Chapter 2

52 4 6
                                    

Chapter 2: Vlog

•Ashley's POV•

Nandito kami sa labas papuntang cafeteria. Kasama ko ang mga kaibigan ko para na rin sa gagawing Vlog namin sa Science.

Well, ang gagawin kasi namin ay lilibot kami sa isang magubat na lugar. Ecosystem kasi ang topic namin ngayon at medyo gagamit kami ng Schema para magawa ito.

"So, saan tayo magsisimula?" Si Kia. Well, matalino yan. Maganda din, pero mas maganda ako.

"Sa bahay namin yung introduction?" Si Symon. Chubby pero cute din. Isa sa mga sikat sa school namin na kahit may taba, may panama. Isang beses nga. Halos magkaroon na siya ng phobia kapag nakikita ang salotang janitor. Kinulong siya ng dalawa niyang tagahanga sa kwarto ng Janitor na siyang maraming gamit roon. Pinasok at kinulong pa lang magkaroon sila ng picture.

"Hay, sa bahay na lang." Si Claire. Mahinhin. Maganda sya, pero mas maganda ako. May gusto yan kay Yuri eh. Well, ako naman ang gusto ni Yuri.

"Sa akin na lang kaya? Nag-aaway away pa kasi kayo." Si Yuri. Ito yung may gusto sa akin na gusto ni Claire. Cute sya pero mas cute si Symon. Mahilig sya sa mga pang-detective. Malay.

"Fine, last statement. Sa akin. Final na." Sumabat na ako sa kanila. Ano pa nga ba? Nag-aaway sila eh. I mean, nagtatalo lang.

"No. Mine." Sabay pa silang apat. Ano bayan? Simpleng bagay eh. Ganyan kami. Mahirap kapag kasi halos lahat sa inyo matatalino. Kaya nga nakakapagtaka kung bakit ko sila naka-grupo.

Choose your own members naman eh. Kaya kami ang mga nagkasundo na maging magkaka-grupo.

Napansin kong natahimik na sila. Lahat sila natahimik? Ano meron?

"O bakit kayo natahimik?" Tanong ko sa kanila. Siguro napagusapan nila.

"Order daw muna tapos majority win daw tayo. It was Claire's suggestion." Si Yuri. Nakita ko naman si Claire na napayuko. Tinamaan na siguro si Claire dito.

Pumila na lang kami ng mapunta kami sa counter. Medyo maikli na ang pila nung pagdating namin. Si Yuri ang nanguna, patay gutom kasi.

"Asaan nga pala si Frince?" Yung bugok na yun. Asaan na kaya yun? Sya na lang pala ang kulang sa amin.

"Oo nga. Asaan yung dakilang womanizer na yun?" Napatawa na lang kami sa sinabi ni Kia. Alam naman namin na may gusto sya kay Frince. Sino bang hindi magkaka-gusto dun eh bukod sa pogi at matalino pa. Magaling pang kumanta at sumayaw.

But the problem is... Parang babaero. Kalahati siguro ng mga babae dito sa Campus, EX nya. At ang pinakamatagal na relationship ay 3 weeks and 2 days. Mas malala naman ang pinakamabilis. Can you believe that he had a girlfriend and replace another one in just 34 minutes?

Well, yes. Totoo. Nagbibigayan lang daw sila ng rules kasi gusto nung girl na tumagal sila pero ang kinalabasan. Sila ang pinakamabilis.

Ako na ang oorder ng pagkain ko at ang pinili ko lang ay yung nakakabusog talaga. Isang burger steak with rice and Pansit Malabon. Binayaran ko na lang at umalis na.

Sumunod na lang ako sa kanila at nakita ko silang nagbubulungan. Umupo na lang ako sa tabi ni Claire. At inayos ang binili ko habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Sa may lola ko na lang. Malapit lang naman yun eh. Doon tayo, kasi may gubat malapit doon eh. Tutal, sabado naman bukas." Sabi ni Kia.

"Bakit pa kayo nagbubulungan?" Sabat ko sa kanila?

"Kasi baka may makarinig?" Sarkastikong  tanong ni Yuri. Inirapan ko na lang sya.

"Ano? Majority win. Sino sang-ayon?" Tapos nagtaas ng kamay si Kia. Support yourself ika nila. Pero walang sumagot. Walang nag-taas.

The Man Behind My NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon