Ivory's POV
Unti unti na akong nakakaramdam ng pagod dahil kanina pa ako tumatakbo subalit hindi parin ako nakakalabas ng teritoryo ni Rico. Isa itong abandonadong building, malawak ang lugar at lumang luma na.
Kanina parin ako nakakarinig ng panaka-nakang pagputok ng baril mula sa kung saan. Hindi ko batid kung may iba silang kaaway pero mas mabuti narin iyon dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makatakas.
Aminado ako na nagulat ako sa ginawa kong pagputol sa ari ni Rico, masyadong matalas ang kutsilyo o kung kutsilyo pa nga ba iyon dahil para kasi iyong maiksing katana na sing laki lang ng kutsilyo.
Pero kulang pa iyon sa mga pinagagagawa niy sa akin at kay lola. Nang dahil sa pagkalulong niya sa droga ay nagawa niyang babuyin ang katawan ko. Pero kahit hindi niya magawang ipasok ay nakaramdam parin ako ng pandidiri.
Nanggigigil parin ako dahil gusto ko pang balikan ulit si Rico at tadtarin ng pinong pino. Tapos yung putol niyang ari ay gagawin kong key chain at isa-sama ko sa mga koleksyon ko.
Hinang hina na ako pero pinipilit ko paring tumakbo, duguan ang aking puting roba dahil namansahan ito ng dugo ni Roki at maging ng ilang sugat ko sa katawan. Naiinis narin ako sa bangs ko dahil imbis na madilim na nga ay mas lalo pa akong nahihirapang makakita dahil sagabal ang buhok ko na pinutol ni Rico.
Hindi na nga yata kaya ng katawan ko ang tumakbo pa dahil nadapa na ako sa sobrang pagod. Tatayo na sana ako muli pero bigla akong nasilaw dahil may kung sinong nagtapat ng ilaw ng flashlight sa mukha ko.
Sinubukan kong tignan kung sino ito at nalaglang ang panga ko dahil isa itong armadong lalaki na tila tauhan ni Rico.
' Diyos ko...ito na ba ang katapusan ko? Wag naman po sana dahil gusto ko pang makasama si Heaven...gusto ko pang magka-'
"AHHHHH!!!!" Ang taimtim kong panalangin ay nabulabong ng tumili yung lalaking armado at nagkanda dapa-dapa pa sa pagkaripas sa pagtakbo.
Tumaas ang isa kong kilay, anyare?
Lihim akong napairap, Oo nga pala , balik na naman pala ako sa pagiging mukhang sadako. Natural matatakot iyon, dapat ba akong mag pasalamat?
Tumayo ako mula sa pagkakadapa pero ako naman ang napasigaw dahil pagharap ko ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Rico. Anak ng putcha! Buhay pa pala ito!? At ang bilis naman niya akong naabutan.
Napaigik ako ng bigla niya akong sabunutan kahit hirap na hirap siyang kumilos dahil sa nangyari sa kanya ay nagawa niya parin akong hilahin papasok sa isang bakanteng kuwarto. Bakit ba ang tagal mamatay ng isang ito!!?
"Dahil isa akong masamang damo Ivory!!! At ang isang masamang damo ay matagal mamatay!!" Sigaw nito na tila nahulaan ang aking nasa isip.
"Hayop ka talaga Rico!!" Sabi ko sabay tadyak dun sa ano niya. Napaluhod ito sa sakit. Muli sana akong tatakbo pero nahawakan nito ang paa ko kaya muli akong nadapa.
Ngunit hindi ako nagpatinag at hinarap ko ito, sinipa ko ang kanyang mukha kaya nagdugo ang ilong nito.
"Magkakamatayan muna tayo bago mo ulit babuyin ang katawan ko!" Lakas loob kong sabi sa kanya. Kahit putol na ang ari at duguan na ang mukha ay nagawa pa talagang humalakhak ng isang ito.
"You can't kill me Ivory, kahit putol na ang pagkalalaki ko ay mabubuhay parin ako sa mundong ito and I swear to you, iisa -isahin ko ang mga mahal mo sa buhay! You can't kill me Ivory!! You can't kill me!!!!" Singhal nito sa akin.
"She's not going to kill you..." kumabog ng malakas ang aking dibdib sa nagsalitang iyon. Ang malamig at baritonong boses na iyon. Sabay kaming napalingon ni Rico sa pinanggalingan ng boses .
BINABASA MO ANG
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed Deathrone
General FictionCreepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa magulang,lagi lang syang nakakulong sa malaki pero nakakatakot na mansyon. Madalas rin syang pagkamalan na multo dahil sa mahaba at itim nyang...