Chapter 11

15 4 0
                                    

Chapter 11: Frince!

•Ash's POV•

Lumabas ako sa Cafè dahil sa lalaking ito. Bakit ba kasi nandito siya at wala ang iba? Asaan na sila Yuri?

Nakipagsapalaran ako sa mga kotseng dumadaan para lang mapuntahan si Frince. Muntik na nga akong masagasaan ng isang rumaragasang kotse eh.

Nakapunta naman ako ka-agad sa pwesto ni Frince na nakahiga na sa tabi ng kalsada. May mga sugat siya at pasa na nakikita kahit yung mga ilaw lang sa kalsada.

Nilapitan ko naman siya at pinagmasdan ng maigi dahil mukhang hinang-hina na siya.

"Frince?" Niyugyog ko itong nilalang nanakahiga.

"Frince? Gumising ka diyan." Ginigising ko siya pero puro ungol lang ang binabalik niya sa akin.

"Tutulungan kita kaya sana makisama naman ang katawan mo ah." Kinuha ko ang braso niya at pilit na pinapa-upo at nang naka-upo na siya ay inalalayan ko na siyang tumayo.

"Umuwi ka na, Ash." Bulong niya sa akin na parang pagod na pagod.

"Oo, at isasama kita." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ito? Kinakabahan na ewan.

Balak ko siya dalhin sa Cafè na tinambayan ko pero paano ba kami makakadaan e, ako nga nakipagsapalaran pa. Kaya naghanap na ako ng makakatulong sa amin at kung sinuswerte ka nga ay nakita ko si Manang.

Pero seryoso ang mukha niya at masyadong masama ang aura niya. Baka nagalit ito sa akin dahil umalis ako ng hindi ako nagpapaalam.

Lumapit ako sa kaniya habang akay akay ko si Frince sa batok ko.

"Manang, I need help please." Paghingi kong tulong sa Manang ko na parang kulang na lang ay bugbugin ako.

"Sumakay kayo at Ashley, let's talk at the house." Bigla akong kinabahan. Well, ngayon lang ulit yan naging ganyan si Manang since nung bata pa ako.

Sumunod na lang kami sa sinabi ni Manang at binuhat siya papasok sa sasakyan.

Pumasok na din ako sa loob at ganun din si Manang na tumabi kay Mang Kanor. Yung driver namin, remember?

Pinaandar na ang kotse na as usual ay pinaandar ng hindi pa nakasara ang pinti ng kotse kay Manang. Pero parang wala lang kay Manang kaya ipinagsawalang bahala ko na. Ang problema ko lang ay kung bakit andito si Frince sa gantong oras at maraming pasa at sugat?

"Bakit ka umalis, Apo? Alam mo bang disoras na ng gabi?" Napatingin naman ako sa gawi ni Manang. Nakita ko lang siyang nakaharap sa paligid.

"Ah, kasi po medyo nagutom po ako kaya naisipan kong lumabas." Wika ko kay Manang na kahit hindi naman sa akin nakatingin.

Nakasandal yung ulo ni Frince sa akin at ramdam ko ang init ng paghinga niya sa mga balikat at braso ko.

"Pero bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" Bigla akong napayuko ng napansin kong tumingin na si Manang sa akin gamit yung salamin sa taas. Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Akala ko kasi natulog ka na dahil kakabalik mo lang."

"Kahit kay Mildred ay hindi ka nagsabi, Ashley. Kung hindi lang siguro tumawag si Mommy mo ay hindi ko malalaman kung nasaan ka." Bigla akong napatingin kay Manang sa sinabi niya.

"Tumawag si Mommy?"

"Oo at hindi ko alam ang sasabihin ko nung gusto ka nilang maka-usap. Ang sinabi ko na lang ay tulog ka na ng mahimbing na mahimbing."

The Man Behind My NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon