Nine

43 18 0
                                    

Puspusan ang pagrereview ko kapag may quiz o test. Nakakuha na rin ako ng matataas na scores at yung iba perfect pa.

Ngayon naman ay nagrereview para sa exam. Oo. Third Periodical Test na sa isang araw. Ang bilis ng araw diba? Parang kailan lang.

Napatingin ako kay Augustine na nakikipagtawanan kila Isagani at Timo.

Hindi kami gaanong nag-uusap pero sa tuwing nakakakuha ako ng mataas na score ay palagi niya akong binabati ng "congrats" kaya mas ginaganahan akong mag-aral. Hindi ko din alam kung bakit.



Pero sa tingin ko, simula nung nakita ko siya sa ilog at nakausap, nagakaroon ako ng interes sa ibang bagay.

Napatingin ako sa iginuhit kong bisikleta.


Ngayon ko lang natuklasan na marunong pala akong mag-drawing. Marami pa akong iginuhit sa bahay na magandang tanawin. Katulad ng ilog dito sa barrio, mga bulaklak at. . .

Napatingin ulit ako kay Augustine na nakatingin sa gawi ko. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.

--

Nakatingin ako sa bagong ranking na nakapaskil sa bulletin board na classroom. Nagkagulo na rin ang mga kaklase ko sa harap ko at tiningnan na ang bond paper sa harapan namin.

Ganun pa rin ang emosyon, halu halo. Maraming ayos lang sa kanila dahil alam na nila ang kahihinatnan nila. Maraming malungkot. At may mga hindi makapaniwala katulad ko.



Nakapokus ang mata ko sa pangalan ko na mukhang namali yata ng kinalagyan.


3. Lara Flores


Napatingin sa akin ang mga kaklase ko at nagbubulungan at sa harap ko pa. Hindi ko na sila pinansin at hinayaan lang sila.

Napalingon ako sa paligid dahil hindi makita ng paningin ko si Augustine. Nasaan ba iyon?

"Bumisita daw dito si Rosaline bro! Grabe ang laki ng pinagbago! Tumira lang sa Manila ng halos isang buwan" saad ng isang kong kaklase. Hindi ko kilala yung Rosaline pero hindi ko alam kung bakit palihim akong nakikinig sa kanila.



"Nakita ko nga! Ang sexy nga eh. Pero mas crush ko yung dating siya brad. Yung hindi marunong mag-lipstick" sabi naman nung isa na tila ba nalungkot sa nasaksihan.


Teka, wala akong kaide-ideya kung sino si Rosaline pero narinig ko rin dati ang pangalan niya na pinagbubulungan din ng mga kaklase ko.



Pasimple akong umupo sa upuan malapit sa kanila.

"Wala naman tayong pag-asa doon. Si Augustine ang gusto non. Balita ko umamin si Rosaline doon nung party eh" sabi nung isa.

Teka, siya yung umamin kay Augustine na babae non!


Sigurado akong maganda siya. Hindi malabong magustuhan rin siya ni Augustine.


Napabuntong hininga ako.

---

Lumabas ako ng silid at dumiretso sa cr upang umihi. Nang matapos ako ay nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Ang panget ko.


Mas lalo tuloy akong nalungkot.


Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko at inilugay iyon pero agad ko rin naman ibinalik sa pagkakapusod nang makitang hindi iyon bagay sa akin.


Bakit ba ako nafa-frustrate ng ganito?




Pagkalabas ko sa C.R ay nagulat ako sa bumungad sa akin.



Si Augustine kasama ang isang babae. Nagatatawanan sila habang nag-uusap.


Maganda yung babae, sexy at mapula ang labi.



Napatingin sila sa gawi ko. Binati ako ni Augustine pero hindi ko ito pinansin at naglakad na ako palayo.



Hindi ko pero ang bigat sa dibdib. Para bang naiiyak ako?



Nakakaasar! Nagkakagusto na yata ako sa kaniya.












The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon