Ivory's POV
Nanonood ako ngayon ng isang horror movie sa malaking TV dito sa kuwarto ko.
Jeepers creepers ang palabas.
Hindi naman ako natatakot o nagugulat para lang akong nanunuod ng balita, tuwang tuwa pa nga ako habang pinapanood kung papano isa isang namamatay ang mga characters.
Pero isang katok ang narinig ko mula sa pintuan ng aking madilim na kuwarto.
Sinilip ko kung sino iyon mula sa maliit na butas na ginawa ko dahil ayaw kong humarap sa iba,maliban lang sa dalawang taong pinagkakatiwalaan ko.
Wala naman akong nakita kaya bumalik na lang ako sa panunuod pero isa na namang katok ang narinig ko.
Pero this time ay binuksan ko na ang pinto pero wala naman ibang tao.
"Raaaaaawwwwrrrrrr!!!!!!!"isang nakakatakot na namaskara ng zombie ang nanggulat sa akin at suot iyon ng lalaki.
Tsk,hindi naman ako natakot o nagulat sa halip ay kuminang ang aking mata dahil sa nakakatakot na maskara.
Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Rico,ang kaibigan ko.
"Grabe hindi ka man lang nagulat?"tila dismayadong sabi nito.
Hinablot ko ang hawak nyang maskara bago muling pumasok sa kuwarto at inilagay iyon sa aking cabinet.
Alam kong sumunod sya,at alam ko rin na alam narin nya na aarborin ko yung maskara pero di naman sya nag reklamo.
Inilipat nya iyon sa ibang channel,sa isang balita.
"Bakit kaba narito? "Tanong ko sa kanya.
"Wala lang, ayaw mo kasing lumabas kaya tambay na lang ako dito."sabi nya.
Napabuntong hininga nalang ako dahil totoo namang ayaw kong lumabas
Umupo nalang ako sa tabi nya at nanuod rin ng balita.
"Grabe talaga,hindi parin ako makapaniwala na Deathrone na ang namumuno sa mundo,may mga prisedente nga pero sila lang naman ang gumagawa ng iniuutos ng mga Deathrone "kumento ni Rico.
Naalala ko tuloy ng high school ako nagkaroon ako ng kaklase na Deathrone rin.
Hindi ko maalala ang pangalan nya dahil yun ang una at huling beses na nakita ko sya dahil huminto na ako ng pagaaral nun.
Wala naman akong pakialam sa kanya nun dahil di ko naman sya pinapansin pero alam ko nakatingin sya sa akin ng buong oras sa klase nun.
Siguro dahil creepy ako kaya nagtataka sya dahil paanong nagkaron ng estudyanteng katulad ko sa eskuwelahan na ito.
Pero diko sya pinansin.
Break rime namin at pumunta ako sa rooftop ng building ng school,dahil nais kong pagmasdan muna ang buong lugar bago ko ito lisanin.
Mahangin dito kaya natatangay nito ang aking buhok at bangs sa bawat pag ihip ng hangin.
Aalis na sana ako sa lugar na iyon pero napansin ko ang isang bulto ng lalaki sa gilid ko.
Nagulat pa ako nang mamukhaan ito...Deathrone. ...
Yon ang unang salitang pumasok sa isip ko,nakangisi sya sa akin at tila naman ako natulos sa aking kinatatayuan dahil sa ngisi nya naparang maybagay syang nalaman.
"Just what I thought, you really have a beautiful eyes" sabi nya kaya nabalik ako sa realidad.
Humahangin kasi kaya nakita nya ang buong mukha ko,kaya dali dali ko itong tinakpan ng aking buhok bago naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed Deathrone
General FictionCreepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa magulang,lagi lang syang nakakulong sa malaki pero nakakatakot na mansyon. Madalas rin syang pagkamalan na multo dahil sa mahaba at itim nyang...