Kabanata 23

28.9K 859 236
                                    

Ivory's POV

"Kumusta Ivory...?"  Nakangisi ito habang nakasandal sa isang pintuan. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga pero laking gulat ko ng mapansin ko na nakaposas ang dalawa kong kamay .

"Rico anong ibig sabihin nito!!? Bakit mo ako pinadukot? At bakit ako nakaposas?" Nahihintatakutan kong tanong pero isang mahinang tawa lang ang narinig ko mula sa kanya.

"Bakit ko ginagawa ito?  Siyempre para ibalik sa dati ang lahat....noong mga panahong ako , ikaw at si lola lang ang magkakasama..walang Heaven at walang sino mang miyembro ng Deathrone,"

Napailing ako, doon ko rin lang napagmasdan ang buong itsura ni Rico,  marami siyang tattoo sa katawan, may hikaw sa ilong at dila, mapula ang kanyang mata na para bang ilang araw siyang hindi natulog ,  kakaiba rin ang kinikilos nito at pananalita..malaki ang ipinagbago niya.

"Rico..nakikiusap ako...pakawalan mo na ako...ibalik mo na ako kay Heaven.." pagsusumamo ko rito pero mali yata ang ginawa ko dahil bigla nitong kinuha ang isang bote ng alak at ipinukol sa dereksyon ko.

Tumama ito sa dingding at nagtalsikan ang mga bubog , ang iba ay dumaplis sa aking pisngi kaya nasugatan ako. Nagmamadali itong lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang balikat ko na kinadaing ko,

"Heaven !! Heaven!!!! Puro na lang si Heaven!!! Ivory nandito na ako, pwede na tayong magsama! " Galit na galit na sabi ni Rico sa akin.

"Pero kaibigan lang ang turing ko sa iyo..." naluluha kong sabi dahil ang totoo ay natatakot na ako sa kanya..

Nabigla ako ng sampalin ako nito. Napabaling ang aking pisngi at nalasahan ko rin ang dugo sa aking labi.

"Iyan ang problema!!! Kaibigan lang ang tingin mo sa akin habang ako ay hindi! Umaasa ako na balang araw mamahalin mo rin ako pero anong nangyari!! Nahulog ka sa buwisit na Heaven na iyon!!  Mas pinili mo siya kaysa sa akin na mas matagal mong nakasama!! Pero hindi ako papayag dahil akin kalang!!"Nagkikiskisan ang mga ngipin nito habang nagsasalita.

"Nahihibang kana..." kahit na natatakot ako ay nagawa kong sabihin ang bagay na iyon sa kanya, bagamat mahina ay narinig parin niya iyon. Humalakhak ito na parang may nakakatawa talaga sa sinabi ko.

"Yes!! Tama ka Ivory, nahihibang na talaga ako! Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko para makarating sa ganitong  posisisyon at magkaroon ng sariling kapangyarihan at mga tauhan na sumusunod sa akin. Pinasok ko ang kalakalan ng droga at iba pang illegal na gawain. Nagbebenta ako ng mga nakaw na sasakyan at  mga armas sa black market, meron ding mga minor de edad na mga babae na binubugaw ko. Miyembro rin ako ng sindikato kung saan ay gumagawa kami ng mga espesyal na droga , siyempre dahil droga ang business ko gumagamit din ako ng drugs. Totoo  nga ang sabi nila na madaling kumita sa bawal na trabaho kaya tignan mo ako..rich and handsome!"

Proud na proud pa nitong sabi, rich and handsome pero adik! Pipi kong sabi sa aking isipan.

"And oh..I forgot, alam kong gustong gusto mo ng makita si Lola so I brought her here,medyo nahirapan nga lang ako ng konti na isama siya but I know na matutuwa kang makita siya." Nasasabik nitong sabi at nagmamadaling pumunta sa isang pinto at binuksan iyon.

Nagtataka ako ng maglakad ito patalikod sa akin habang may hila-hila nito ang isang wheelchair.  Hindi ko makita ang itsura nito pero nangangamoy mabaho. Unti unti nitong iniharap sa akin ang wheelchair.

Sobrang pagkagimbal ko ng makita ko kung sino nasa wheelchair na iyon. Si Lola! Subalit sunog ang kalahati ng katawan nito at puro latay ang kabilang bahagi ng katawan niya. Mukhang ilang araw narin itong patay dahil nangangamoy na.

"HAYOP KA ANONG GINAWA MO SA KANYA!!!!!!!  BAKIT MO SILA PINATAY!!! DEMONYO KA!!!!! HAYOP KA!!!! ISA KANG BALIW!!!! BALIW KA!!!"

Galit na galit kong sigaw dito p, hindi mataggao ng sistema ko ang sinapit ni Lola . Hindi ko lubos na mawari kung bakit niya iypto ginawa kay Lola gayong mahal na mahal siya nito bilang kaisa-isang apo.

Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon