Grabe, nakakainis na talaga si Mark Jhade!
Walang araw na hindi niya ako aasarin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Nandiyan siya para asarin, pikonin, laitin, pagtripan, at halos paiyakin na ako.
"Bakit ang panget panget mo, Crezza?"
"KULANG NA KULANG KA NA BA TALAGA SA PANSIN NA LALAKI KA HA?"
"Oh, pikon ka na naman?"
"Eh hindi ka naman nakakatuwa! Huwag nga ako ang pagtripan mo palagi!"
"Eh ikaw ang gusto ko eh!"
"Pwes ayoko sayo! UMALIS KA NGA DITO!"
Hindi ko na napigilang sigawan siya. Lahat napatingin sa amin. Parang naka-abang sa susunod na mangyayari. Hanggang sa umalis si Mark Jhade. Okay lang sa akin atleast wala na akong problema ngayon.
-
Kinabukasan pagkatapos ng kinabukasan.
"Aba, dalawang araw na atang wala si Mark ah. Ano na nangyari doon?"
"Uy, hinahanap ni Crezza. Alam na alam eh kung ilang araw?"
"Agad ng hinahanap? Pwede ba? Napapansin ko lang naman na wala. "
"Umamin ka na lang kasi na crush mo din si Mark."
"Alam mo Michelle. Marami ng may gusto kay Mark."
"Kaya ayaw mo na dumagdag?"
Tumango ako bilang sagot. Marami kasi sa mga kaklase ko ang may gusto kay Mark. Lalo na yung ibang section girls patay na patay kay Mark. Pero bukod tangi siyang ako lang yung madalas niyang kinakausap i mean pinagtritripang babae.
"Finally, umamin ka din. Pero hindi halata ha? Parang hate na hate mo nga siya pagtitingnan kayo. Yun pala deep inside. KINIKILIG ka?"
"Oo, minsan kinikilig ako sa mga sinasabi niya. Yung tipong itataboy ko siya tapos sasabihin niya. IKAW NGA ANG GUSTO KO."
"Mukha namang gusto ka rin nun. Halata naman. Sobra kaya magpapansin sayo."
"Hindi din. Wala lang talagang magawa sa buhay. Ako ata ginagamit na dahilan para ayawan na siya ng iba."
"May point ka dun. Ikaw ginagawa niyang way sa totoong way."
"Ha?"
-
"Crezza? Bakit ang tigas ng kamay mo?"
"Hoy, Crezza. Pasmado ka ga?"
"Crezza. Bakit di ka na namamansin?"
pukpok sa ulo!
"ARAY KO!!!"
"Kulit kulit mong bata ka. Ako nga'y tigil tigilan mo ha?"
"Tataboy mo na naman ako?"
"Oo, doon ka sabi kay Micah!"
"Lagi mo na lang ako binibigay kay Micah. Sabi ng ikaw ang gusto ko!"
"Napakamanhid mo."
"Ikaw ang manhid!" di ko napigilang sagot.
"Ikaw! Anong ako."
"Napakamanhid mong ayoko sayo!"
walk-out si Mark Jhade.
"Hoy, Mark?"
lingon siya
"Ano bang gusto mong iparating, ipahiwatig?"
smile tapos tinuro niya ako
"Ako?"
lumabas dila niya tapos nang bebelat sa akin with matching action pa.
"Tseh!" sabay irap ko
Ikaw ang tatanungin ko? Anong magugustuhan mo sa taong yun? Ako lang ata talaga nakakakita ng tunay na kulay ng lalaking yun. Isip bata, papansin, nakakapikon at higit sa lahat. Oo nga nakaka-inlove nga siya?
Bigla siyang bumalik. May dala dala siyang halaman na nasa paso. Tapos papalapit siya sa akin. Ano na namang kalukuhan to?
"Kalukuhan mo na naman?"
"Kapag bumulaklak ito. Magiging asawa kita?"
"Uyyyyyyyyy....."
"Ha?" tangi kong nasabi
"Charan!"
nilagyan niya ng pekeng bulaklak ang tuktok ng halaman. Sige na wala na akong magagawa. Ganyan na siguro siya hanggang sa huli. Ganito na lang siguro ang istorya namin. Baka malay natin next day, next week, next month o baka next year may mangyari na.
-the end?