Chapter Two - Meeting Death

290 21 7
                                    

I

Was it scary to know that you're dying?

Oo. Kasi ibig sabihin alam mong iiwan mo na ang mga mahal mo sa buhay. Pero posible rin na hindi ka matakot lalo na kung hindi mo naman alam na namamatay ka na pala. At dahil iyon ang nangyari sa katawan ni Summer kaya hindi niya magawang matakot nang mga oras na iyon.

Nakakabigla ang mga sinabi ni Ate Freya sa kanya. Naaalala ni Summer ang aksidente pero hindi niya akalain na na-comatose siya. Ang alam niya lang nakatulog siya nang matagal.

Even the doctors were shocked to see the sudden change in her condition.

Ang sabi rin ni Ate Freya tinawagan ito ni Mang Edgar dahil ang pangalan at contact number ng kanyang kapatid ang nasa waiver na pinirmahan niya bago umakyat ng bundok. Ipinatawag rin ni Ate Freya sina Abby at Gab nang biglang lumala ang kondisyon niya. At kahit hindi pa idetalye ng mga ito ay alam ni Sum na ang patuloy na paglala ng kondisyon niya ay maaaring maging sanhi ng kanyang kamatayan.

Hindi niya masisisi ang kanyang kapatid kung naging desperado ito kaya ipinatawag nito ang dalawang babae na may kakaibang kakayahan. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang kaalaman na dati rin pala itong miyembro ng RIP at kakilala rin nito ang matandang nakilala nila noon ng mga kaibigan niya na tinatawag nilang Lolo Theo.

Kaya naman pala gano'n lang ang reaksiyon ni Ate nang magkuwento kami dati, naisip ni Summer habang naaalala iyong araw na nakilala nila ang matanda.

Kilala si Lolo Theo na eksperto tungkol sa mga multo, espiritu, engkanto o iba pang nilalang. Nakapagsulat na nga ito ng iba't ibang libro tungkol sa mga iyon. Pero hindi inamin agad ng kapatid niya sa kanya na kabilang ito sa RIP dahil matagal na rin daw itong hindi aktibong miyembro.

She should've expected that. Matagal na rin namang may kakaibang kakayahan ang kanyang kapatid pero dahil nga wala siyang interes sa ganoong mga bagay kaya hindi siya gaanong nagtatanong tungkol sa mga iyon. And she doubted it if her older sister will really tell her about it. Makita niya nga lang ito na may tinititigan sa isang sulok na madilim ay kusa na siyang tumitingin sa ibang direksiyon.

Duwag siya. Aminado siya doon. Pero minsan thrill-seeker rin siya basta ba alam niyang ligtas naman siya pagkatapos. Kaya niyang mamundok. Mag-travel sa ibang bansa. Sumakay sa mga nakakatakot na rides habang mahigpit ang hawak sa seat belt. Kaya niya ring kumain ng exotic food minsan. Puwede rin siyang magbasa ng nakakatakot na nobela basta huwag gabi-gabi. Pero iyong makakita at makipag-usap sa multo? Hindi.

Para kay Summer malaki ang kaibahan ng pagtanggap sa katotohanan na alam niyang mamamatay rin siya balang-araw sa posibilidad na makakakita siya ng mga patay na.

Pero paano nga kaya kung hindi ako nakaligtas?

Mabilis na umiling si Summer at iniwasang sagutin ang sarili niyang tanong. Kung ano-ano lang kasi ang maiisip niya. Alam niya na sa ganitong mga pagkakataon niya maiisip ang tungkol sa buhay at kamatayan. At iisang tanong palagi ang nagiging klaro sa isip niya na palaging may iisang sagot.

What could a person do to help him or her prepare for death?

Nothing.

Palagi iyong nanggugulat. At ang paraan niya para hindi magulat ay isipin iyon palagi. Kaya nga gusto niyang malaman kung hanggang kailan na lang siya mabubuhay para alam niya kung kailan hindi na gagastos at kung kailan mag-iiwan ng sulat o mga habilin para sa kapatid niya. Pero ngayong nangyari na nga ang aksidenteng iyon sa kanya baka panahon na nga para gawin niya ang mga bagay na ginagawa ng taong malapit ng mawala.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon