Heaven's POV
Iniwan kong nakatulala si Ivory sa kuwarto kung saan ko siya ikinulong. Dumeretso ako dito sa isang mini bar sa mansyon kung saan kami naglalagi ni Ivory. Hindi na ako kumuha ng baso at diretsong tinunga na lang ang isang bote ng mamahaling alak. Nanuot ang pinaghalok pait at tamis sa aking lalamunan. Pero wala akong pakialam dahil gusto kahit sandali makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
I know I hurt her,pero hindi ko mapigilang hindi magalit sa tuwing sasabihin nya sa akin kung gaano nya gustong makaalis sa poder ko. Hindi ko mapigilang hindi masaktan dahil bakit hindi nya makita kung gaano ko sya kamahal.
Gusto ko lang naman ay mahalin nya rin ako at manatili sya sa tabi ko pero pinagkakait sa akin ,why? Is it because I'm a killer? A mafia? Maraming kasalanan? Hindi ba ako pwedeng mahalin pabalik ng taong mahal ko? Masama bang humiling sa langit ang isang masamang tulad ko na sana balang araw mahalin din ako ni Ivory? Ganon ba talaga ako ka sama para pagkaitan ng pag-ibig? Galit ba sa akin ang Diyos kaya ito ang ginawa nyang parusa sa akin? Damn!!!
Alam ko hindi tama ang ginawa kong paglayo sa kanya sa tunay nyang ama pero natatakot ako na baka hindi na sya bumaalik sa akin. Ang gusto kong mangyari ay matutunan muna nyang mahalin ako para ng saganon ay maypanghahawakan ako na babalik sya sa akin kapag hinayaan ko syang makasama ang tunay nyang mga magulang.
Ako ang bumubugbog sa mga taong umaaway sa kanya noong bata pa lang ako, ayaw ko syang nakikitang nasasaktan dahil sa mga mapanghusgang tao na kung ano ano ang sinasabi sa kanya. Kailan man hindi ako humingi ng tulong kay Dad o sa mga kapatid ko dahil maa gusto kong ako mag-isa ang poprotekta sa kanya.
Ang pinakamalala ay noong teenager ako, nasaksak ako sa tagiliran dahil ako ang pimigil sa mga lalaking kaedaran ko rin na gustong pagtripan si Ivory. Muntik na akong mag-agaw buhay sa nangyari sa akin buti agad akong nadala sa pinakamalapit na hospital. Pero naulit muli ang pangyayaring iyon ng may magtangkang manloob na magnanakaw sa bahay na tinitirahan ni Ivory.
Muli akong nasaksak sa aking balikat dahil sa pakikipagbuno sa mga kawatan. Pero kahit duguan na ako ng mga sandaling iyon ay bale wala lang sa akin habang pinagmamasdan kong mahimbing na natutulog si Ivory at walang kaalamalam sa presensya at pagprotekta ko sa kanya.
Hindi man lang nagising kahit panay ang ilag ko sa kutsilyo ng magnanakaw. Tinanggal ko lahat ng ibedensyang may nanloob sa bahay nya para hindi na sya matakot at mag-alala sa tuwing mag-isa lang sya.
Ayos lang sa akin kahit hindi nya malaman na ako ang pumoprotekta sa kanya kapag inaapi sya, basta't malaman ko lang na ayos sya ay ay kuntento na ako. Naalarma lang ako ng naging madalas ang pag bisita ng kaibigan nyang lalaki na nagpapakaramdam ng pagkagusto sa kanya kaya kahit mali ay napagpasyahan kong kidnapin sya.
Sa sobtang galit ko ay inihagis ko ang boteng iniinom ko sa pader. Kulang paba lahat ng iyon? Kulang paba lahat ng sakripisyo ko para mahalin nya rin ako? Masakit pa lang magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Pero kung pakakawlaan ko sya baka ikamatay ko iyon. Ayoko kong mamatay dahil gusto kong makita sya parati hangang sa tumanda ako.
Sya ang buhay ko, sya ang dahilan kaya gustong mabuhay ng isang masamang tao kagaya ko sa mundo. Kung kasalanan mang mahalin ang tulad nya ay hindi ako magdadalawang isip na ulit-ulitin ang kasalanang iyon dahil mas mahql ko pa sya kesa sa buhay ko. Kahit sa murang edad ay natutunang magmahal ng isang batang katulad ko ng una ko pa lang syang makikita. Sapat na siguro ang rason na naiiba sya sa lahat ng babae kaya minahal ko sya.
Pinakamasakit ang panahong nawala sya sa akin. Hindi ko alam kung papano ako mabubuhay sa araw araw kung wala sya. Ang dating napakasweet na si Heaven ay naging isang malamig na yelo ng mawala sya. Dahil ayaw kong ipakita sa iba kung gaano ako kahina kapag wala sya sa piling ko. Sobrang saya ko ng malaman ko na nagbalik na sya. Napakaganda na nya, hindi na sya yung mukhang sadako na pangingilagan mo kapag makaksalubong mo sya. Kahit na napakaraming pagbabago na naganap sa kanya isa lang ang hindi nagbago at kailan man hindi magbabago...iyon ay ang pagmamahal ko.
BINABASA MO ANG
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed Deathrone
General FictionCreepy White lady Sadako Yan ang tawag kay Ivory Clorothea Killver, isa syang mayaman pero ulila na sa magulang,lagi lang syang nakakulong sa malaki pero nakakatakot na mansyon. Madalas rin syang pagkamalan na multo dahil sa mahaba at itim nyang...