🌹 Kabanata 13 💀

35.6K 1.1K 154
                                    

Third person's POV

Taas noong naglalakad ang isang babae na nakasuot ng tube dress na berde papasok sa mansyon ng mga Deathrone. Sya ang secretary ni Heaven na walang iba kundi si Vanessa Mistress na isang half Filipino at half American na nagtatrabaho sa kompanya ni Heaven.

Binati sya ng mga katulong na sumasalubong sa kanya pero hindi nya ito pinapansin at patuloy lamang sa paglalakad. Nadaanan na ang pasilyo kung saan ay kita sa labas ang napakalawak na garden na maraming nakatanim na bulaklak,pero ang naka agaw ng pansin sa kanya ang isang statue ng babae na may hawak na bungo na napapalibutan ng pulang rosas ang paligid nito.

Kung hindi sya nagkakamali ay parte ito ng tinatawag na 'Statue of Deathrone's wife '  lahat ng lalaking miyembro ng pamilya ng Deathrone ay pagagawan ng sariling estatwa ang kanilang mga asawa , simbulo kasi ito ng loyalty para sa kanila at ang nagpauso nito ay ang mismong Daddy ni Heaven.

Napakuyom sya ng kamao kasabay ng pag-igting ng kanyang mga panga,dahil isa ito sa mga pinapangrap nya ang mapasali sa ' Statue of Deathrone's wife 'bilang asawa rin ng isang Deathrone Prince at ang napupusuan nya sa mga ito ay walang iba kundi si Heaven na childhood crush nya rin.

Nasa kinder palang sila ay humanga na sya sa kaguwapuhang taglay ng binata at naging stalker nya rin ito. Palagi nya itong kinukulit na maging asawa nya paglaki nila at dahil narin nakukulitan na si Heaven sa ugali nya ay napa 'Oo' nalang ito pero  ang hindi nya akalain na magpapalipat ito ng school kaya doon narin naputol ang pagsusubaybay nya rito ngunit nanatili ang paghanga  nya rito  hanggang sa kanyang paglaki.

Nang mabigyan sya ng pagkakataon na maging secretary nito ay napakasaya nya,ipinangako nya na kahit anong mangyari ay mapapasakanya si Heaven. Ginawa nya ang lahat para mapansin sya ni Heaven at parati nyang pinapaalala ang ipinangako nya para sa kanya pero ang sinasabi nito ay  wala syang  maalala sa pangako na iyon.

Mas lalo pa syang namomroblema ng dumating ang babaeng mukhang sadako at kamag anak pa yata yung multo sa The Ring. Hindi sya makapaniwala dahil nagpakasal ang isang Heaven Creed Deathrone na ubod ng guwapo at yaman sa isang weird na babae na di hamak na mas maganda naman sya kumpara dito.

'Hindi bale,sisiguraduhin ko na mapapasa akin si Heaven dahil ako ang mahal nya,ako ang unang pinangakuan nya na magiging asawa nya, sa akin lang nahuhumaling si Heaven at alam ko na ako lang din ang gusto nya.'

Iyan ang sinabi nya sa kanyang isipan bago muling naglakad,pero papaliko pa lamang sya ng makabangga nya ang isang babae.

"Ouch!! " Daing nya,napatingin sya sa babaeng nakabangga nya na walang iba kundi ang  ampon ng Deathrone na si  Andreana Yours Hyacinth Deathrone o Jairah sa totoo nitong pangalan.

"Sorry hindi ko sinasadya " paumanhin nito habang nakayuko at kinukutkot ang kanyang kuko.

Napairap sya dito,dahil ang totoo ay hindi nya gusto ang ampon nila dahil nagmula lang ito sa kung saan kabundukan sya pinulot ni Mr. Zerred. Ayaw nya sa mga taong nanggaling sa mababang uri ng pamumuhay dahil para sa kanya ay kung sa putikan ka pinanganak sa putikan karin dapat tumira.

"Tsk!sa susunod tumingin tingin ka sa dinadaanan mo pwede ba!? Nahahalata tuloy na taong bundok ka eh" mataray nyang sabi rito.

"What's going here?"  Tanong ng isang baritonong boses na nanggaling mula sa likod nya , napangiti naman sya dahil kilalang kilala nya kung sino ang lalaking iyon.

Nakangiti sya ng peke bago humarap kay Beast na nakasuot ng asul na T-shirt na may nakatatak na bungo na may kagat na rosas , na tinernuhan ng itim na jeans at black rubber shoes. Halatang bagong ligo ito dahil medyo basa pa ang buhok nito.

Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon