Three

61 24 0
                                    

"Isagani Magtaya" tawag ng guro namin sa Filipino. Isa isa niyang tinatawag ang pangalan ng bawat estudyante pero hindi ito sunud sunod.

"Krisantimo Dy" nagtataasan rin ng kamay ang mga kaklase ko kapag natatawag ang pangalan nila.



"Lara Flores" nagtaas rin ako ng kamay. Medyo nagtaka ako nang mapatingin ng matagal sa akin ang guro.



"Wala kang sanaysay sa akin. Kung gusto mo pang makapasa sa subject ko, humabol ka" napapailing na paalala nito. May ibinulong pa ito kaso hindi ko ito narinig dahil napahikab ako.



Sa totoo lang, hinahantay kong matawag na ang mangalan ko para makadukdok na at matulog.



"Ikaw naman Mr. Capistrano, wala kang attendance sa akin. Bakit hindi ka dumalo kagabi?" Tukoy ng guro kay Augustine na katatayo lang.



"Dumalo po ako kagabi pero hindi ko po kayo nakita kaya hindi na po ako nakapag-attendance" pagtatanggol nito sa sarili pero mukhang hindi naniniwala ang guro. Nagtaas naman ng kamay si Krisantimo a.k.a Timo.




"Opo! Tama po siya. Kasama ko po kagabi si Augustine" singit nito. Ganun din ang sinabi ng mga kaklase ko. Napatingin si Augustine sa akin pati na ang guro na mukhang sagot ko na lang ang hinahantay.



"Nakita mo ko kagabi diba? Sa tapat ng gym" sabi nito at ngumiti.




"O-opo" maikling sagot ko. Naalala ko nanaman yung nakita ko kagabi.


Kumbinsido naman na ang guro kaya bibigyan na daw niya ng dagdag na marka ang performance ni Augustine. Ayoko talaga sa lahat ay ginagawang basehan ng grades ang pag-attend ng estudyante sa kung saan.




Dumukdok ako para matulog sana pero napa-ayos ako ng upo ng may tumamang kung ano sa ulo ko. Di naman masakit pero hinanap ko kung ano iyon. Napatingin ako sa guro namin na pinaniningkitan ako ng mata. Tinuro niya ako gamit ang chalk. Tsaka ko lang napansin ang chalk na nasa sahig na marahil ay siyang tumama sa ulo ko.



Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Napakamot na lamang ako ng ulo at napilitang makinig.


"Sa susunod, hindi na chalk ang ibabato ko sa ulo niyo kapag may nakita pa ang natutulog dito sa klase ko" sabi nito at pinagpatuloy ang pagsusulat.



--

Tumunog na ang bell hudyat na  lunch na. Lumabas na ang mga kaklase ko maliban sa mga cleaners.


Napansin ko naman ang kaklase kong si Cristina na binubura ang nakasulat sa blackboard. Nahihirapan itong burahin ang mataas na parte nito dahil hindi siya ganung katangkaran.


Napatingin naman ako kay Augustine na papalapit sa kaniya. Kinuha niya ang basahan at ipinagpatuloy ang pagbura sa pisara. Nagpasalamat naman si Cristina sa ginawa ni Augustine. Nginitian siya nito.



Bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Mga ilang segundo rin akong napatingin kay Augustine na kasulukuyang inaayos ang laman ng bag niya.


Nang mapalingon ito sa gawi ko ay agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng room.


Teka, ano yung naramdaman ko kanina?



Di ko maipailawanag.






The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon