Eight

47 22 0
                                        

"Pasensiya ka na ha. Akala ko kasi ay makakaya kong makapag-perform. Dapat pala sinabi ko na lang ng mas maaga kay Ma'am kanina" saad ni Isagani.

Kanina kasi ay naiilakad pa niya ito ng maayos pero nung sinubukan naming gumawa ng steps ay kaagad itong napaupo dahil masakit daw ang kaniyang paa. Naglaro daw kasi sila ng basketball at natampilok ito.

"Ayos lang. Gusto mo bang sabi--" naputol ang sasabihin ko nang tawagin kami ng guro.


"Tara na! Tapos na ang ten minutes niyo!" Saad nito kaya nagpunta na ang mga kaklase ko sa pwesto namin kanina.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi makatayo si Isagani. Hindi ko naman siya pwedeng iwan ditong mag-isa.

"Sabi ko naman sayo kahapon na wag mo nang ilakad. Ayan lumala tuloy" rinig kong medyo natatawang sabi ni Augustine sa likod ko. Tinulungan nitong tumayo si Isagani.

"Sige tawanan mo ko! Kasalanan mo to eh" sabi naman ni Isagani. Kasama niya siguro si Augustine na naglaro kahapon.


"Paano kayo sasayaw niyan?" Tanong ni Augustine. Nakatingin ito sa akin kaya sinagot ko ang tanong niya.

"Ayos lang. Maiintindihan naman siguro ni Ma'am" saad ko.

Naunang nag-perform si Augustine at Cristina. Kinuha nito ang kamay ni Cristine at hinawakan ito sa beywang.  Halatang hindi alam ni Cristina ang gagawin pero inaalalayan lang siya ni Augustine sa pagsasayaw.

Hindi lang pala siya sa academic magaling. Pati rin pala sa pagsasayaw.

Napabuntong hininga ako. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nababaliw na yata ako.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko nang matapos na silang magsayaw. Nalaman rin ng guro na hindi mailakad ng maayos ni Isagani ang paa nito kaya binigyan kami ng tsansang magperform kapag gumaling na ito.

Nang matapos na mag-perform ang mga kaklase ko ay umalis na kami sa gym at nagtungo na sa susunod naming klase. Hindi na ako nagpalit ng damit gayun din ang mga kaklase ko.

Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay dismayado pa rin ako. Naiinis na ako sa sarili ko.


Pagkarating namin sa room namin sa Math ay kaagad kaming pinaglabas ng isang buong papel dahil may quiz daw kami.


Buti na lang nagreview ako kagabi kaya siguro naman kahit papaano ay may makukuha akong iskor dito.


Nang isulat na ng guro sa pisara ang mga sasagutan ay agad ko iyong sinagutan.

Nakakapagtaka nga dahil hindi ako nahirapan na sagutan iyon. Dati naman ay halos wala akong maisulat sa papel kapag may quiz. Dito rin kasi ako muntik bumagsak nitong nakaraang grading.


--


"Time's up! Exchange papers with your seatmate" saad ng guro kaya nakipagpalit ako sa katabi ko. Nasagot ko naman lahat pero hindi ko alam kung ilan ang tama.


Natapos na namin i-check kaya ipinasa na namin ang papel sa harap. Ni hindi ko man lang nalaman ang iskor ko. Nahihiya rin naman akong tanungin ang katabi ko.



"So there are two who got the perfect score. Mr. Capistrano and. . ." Napahinto ang guro sa pagsasalita nang makita nito kung kaninong papel ang nakakuha ng perfect.

"Ms. Flores" napatingin sa akin ang mga kaklase ko pati na rin si Augustine. Pati ako nagulat din sa sinabi ng guro.

Totoo? Nakaperfect ako?

"Wow. You've changed. Dati puro bagsak ang score mo, kaya mo naman palang maka-perfect. Keep it up!" Sabi ni Ma'am. Nginitian ko lamang ito dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.


Nagaayos na ako nang gamit dahil uwian na. Nagulat ako nang mapadaan si Augustine sa harap ko.


"Ang galing mo kanina. Kaya mo naman pala eh" sabi nito. Kanina nung binati ako ng teacher ko hindi naman ako ganitong kasaya. Pero bakit sobrang saya ko naman yata ngayon?

"Salamat" nginitian ako nito at nauna dahil tinawag na siya ni Timo. Nakatingin lang ako sa kaniya habang papalayo ito.




Salamat kasi naniwala kang kaya ko.














The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon