Eleven

46 19 0
                                    


Three days before graduation.

Simula nung araw na iyon, hindi na kami nag-usap ni Augustine. As in hindi talaga kami nag-usap. Ngitian na lang.

Minsan kapag nagkakasalubong kami sa daan ibubuka lang niya ang bibig niya pero hindi naman siya magsasalita at nilalampasan lang niya ako. Tatlong araw na lang graduation na. Ang bilis ng araw. Maganda naman ang naging resulta ng over all ranking. Top 6 ako at nahatak ng grade ko ng 3rd at 4th grading ang grades kong mababa nung una.

Siyempre tuwang tuwa ang Nanay at Tatay ko. Ipinagluto niya ako ng masarap na adobo. Masaya.

Puro practice na lang ng graduation ngayong linggo. Oh diba! Graduate na ako at makakapag-college na ako! Kinuha akong scholar ng bayan na programa ng Mayor ng siyudad namin kaya hindi na mahihirapan sila Nanay na pag-aralin ako.

Masaya ako dahil matutupad na ang pangarap ko.

Tama si Augustine. Na dapat hindi ako sumuko.


Napatingin ako sa stage nang tawagin ang valedictorian namin. Sino pa ba? Edi si Augustine. Ang galing niya. Proud na proud siguro ang mga magulang niya sa kaniya.


"Kaibigan namin yan!" Sigaw nila Isagani. Pati sila siyempre proud para sa kaibigan nila.

Ako din. Masaya ako para sa kaniya at nagpapasalamat ako kasi naging isa siya sa inspirasyon ko para pagbutihin ang pag-aaral ko.




"Wala na tayong practice bukas so graduation na tayo magkikita kita. I just want to remind you na papasok pa kayo sa akin day after graduation. May year end party pa tayo" napasigaw ang mga estudyante nang marinig nila ang announcement.


"That's all. You can go now. Congratulations everyone!" Huling pasabi ng aming teacher. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palabas ng gymnasium.


Nagulat ako nang humarang sa dinadaanan ko si Augustine. Bigla nanamang lumakas yung tibok ng puso ko.



"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nito.



----


Nakatanaw ako tulay. Nandito ulit kami sa tabing ilog sa gilid ng malaking puno ng acasia. Bukod sa malakas ng tibok ng puso ko ay maririnig rin ang paghampas ng mga sanga sa isa't isa dahil sa lakas ng hangin.

Dito namin naisipang pumunta upang makapag-usap kami. Sa totoo lang kinakabahan ako sa sasabihin niya. Ang tagal kasi naming hindi nag-usap.


"Sorry kung nasungitan kita noon. Wala lang talaga ako sa mood. Sorry talaga" nakayuko kong sabi. Alam kong nakatingin ito sa akin. Kanina la siya hindi nagsasalita kaya ako na ang nagsimula.


"Akala ko galit ka sa akin" saad nito. Napatingin ako sa kaniya.



Malungkot ba siya?


"Gusto ko kasing malaman kung galit ka ba. Ayoko umalis sa lugar 'to nang may masama ang loob dahil sa akin at gusto kong humingi ng sorry kung ano man iyon" sa wakas, nagsalita na ito.



"Hindi ako galit sayo" saad ko.


"Bakit hindi mo ako pinapansin? Alam ko galit ka sa akin" Tanong nito. Malungkot ang tono ng boses nito. Nakokonsensiya tuloy ako.


"Hindi ako galit sayo. . .galit ako sa sarili ko" medyo pumiyok pa ako nang sabihin ko yung huling salita. Pinipigilan ko rin na hindi maiyak.

The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon