Twelve

44 19 0
                                    

Nang matapos ang graduation, hindi ko nakita si Augustine. Hindi rin siya umattend ngayon ng party.

Siguro ay nasa Manila na siya. Pumunta pa naman ako ngayon dito dahil akala ako dadating siya.

"Lara" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Isagani pala.


May hawak itong sobre.


"Pinabibigay ni Augustine" sabi nito. Tiyak na pati ito malungkot dahil sa pag-alis ng kaibigan.

Inabot ko iyon. Kakatapos lang ng party. Pauwi na sana ako ngayon pero buti na lang ay nakita pa ako ni Isagani at naibigay itong sobre.

Sulat ang laman ng sobre. Medyo kinakabahan din ako sa kung ano man ang laman non.


--


Akala ko nung una, hindi na dadating yung araw na makakausap kita. Ilang taon na tayong magkaklase pero hindi ko matandaan na nag-usap tayo. Kapag nakikita kitang mag-isa, gusto kitang lapitan pero lagi kong iniisip na siguro gusto mo lang talagang mapag-isa hanggang isang araw, naabutan kitang umiiyak sa tabing ilog, nakausap kita. Tadhana na yata siguro ang naglapit sa ating dalawa. Masaya ako non pero ikaw mukhang hindi kaya sinubukan kong pagaanin yung loob mo at sana kahit papaano, nabawasan yung lungkot mo.



Di ko mapigilan na mabigla sa unang parte ng sulat. Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman niya. Wala akong ideya.

Napabuntong hininga ako kasabay ng malakas na paghampas ng hangin dito sa tabing ilog.


Pero mukhang nahuli yata ang tadhana dahil kung kailan ilang buwan na lang tayo magkakasama ay doon lang kita nakausap pero kahit na ganoon ay masayang masaya ako. Sobra. Nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan ang turing mo sa akin sa ganung kaikling panahon. Sorry kasi hindi ako nakapagpaalam sa iyo pero kahit na ganun ay gusto kong malaman mo na kahit ilang taon rin bago tayo magkita, hindi hindi kita makakalimutan Lara.

~Augustine

Napangiti ako kahit na nalulungkot. Siya lang ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko sa highschool. At gusto kong malaman na hindi ako nagsasawang pasalamatan siya.


Sobrang maikling panahon lang ibinigay sa amin upang kilalanin ang isa't isa pero yun na yata ang pinaka hindi makakalimutan na karanasan ko sa pagiging highschool at hinding hindi ko rin makalalimutan iyon.



Napahiga ako sa damo habang nakatanaw sa asul na langit na hindi natatakpan ng mga sanga ng puno. Hindi ko alam kung bakit kahit nakangiti ako ay umiiyak ako.

Tears of joy ba ito?



Kung nasaan ka man ngayon at kung ano man ang ginagawa mo, sana ay ayos ka lang. Gusto kong malaman mo na kahit nasa malayo ako, naka-suporta ako sayo.


Iyon ang nakalagay sa isang maliit na papel. Napangiti ulit ako. Kung saan man din siya naroroon, sana ayos lang din siya.



---




May ending pa po ito hehe:)
















The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon