"Nako! Mag-iingat ka naman!" Sigaw ni Nanay habang pababa si Tatay mula sa bubong. Inaayos kasi nito ang bago naming bubong.
"Ang ganda na ng bahay natin anak" sabi ni Tatay habang nakaakbay sa akin at nakatanaw sa bagong ayos na bahay.
Napatingin ito sa akin.
"Salamat anak" saad nito. Nginitian ko naman ito. Araw araw na yata itong nagpapasalamat sa akin eh kulang pa nga ang binibigay ko sa kanila sa pagpapaaral at pag-aaruga sa akin.
"Kulang pa po iyan! Wala pa nga pong pintura ang dingding. Sa susunod na sweldo ko naman po iyon" nakingiti kong sabi.
Lumabas si Nanay nang may dalang banana cue at turon at pinagsaluhan naming tatlo iyon.
--
Anim na taon? Oo anim.
Anim na taon na ang nakalipas nang makatapos ako ng highschool. Nakatapos na rin ako ng college Teacher na ako, sumusweldo na at kasalukuyang isinasaayos ang bahay namin. Naging ayos naman ang naging takbo ng buhay ko, masaya kaming pamilya marami akong naging kaibigan na kapwa ko rin guro. Pero parang palaging may kulang. Hindi ko alam kung alin o ano.
Sa anim na taon na iyon, wala akong balitang umuwi si Augustine o dumalaw dito.
Nagpunta kami sa Manila, dahil sa isang seminar na dinaluhan naming mga guro. Malayo ito pero buong biyahe ay dilat ang mata ko dahil sa sobrang pagkasabik. Dahil siguro umasa ako na makikita ko siya doon. Pero nang makarating kami sa lugar, nadismaya lamang ako dahil sa lawak nito. Magulo at maraming tao kaya sumuko na ako na mahahanap ko siya doon.
Hanggang sa nalaman ko kay Isagani na lumipat na raw sila ng pamilya niya sa Manila at doon na tumira. Simula non, hindi na ako umasa pa na magkikita kami, pero sana.
"Hanggang dito na lamang ang diskusyon, wag kalilimutan ang takdang aralin na ipapasa bukas. Goodbye" nakangiti kong paalala sa mga estudyante ko. Guro ako ngayon sa senior high sa asignaturang Komunikasyon at Pananalaksik.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na isa na akong guro. Sa sobrang dami kong pinagdaanan, naisip ko ring sumuko pero kapag binibasa ko ang sulat na ibinigay ni Augustine, para bang nagkakaroon ulit ako ng lakas ng loob.
Superpowers yata ang mga salita niya.
Inayos ko na ang aking bag at umalis na. Ini-lock ko rin ang room ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga classroom na ginagawa. Mayroon ring ginagawang building na aabot sa ikatlo o ikaapat na palapag. Maraming nagbago sa school namin, sa anim na taon. Naging mas moderno at maganda.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Isagani na Civil Engineering ang kinuhang kurso ni Augustine. Sigurado akong isa na itong Engineer ngayon.
Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang matalimpok. Napupo ako sa sahig habang hawak hawak ang talampakan kong bigla na lamang sumakit. Hindi kasi ako sanay ng palaging naka-takong.
"Aray. . ." Hindi ko maiwasang mapa-aray sa sobrang sakit. Magkakapilay pa yata ako nito.
"Kailangan mo ng tulong Miss?" Nanigas ako sa pagkakaupo at nanatiling nakaupo nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko alam pero pamilyar ito.
Kahit na may pagbabago sa tono ng pananalita nito, alam ko kung kanino ang boses na iyon.
Biglang tumibok ang puso ko. Sa mga taon na lumipas, ngayon ko na lamang ulit naramdaman ito.
"Miss?" Tanong pa ulit ito. Napatingin ako sa nakalahad na kamay nito. Inabot ko iyon pero nanatili akong nakayuko. Masakit pa rin ang paa ko ngunit kaya ko naman sigurong ilakad.
"Salamat" sabi ko at tumalikod na.
Alam kong si siya iyon! Pero parang imposible. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nataranta ng ganito. Kinakabahan rin ako at hindi ko alam kung nakilala ba niya ako.
"Miss, teka lang" napahinto ako ng tawagin ako nito pero hindi ako lumilingon.
"Pwede bang magtanong kung saan ang room ni Lara Flores? Teacher siya din kasi siya dito"
Lumakas pa lalo ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Teka, pupuntahan niya ba ako? Tsaka paano niya nalaman na dito ako nagtuturo?
"Pakisabi sa kaniya, bukas na lang ako pupunta. Tinatalikuran niya kasi ako ngayon, mukhang ayaw niya akong makita eh" sabi pa ulit nito. Naramdaman ko ang paglakad nito pakayo.
Teka! Nakilala ba niya ako? Anong gagawin ko? Haharap ba ako? Ang awkward naman kung ganun.
"Teka lang! Wag ka munang umalis" tawag ko rito.
Napalingon ako sa kaniya. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Nakapantalon ito at naka light blue na long sleeves.
Ang laki na ng ipinagbago nito.
Nginitian niya ako.
"Buti naman nilingon mo na ako" sabi nito at lumapit sa akin.
"Tara bike?"
Si Augustine nga.
End.