Seven

48 22 0
                                        

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makinig sa lahat ng lesson na itinuro ngayong umaga. Lahat ng notebook ng pang-umaga ay may laman na.

Napatingin ako kay Augustine na seryoso nanamang nagbabasa ng libro at suot nanaman niya ang salamin niya.

Simula nung gabing iyon ay madalas kaming nagbabatian kumpara sa dati.  Lahat naman binabati niya pero ako kasi ngayon lang. Siguro hindi lang talaga ako ganun na palakaibigan.

Nagbasa rin ako ng libro namin sa Filipino dahil may quiz daw bukas. Kailangan kong makakuha ng mataas na iskor doon. Hindi ko alam kung impluwensiya ba ito ni Augustine.

Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin bago siya umalis nung hinatid niya ako sa tapat ng bahay.


"Kaya mo yan! Wag kang susuko"


"Weh? Sa tingin mo kaya ko pa?"


"Oo naman. Kayang kaya mo yun!"

Simula non, pinangako ko na babawi na ako sa school. At nung gabi rin na iyon ay naghihintay pala sa akin sila Nanay at Tatay sa labas. Nung nakita nila ako, niyakap nila ako agad. Humingi kaagad ako ng tawad sa kanila at sinabing babawi ako sa kanila.


Nag-sorry rin sila sa akin. Sabi nila, pipilitin nilang makapagtapos ako sa pagaaral hanggang kolehiyo. Pero ang sabi ko sa sarili ko, kahit hindi ako makapagtapos, ayos lang.

Tumayo na si Augustine sa pagkakaupo at inalagay na ang mga gamit sa bag niya pati ang salamin niya. Tiningnan ko naman kung anong oras na. Nagulat ako nang makitang 12:30 na

Oo nga pala! P.E na namin mamaya! Ilang minuto rin pala akong nakatitig sa kaniya?

Dinala ko ang P.E uniform ko ngayon kaya agad na akong dumiretso sa CR at nagbihis. Pumunta naman na ako sa Gymnasium. Ala una pa naman iyon pero nauna na ako. Ayoko ko kasing makasabay ang mga kaklase kong maglakad o magbihis.

Bakit ayoko? Ewan. Hindi ko din alam. Hindi nila ako kinakausap kaya hindi ko rin sila kakausapin. Nag-uusap lang kami tungkol sa importanteng bagay pero para makipagkaibigan? Hindi.


Nakita ko naman ang P.E teacher namin na may dala dalang net at bola na sa palagay ko ay pang volleyball. Agad kong nilapitan ito at tinulungan sa pagdala.

"Ang aga mo naman. May kalahating oras pa ha? Excited ka na sigurong magsayaw no?" Napalingon ako sa guro nang marinig ko ang salitang "sayaw". Akala ko ay volleyball? Para saan itong hawak namin?


"Hindi ho ako sumasayaw" sabi ko. Ano naman kayang sasayawin?


Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga kaklase ko. Pansin ko naman na may hawak na maliit na kahon ang guro namin. Inaalog alog niya iyon. Nang makumpleto kami ay nagsimula na ito magdiscuss.


"Waltz, from German word walzen means 'to revolve' highly popular ballroom dance evolved from the Landler in the 18th century" tapos ayun, kung anu ano pa yong diniscuss tapos inilabas nito yung kaniyang cellphone at ipinanood sa amin by group ang example ng waltz.



"Ngayon, tatawag ako ng lalaki at bubunot dito kung sino ang makakapareha niya. I want you to make dance steps just like what you have watched earlier and perform here in front. So by partner. One minute performance will do" sabi nito. Katulad nga nang sinabi nito ay tumayo na ang mga lalaki ag nagsimula nang bumunot doon sa kahon na inaalog nito kanina.



Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Di ko kasi alam kung paano ako makiki-cooperate.



"Capistrano" tawag nito. Napatingin ako kay Augustine na papalapit sa kahon.

Bumunot ito at kaagad na binuksan ang papel. Napatingin ito sa gawi ko kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.


"Sino ang nabunot mo?" Tanong ng guro at tiningnan ang papel.


"Ms. Dimasalang, kapartner mo si Mr. Capistrano" sabi ng guro. Agad na tumayo si Cristina at nilapitan naman siya ni Augustine.



Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot.


Umasa ba ako na ako ang nabunot niya?








The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon