Ten

47 20 0
                                    




Uwian na pero wala yatang balak magsi-uwian ang mga kaklase ko. Busy pa silang nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Yung iba pinag-uusapan ang nangyaring ranking.


"Nakausap mo si Rosaline kanina? Madaya ka! Bakit di mo man lang kami inaya?" Rinig kong sabi ni Isagani. Nabaling ang atensiyon ko sa kanila.




Ah. Si Rosaline pala yung kausap niya. Maganda nga siya katulad ng sinabi ng mga kaklase namin. Maganda, sexy, maganda yung buhok. Pang-shampoo commercial.

Di tulad ko, mukhang patatas.

Bakit kasi kinukumpara ko pa ang sarili ko kay Rosaline kahit na alam kong masasaktan lang ako?




"Napag-usapan lang namin ang tungkol sa Manila. Wala ng iba" sabi naman ni Augustine.



Di ko alam kung bakit malungkot pa rin ako at naiinis. Ayoko ng ganitong pakiramdam!




"Oo. Nabanggit mo ka sa amin na doon ka mag-aaral ng college" saad ni Timo.


Parang nabingi ako at yung mga salitang iyon lang pauulit ulit kong naririnig.




"Nako! Susundan mo lang si Rosaline dun eh" dadag pa ni Isagani.


Napatayo ako. Kinuha ko na ang bag ko at umalis na. Tumakbo ako sa kung saan ako dadalhin ng paa ko.

Ayoko nang marinig ang pinag-uusapan nila.


--

Nako! Susundan mo lang si Rosaline dun eh



"Nakakainis! Bakit ganito yung nararamdaman ko?" Sabi ko habang pinupunasan yung luha ko. Ang sakit kasi sa pakiramdam.


Nandito ako ngayon sa tabing ilog. Dito ulit sa puno kung saan ko unang nakausap si Augustine.



Kanina pa ako umiiyak at naasar ako kasi hindi ko alam kung bakit. Nung nalaman kong sa Maynila mag-aaral si Augustine  sa college ay boom! Ito na. Umiyak na ako. Wala na.



Para bang gumuho yung mundo ko? Korni pero iyon talaga yung naramdaman ko.




Kawawa naman ako.



"Bakit kasi ang ganda ganda ni Rosaline eh! Tapos ang pangit pangit ko" sabi ko tapos napahagulgol nanaman ako.




Napahiga ako sa damuhan at napatingin sa kulay asul na langit. Pinunasan ko ang luha ko na hindi nagpapapigil sa pagpatak.




Napaupo ako ulit. Siguro kung may nakakakita sa akin ngayon, iisipin ay baliw ako. Pero wala akong pakialam.




Nasasaktan na nga ako tapos iisipin ko pa ba ang sasabihin ng iba?




Dapat masaya ako ngayon kasi top 3 ako! Top3!


Oo dapat masaya ako ngayon!




"Masaya naman ako kaso. . .bakit?" Tumulo nanaman yung luha ko pero agad ko iyong pinunasan.


Napatingin naman ako sa lalaking paparating na may hawak na bisikleta. Pinunasan ko yung mukha ko at umupo ng maayos. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita at tumingin sa ilog.




Nilingon ko siya.



"Bakit ka nandito?" Medyo may pagka-masungir kong sabi. Napatigil ito sa paglalakad. Nakatingin ito sa akin pero kunot noo ko lang siyang tiningnan.



"Ah. . .sige. Mukhang kailangan mong mapag-isa. Sorry" saad nito at tumalikod na. Nagulat ako sa isinagot nito.



Ang bilis naman niyang sumuko? Tinanong ko lang naman kung bakit siya nandito ah?



Nasungitan ko ba siya?




Wala na akong nagawa kundi ang titigan ito papalayo. Tumulo nanaman ang luha ko.





Teka, para akong binasted ah? Nakakainis naman.




"Ang tanga tanga mo!" Sabi ko habang sinasabunutan ang sarili.


Oo ang tanga ko talaga.










The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon