Five

50 22 0
                                    

"Paglaki ko po gusto kong maging titser para po turuan ng magandang asal ang mga bata na sumunod sa mga magulang nila" sabi ko kasi may nakita ako kanina na sinasagot sagot yung Mama niya. Masama kaya yung ganun.

"Ang galing naman ni Lara. Bigyan natin siya ng Fireworks clap!" Sabi ng titser ko tapos pinalakpakan ako ng mga kaklase ko. Ngumiti naman ako sa kanila.

--

"Ang galing naman ng anak ko! Top 2!" Pagmamalaking sabi ni Tatay.

"At dahil diyan! Masarap ang ulam ngayon! Adobong baboy!"

"Wow! Ngayon na lang tayo ulit makakapagulam niyan!"  Masaya kong saad.

---

"Kung mahina ang pasweldo noon mas humina ngayon!"

"Bakit naman ganun? Hindi ba dapat na tayong mga magsasaka ang binibigyan ng dobleng pasahod?"

"Paano naman ang mga anak natin na nagsisipag-aral?"

"Naku! Patitigilin ko na muna ang anak ko ngayong taon at patutulungin ko muna sa sakahan"

"Huwag naman. Sila na nga lang ang mag-aahon sa atin sa hirap patitigilin mo pa" rinig kong sabi ni Nanay. Nakasilip ako ngayon sa bintana. Sila naman ay nasa kubo at nagpupulong.

"Ganiyan din ang sinabi ng Tita ko sa Nanay ko, tingnan mo ko ngayon, magsasaka pa rin. Mahirap ang buhay nating magsasaka. Swerte natin kung mapagtapos natin ang anak natin sa kolehiyo. Hindi na ako magugulat kung makikita ko ang mga anak natin sa bukirin kapag nagka-edad na ang mga jyan" sabi ni Aling Lusing sa mga katrabaho nito. Napansin ko namang nagkatinginan si Nanay at Tatay ng may nag-aalalang mukha.

---

"Nay,  Tay, makakapagtapos po ako sa pag-aaral?" Tanong ko kila Nanay. Inalapag nito sa mesa ang nilagang talong at talbos pati na ang halubaybay na siyang ulam namin ngayong gabi.

Ngumiti lang sila. Hindi nila ako sinagot na oo o hindi.

Ibig bang sabihin ay posibleng hindi ako maging titser paglaki ko?

---

Pinunasan ko ang luha ko habang inaalala yung mga nangyari noon.

Mga pangyayaring nagpawala ng interes ko sa mga bagay. Sa isang iglap, nawala yung pag-asa at pangarap kong maging isang teacher. Kasi naiisip ko na imposible sa isang mahirap na katulad namin ang maabot iyon. Ang makapagtapos ako.

Simula nung marinig ko ang usapan na iyon ay nawalan ako ng interes sa mga bagay at mas pinilit ko sila Tatay na patigilin na ako at patulungin na lang sa taniman. Pero ayaw nila, kahit na mababa ang mga nakukuhang kong grado at pinipilit pa din nila.

Nagtatrabaho pa rin sila para sa pambayad ko sa school at baon ko. Kahit na alam naman naming lahat na walang patutunguhan iyon.

Nakarating ako sa ilog dito sa barrio namin na malapit lang din sa eskwelahan. Rinig mula rito ang agos nito at kita mula rito ang katatayong tulay na nagdudugtong sa kabilang barrio.

"Nakakainis! Ayoko na nga sabing mag-aral! Mapupunta lang din naman sa wala lahat!" Sigaw ko. Wala namang makakarinig sa akin. Kundi ang malaking puno na ito pati na ang mga ibong nagliliparan, ang mga bulaklak at mga damo.

"Nakakabulabog iyang sigaw mo. Mamaya niyan kung anong isipin ng mga taong makakarinig sayo niyan" gulat akong napatingin sa puno sa tabi ko dahil wala naman akong ibang kasama kundi iyon lang.

Nagsasalitang puno?

The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon