Kabanata 17

33.9K 1.1K 222
                                    

IVORY'S\ Savanna's POV

  Three years later....

Tahimik kong tinatanaw ang mga ulap sa bintana ng private plane na sinasakyan ko ngayon. Pauwi na ako sa bansa kung saan ako isinilang at kung saan naranasan ko ang di malilimutang pangyayari ng aking buhay.

Mali...ang mga pangyayari sa buhay ni Ivory. Ako na ngayon si Savanna, sa loob ng  tatlong taon ay nagawa ko ring mabago ang akong postura at nakagawian sa tulong narin ni Dad.

Mula sa pagiging sadako ay naging isang magandang dalaga ako. Natuto akong mag-ayos , magsuot ng mga nauusong damit at higit sa lahat natututo akong magtaas noo dahil wala na ang Ivory na kinatatakutan at nilalayuan.

Isang korean ang mommy ko kung saan mas higit kong nakuha ang kanyang mukha kaysa sa aking Daddy na half Japanese at half American . Kung nakapagtataka dahil hindi ako natagpuan ng mga Deathrone ay masasabi kong dito mahusay ang Daddy ko. Nagwa nyang tanggalin lahat ng maaring makapagturo kung nasaan ako. Ano pa't itinuring syang kanang kamay ng mafia lord ni Zerred kung hindi sya mahusay.

Matalino si Dad pero ayaw nyang kalabanin ang mga Deathrone dahil totoong itinuring nyang matalik na kaibigan si Sir Zerred kaya mas ginusto  nalang nya na lumayo kami kaysa makipagbanggaan kami sa mafia organisation nila.pmat mas pinili naming mamuhay ng tahimik sa New Zealand.

Malabo rin na may makakilala pa sa akin dahil ibang iba na ako ngayon, maski ang berde kong nga mata na kinahumalingan ng lalaking iyon ay tinakpan ko ng itim na contact lense para maikubli ang mga mata kong iyon sa mga tao.

Wala narin ang mahaba kong bangs na halos sakupin ang kalahati ng aking mukha. Hangang bewang ko nalang din ang pagkahaba haba kong buhok noon. Medyo nagkaroon din ng pagka dark brown ang aking buhok dahil pinakulayan ko ito.

Siguro meron lang isang bagay na hindi mawawala sa akin at sila mom at dad lang ang nakakaalam pati narin yung bago kong kaibigan ang tungkol dito. Mahilig parin kasi akong mangolekta ng nakakatakot na bagay. Makikita ang mga koleksyon ko sa isang secret room na konektado sa kuwarto ko.Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa kasi akong makakita ng nakakatakot na maga bagay.

"Savanna!! Girl!!!! narito na tayo, lumilipad na naman iyang utak mo" pukaw sa akin ng kaibigan kong si Jesselle na isang pinay na morena.
Siya ang naging kaibigan ko at isa narin sa tumulong para baguhin ko ang aking mga nakaugalian.

____

Lahat ng tao ay napapatingin sa aming gawi at karamihan sa mga ito ay lalaki. Lihim akong napangiti dahil kitang kita ko ang paghanga sa kanilang mga mata. Taas noo akong naglalakad palabas ng airport kasama si Jesselle na may pagka sopistikada rin ang dating.

Natanaw ko ang limousine na syang susundo sa akin at sa kaibigan ko. Habang lulan kami ng sasakyang ito  ay hindi ko parin mapigilang isipin ang dahilan kung bakit ako bimalik dito sa Pilipinas,  kinakailangan ko kasing ipawalang bisa  ang kasal namin ni Heaven. Alam kong mahihirapan ako dahil hanggat maari ay ayoko na magkrus ang landas namin dahil aaminin ko na meron paring puwang sa puso ko si Heaven bagamat natatabunan lang ito ng galit ko sa mga kasalanan nya sa akin.

Hindi narin ako nagtanong kay Dad kung ano ba ang mga pinagkakaabalahan ni Heaven dahil gusto ko na syang kalimutan. Mas mabuti na ang ganito dahil alam ko na nariyan naman si Vanessa na makapagpapasya sa kanya. Ibig sabihin ay wala na akong balita kay Heaven magmula ng umalis ako.

Pinagdadasal ko lang na sana ay makabalik ako ng maayos sa piling nila Dad na walang ano mang problema. Sa ngayon ay kinakailangan kong makapagisip ng paraan kung papano ko mapapapirma si Heaven sa annulment paper ng hindi kami nagkikita. Yalgang napakahirap ng iniisip ko pero nagbabakasakali rin ako. Hindi agad ako nakapag isip ng plano noong nasa New Zealand ako dahil naging biglaan ang lahat,basta ang alam ni Dad ay kinakailangan kong asikasuhin ang mga naiwang ari-arian ng peke kong mommy,nag volunteer panga si Dad na sya nalang daw ang aasikaso pero ang dahilan ko ay kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa at gawin ang mga simpleng bagay. Pero alam ko na nagdududa iyon sa akin.

Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon