Ivory's POV
"Ako...ito..si...Rico.." hirap na hirap na sabi nya.
Wala akong maalala na may kakilala akong Rico kaya naisip ko na baka nagsisinungaling lang sya,sabi pa naman sa akin ni Heaven na wag magtitiwala sa mga taong hindi mo kilala.
"Sorry kuya hindi kita kilala eh" deretsahang sabi ko bago ko paandarin ang aking wheelchair para lisanin ang lugar. Narinig ko pa ang makailang beses na pagtawag sa akin nung lalaki pero hindi ko sya nilingon at lumabas na ng lugar na iyon.
Sa pagtahak ko sa medyo madilim na pasilyo ay nakasalubong ko pa ang isa sa mga tauhan ni Heaven na halatang nagulat sa akin,ewan ko kung nagulat sya dahil sa nakakatakot kong itsura o dahil naririto ako sa basement.
Saktong paglabas ko ng basement ay nakita ko na naglalakad si Mommy Heva kasama ang triplets nya. Dali dali ko syang sinundan dahil gusto ko syang makausap, gusto kong malaman kung kailan ko makikita si mommy ko.Baka sa kaling alam nya kung kailan,wala naman mawawala kung magbakasakali ako na alam nya .Naabutan ko sya sa kusina at ipinagtitimpla pala nya ng gatas ang triplets.
"Good morning po mommy Heva." Masayang bati ko sa kanya. Napatingin sya sa gawi ko bago sya ngumiti ng matamis.
"Good morning din Ivory,kagigising mo lang?" Tanong nya sa akin na kinatango ko.Napansin ko naman ang biglang pagyakap ng tatlong kambal sa mommy nila,halatang takot sa akin.
"Laloyd, Helios,Gun ano ba kayo hindi dapat kayo natatakot kay ate Ivory nyo,mabait naman sya"sermon ni mommy sa triplets kaya napatawa nalang ako ng mahina.
Pero nagtaka ako sa pangalan ng isa nila. Laloyd?
Oo, lahat sila weird ang pangalan, tradition daw yon sa pamilya eh. Pero si Laloyd talaga ako naguluhan ng husto.
" Bakit po Laloyd? As in L.A.L.O.Y.D po? " Inosenteng tanong ko.
" Wrong spelling kasi pagkakasulat nung nurse, kaya wala na kaming nagawa pero cute Naman pakinggan"
Natatawa nyang sabi.Kaya natawa rin ako. Pero mas lalo yatang natakot ang triplet sa akin dahil nagtago talaga sila ng husto.
Grabe Naman!
Ganito talaga ang triplets sa akin,ang guwapo pa naman nila halatang mana kay Daddy Zerred. Halata narin ang umbok sa tiyan ni mommy Heva, ano kaya feeling ng magka baby?
"Naks! Naiingit naman ako sa tatlong itlog na iyan" sabay kaming na patingin ni mommy Heva sa nagsalita,walang iba kundi si Light o Lightning na nakapajama pa na Mr.Bean ang design at tabingi pa ang salamin nito sa mata,halatang bagong gising lang din.
"Mommy timpla mo rin ako ng gatas" sabi nya habang naghihikab pang papalapit sa amin.
"Ano kaba Lightning, ang laki laki mo na feeling baby ka parin"
"Mom, nakalimutan mo na ba ang sabi mo sa akin noon,you made a promise na ako lang bunso ,tapos biglang madadagdagan ng tatlo may pahabol pang isa" reklamo ni Lightning.
"No!! Mommy shay I em da bunsho,ako pan las!" Kumento ni ni Laloyd na last sa triplets na anak at pinakahuling lumabas.
"Anong ikaw!? Kita mo nang bondat ulit tiyan ni mommy tapos sasabihin mo ikaw ang last?bumara ka lang kaya ikaw ang last na lumabas tapos ikaw bunso? F.Y.I lang ako ang original na bunso.
Napakamot nalang ako sa aking ulo habang pinanonood ang dalawang magkapatid na nag-aaway at pinag-aagawan ang titulo ng pagiging bunso,ang paliwanag sa akin ni Heaven kung sino daw ang bunso sa magkakapatid ay syang makakatanggap ng malaking regelo mula kay Daddy Zerred kaya ganun nalang kung magtalo itong dalawa.
BINABASA MO ANG
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed Deathrone
General FictionCreepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa magulang,lagi lang syang nakakulong sa malaki pero nakakatakot na mansyon. Madalas rin syang pagkamalan na multo dahil sa mahaba at itim nyang...