for her and Nigel to simply say that they are in a relationship. Bukod sa iilang tao lang ang nakakakilala kay Nigel ay wala itong maibibigay na kahit anong background sa kahit na sino.

So will they all gang up on her like this?

Hindi ito ang plano niya.

Summer wanted their support. Pero siguro nga hindi nila iyon makukuha ni Nigel sa isahang pagkakataon lang.

"May hiniling ba siya sa 'yo? O ikaw ang may hiniling sa kanya?" narinig niyang tanong ng kapatid niyang si Ate Freya.

Halata sa boses nito ang pagdududa. Which was understandable.

"Wala," simpleng tugon ni Sum.

Pero ang simpleng tugon na iyon ay nasundan nang marami pang tanong.

"If he manage to go back as a normal psychopomp why did he come back?"

"Eh, kasi nga mahal siya ni Nigel," mahinahong depensa ng kaibigan niyang si Aly habang nakatingin kay Ate Freya.

"How can we possibly know that he did go back to normal?" tanong naman ni Cid. "If he did manage to get a lot of energy he can appear like a human if he wants to. Demons can manipulate their looks just like how devils can pretend they are part of this world."

Natahimik ang lahat at napatingin sa kanya.

Hindi niya napaghandaan ang tanong na iyon.

"Wala kaming pruweba."

Napatingin ang lahat sa nagsalita.

It was Nigel. Standing beautifully with his long black hair, fair skin, reddish lips and a pair of blue eyes. He was still wearing his white clothes that looks common though.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon