The photos is not mine, credits to rightful owner of these pictures
Ivory's POV
Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Rico at binabaybay namin ngayon ang kalsada papunta sa probinsya ng Albay. Mga ilang oras narin ang biyahe namin simula ng umalis kami sa private resort.
"Rico,saan ba tayo pupunta? " naiinip kong tanong sa kanya.
"Doon tayo sa bahay ng lola ko na pinamana nya sa amin,probinsya namin ito kaya huwag ka ng mag-alala." Sabi nya sa akin habang nakafocus sya sa pagmamaneho.
Napabuntong hininga ako dahil kahit malayo na kami ay hindi ko parin maiwasang kabahan dahil baka marahil sa oras na ito ay alam na ni Heaven na wala na ako sa bahay.
Aaminin ko na may parte sa puso ko na ayaw syang iwan sya pero mali ito,hindi namin kilala ang isa't isa. Dinukot lang nya ako at biglang pinakasalan. Sinong matinong tao ang gagawa nun,kung sabagay weird naman din ako eh.
Gabi na ng makarating kami sa maliit nilang nayon. Simple lang ang lugar at malayo ang mga kapitbahay. Ipinasok ni Rico ang mga gamit nadala ko sa isang bungalow na napapaligiran ng maraming bulaklak.
Simple lang din ang bahay pero maaliwalas na ayoko! Mas gusto ko kasi ang madilim pero wala akong magagawa dahil makikitira lang naman ako dito.
Biglang sumagi sa isip ko si Heaven,nakakain na kaya sya? Ang damit nya nakahanda na kaya? Napailing ako,hindi ko dapat iniisip sya dahil tutal meron naman syang Vanessa na ipapalit sa akin.
__
Kakalabas ko lang ng kuwarto ko matapos kong mag-bihis.Kasalukuyan akong nagsusuklay ng nadatnan ko si Rico na nanonood ng TV. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko kung ano ang palabas,isa iyong balita,tungkol sa akin!
"Kasalukuyan pong nawawala ang asawa ng panganay na anak ni Zerred Deathrone na si Heaven. Patuloy sa ginagawang paghahanap ang mga tauhan ng kilalang pamilya. "
Kita sa video ang paglabas ni Heaven sa itim na sports car nito at kasunod naman nya ang napakaraming tauhan nya . Wala kang mababakasan na ekspresyon sa mukha nito at dire-diresto lang ito papasok ng isang building na may pangalang H.C.D Empire na sarili nitong kumpanya.
Napaisp tuloy ako bigla,bakit pa ako hahanapin ni Heaven kung nariyan naman si Vanessa na di hamak na mas bagay sa kanya. Hindi tulad ko na mukhang sadako at pangit pa.
"Kung sino man ang nakakaalam kung nasaan ang asawa ni Mr.Heaven ay maari nyo pong ipagbigay alam sa autoridad at makakakuha kayo ng malaking reward. At sa taong nagtangkang kumuha sa asawa nya ay hindi po magdadalawang isip si Mr.Heaven na parusahan ito." Sabi ng kanang kamay ni Heaven na nakilala ko na noon.
Nabitawan ko ang suklay na dala ko kaya lumikha iyon ng ingay ng mahulog ito sa sahig. Napatingin sa gawi ko si Rico na nabigla rin dahil hindi nya akaling narito ako. Agad nyang pinatay ang TV bago lumapot sa akin.
"Ayos ka lang Ivory? " nag-aalalang tanong nya sa akin. Marahan lang akong napatango sa katanungan nya pero sa loob loob ko ay kinakabahan ako dahil alam ko kung ano ang kayang gawin ni Heaven kung sa kaling malaman nya na si Rico ang dahilan kung bakit ako wala sa poder nya.
Wala sa loob kong niyakap si Rico,ganito ako kapag nakakaramdam ng takot pero ngayon ay natatakot ako para sa kalagayan ng iba. Hindi ko maatim na makitang sinasaktan ang nag-iisang kaibigan ko mula pagkabata.
"Huwag kang matakot dahil narito ako at ipagtatanggol kita" pag-aalo nya sa akin. Biglang bumalik ang isang alaala ko noon nung bata pa kami. Kung papano kami unang nagkakilala.
Flashback.....
"Whaah!! Multo ! Multo! Multo ! " iyan ang sigaw ng mga batang lalaki habang papasok ako ng bagong eskuwelahan. Isa itong private school na pag-aari ng isang mayamang pamilya.
BINABASA MO ANG
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed Deathrone
General FictionCreepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa magulang,lagi lang syang nakakulong sa malaki pero nakakatakot na mansyon. Madalas rin syang pagkamalan na multo dahil sa mahaba at itim nyang...