"Lara! Gising na ay may pasok ka pa!" Rinig kong sabi ni Nanay habang niyuyugyog ako.
"Ayoko pong pumasok" sabi ko habang kinakamot ang ulo ko dahil sa pagkabitin ko sa pagtulog. Inaantok pa ako. Narinig ko na lamang ang pagbukas ng bintanan dahilan upang masilaw ako.
"Walang mangyayari sa buhay mo kung tatamad tamad ka! Tumayo ka diyan at pumasok ka" sabi nito at hinawakan ako sa magkabilang balikat at itinayo ako pero agad akong nahiga at nagtalukbong ng kumot.
"Tutulong na lang po ako sa bukid. Gagawin ko lahat doon! Magbubungkal ako ng lupa at magtatanim. Dagdag kita rin" sabi ko. Hinawakan ako nito sa magkabilang kamay at hinila patayo.
"At ano? Hindi ka na mag-aaral? Habambuhay ka na sa bukid katulad namin ng Tatay mo? Magisip-isip ka nga!" Sabi nito. Magrereklamo pa sana ako pero naningkit na ang mga mata niti hudyat na handa na itong mangurot.
Padabog akong tumayo at kinuha ang uniporme kong medyo gusot na dahil nung lunes pa ito huling naiplantsa at kalalaba lang nito. Tsaka suot ko ang jogging pants ko na sana ay uulitin ko ngayon dahil iisa lang iyon.
Wala naman kasing patawad ang school! Hindi man lang pinaubaya ang ang Biyernes upang magpahinga ang mga estudyante dahil sa party kagabi.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkayari non ay lumabas na ako. Napansin ko sa labas ni Nanay at nakikipagusap sa kapitbahay. Hindi ko napansin si Tatay na malamang ay nasa taniman.
Inabutan naman ako ng Nanay ko ng trenta para sa baon ko ngayong araw. Nilampasan ko lamang iyon.
"Hoy bumalik ka ritong bata ka! Wala pang laman iyang tiyan mo!" Sigaw nito pero nakalayo na ako.
Sariwa pa ang sinabi ni Tatay kagabi na mahina ang kinita niya. Baka sila pa ang walang kainin ngayong araw kapag kinuha ko iyon. Sila pa man itong naghahanap buhay. Tsaka may pera naman ako dahil sa kinita ko sa pagtulong sa kanila nung isang linggo.
"Oh Lara! Sumabay ka na! Papunta ako ngayon sa bayan!" Sabi ni Mang Nestor sakay ng tricy nito kaya naman agad akong sumakay sa likod ng tricycle.
"Ang lamig!" Malamig pa ang simoy ng hangin na humahampas sa amin dahil maaga pa naman.
Ibinaba kami ni Mang Nestor sa tapat ng school. Kami, dahil may kasabay yata ako sa na nasa loob nitong tricy.
"Salamat po Mang Nestor! Ingat po" pagpapasalamat ko. Ngumiti ito at tumango.
Napakunot ang noo ko nang maaninag ang mukha ng lalaking lumabas sa loob nitong sasakyan.
Kinuha niya ang wallet niya at naglabas ng isang daan. Napangiwi ako. Nagbibiro ba siya? Di ba niya alam yung kasabihang "barya lang sa umaga"?
"Nako huwag ka na magbayad. Pupunta rin naman ako sa bayan kaya ayus lang" sabi ni Mang Nestor.
"Salamat po" nakangiting sabi ni Augustine. Pinaandar na ni Mang Nestor ang tricy niya at umalis na.
Nauna na ako sa paglalakad.
"Augustine!" Rinig kong tawag dito. Hindi ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa room.
Simula nanaman ng nakakabagot na klase. Sinabi na kasing tutulong na lang ako sa taniman nang may magawa naman ako kesa matulog buong maghapon sa klase.
Bahala na.