Heaven's POV
Nagmamadali akong bumalik sa hospital kung saan dinala ang asawa't kapatid ko. Sinasabi kasi ng instinct ko na agad bumalik kaya hindi ko na tuloy na enjoy ang pagpaparusa kay Vanessa at minadali kona lang agad pero buhay parin sya kaya pinaubaya ko nalang sa kapatid kong si Beast kung ano ang mas mabuting gawin sa babaeng iyon.
Kanina pa ako kinakabahan pero hindi ko alam kung bakit, hindi rin ako mapakali kanina simula ng unalis ako sa kuwarto ng asawa ko ,parang may masamang mangyayari na hindi ko magugustuhan.
Nasa hallway na ako patungo sa kuwarto ng asawa ko pero napansin ko na wala na ang mga tauhan na pinaiwan ko para bantayan si Ivory kaya kinutuban na ako.
Inilabas ko ang baril ko na nakatago sa aking tagiliran at marahang lumapit sa pinto ng kuwarto ng asawa ko. Dahan dahan kong pinihit ang sedura ng pinto at dahan dahan ding binuksan iyon.
Hindi ko pa man na bubuksan ng todo ang pinto ay napansin ko na ang isang tauhan ko na naka ulagta sa sahig kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at binuksan ko na ng agad ang pinto.
Halos umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo ng makitang wala sa kinahihigaan nya ang asawa ko .
Nadatnat ko ring walang malay ang tatlong tauhan na inassign ko na bantayan sya. Sa sobrang frustration na nararamdaman ko ay sinipa ko ang lamesa at pati ang higaan . Pinagsisira ko ang mga gamit na makita ko sa buong kuwarto.
Hingal na hingal ako matapos kong mag wala at doon ko lang napansin ang isang singsing na panglalake na natapakan ko at muling nabuhay ang galit sa dibdib ko ng makilala ko kung kanino ito. Kinuha ko ang singsing mula sa sahig at nagtagis ang aking mga ngipin dahil sigurado akong sa kanya ito.
" Seven Killver..!" Galit kong sabi sa pangalan ng ama ni Ivory habang hawak ang singsing na pag-aari nya.
Si Seven Killver ay ang pinagkakatiwalang tauhan ni Dad,sya rin ang kanang kamay nito at matalik na kaibigan pero ang hindi ko maisip kung bakit tatraydurin ni Seven ang pamilya namin.
Bigla namang may nagsidatingan na nurse at nagulat pa ito ng makita ako, bakas sa mga mata nila ang paghanga pero wala akong pakialam sa reaksyon nila dahil may asawa na ako at mahal ko sya pero nawawala na naman sya ngayon pero sisiguraduhin ko na matutuntun ko sila.
"Sir ano pang nanyari dito" tanong sa akin nung babaeng nurse at hinawakan pa talaga ako sa braso, pansin ko rin ang bahagyang pagdikit ng dibdib nya sa siko ko.
Dahil wala ako sa mood at masyado na akong frustrated ay sinapak ko sa mukha yung nurse na lumalandi sa akin. Nagulat pa ang mga kasamahan nya sa ginawa ko at nagmamadaling nilapitan yung kasama nilang bulagta na sa sahig.
Agad na akong lumabas ng kuwartong iyon at nagmamadaling sumakay sa sasakyan ko bago ko pinaharurot papunta sa mansyon.
Pagdating ko doon ay sinalubong ako ng nakalinyang mga bodyguard at maid na sabay sabay pang bumati sa akin pero hindi ako ng bigay ng ano kang salita at diretso agad ako sa opisina ni Dad sa fourth floor.
Kumatok muna ako sa kulay gintong pintuan ni Dad sa opisina nito, narinig kong sinabi ni Dad na pumasok na ako kaya agad akong tumuloy at binuksan ang pintuan.
Nakita ko si Dad na hawak ang isang file habang sumisimsim ito ng alak , sumulyap ito sa akin at sinenyasan akong umupo sa upuang katapan ng table nya.
Agad akong pumunta at umupo , ibinaba nya ang hawak na file at alak,hinubad din nya ang kanyang reading glasses at inilapag ito sa lamesa.
"Nakatanggap ako ng tawag mula sa ZCD HOSPITAL and I heard that your wife is missing and nanapak karin daw ng babaeng nurse?" Seryosong tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed Deathrone
General FictionCreepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa magulang,lagi lang syang nakakulong sa malaki pero nakakatakot na mansyon. Madalas rin syang pagkamalan na multo dahil sa mahaba at itim nyang...