Chapter 31: Untold?
Kia's POV
After what Ashley told us to do, we headed to the main road. Claire guided us and as we reached our destination. We saw no vehicles or any transportation nearby at medyo naging helpless ako.
"What will happen if we just standby here?" tanong naman ni Mike. I agree, anong magagawa kapag umistambay lang kami.
"Syempre, maghintay muna tayo ng mga sasakyan na maaring masakyan, 'di ba?" Si Yuri.
"What is this mess that I am involve with? Hindi normal ito. Matindi ang galit ng lalaking iyon kay Ashley." Symon dectated.
"It is not just simple problem that a person or two will make it fix. Tayo ang tingin kong aayos nito. Mahilig lang talaga siya magdagdag ng extra para mas magkaroon ng thrill ang plano niya. Naisip pa nga niyang idamay ang mga Grandparents ni Claire." may punto si Mike sa mga sinasabi niya. And come to think of it. Kung may galit ang tao sa kapwa tao, ay gagawin niya ang lahat, maibsan lang yung poot sa dibdib niya.
But, in Uncle's-—Esmeraldo's case? I think he is out of his mind. Masyado niyang pinalaki ang gulo. Bawat anggulo ng isang bagay nais niyang dagdagan ng degree. Pwede naman si Ashley na lang ang paranasin nito. And come to think of it, if he's anger was because of Ashley. Why should him kill somebody which is not part of his plan?
Hindi ko na mapigilan na maalala ang bangungot na naranasan ko. Na kung saan siya pala ang ulo ng trauma ko.
Handa na ba talaga ako? Masyado pa atang maaga na andito ako sa stadium. Nagpalinga linga ako sa paligid at nagobserba kung ako lang ba ang tao rito.
Mukhang wala pa naman sila Uncle at tingin ko kailangan ko munang mag-hensayo ng mag isa. Lumapit muna sa gitna ng stadium at humiga sa madamong bahagi para masdan ang dapithapon.
May mga bituin na mas maganda pa kaysa sa dilim ng gabi. At yun yung mas gusto ko makita bago mawala ang araw sa langit ng panandalian. Nakaramdam na rin ako ng pagod at unti unti ng bumaba ba ang talukap ng aking mga mata.
Humikab ako ng isa pa saka na ako napapikit ng tuluyan at nilamon ng kapayapaan.
Naalipungatan ako sa naririnig kong kaluskos ng mga dahon ng mga damo. Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang oras.
"9:23 na?" napabalikwas ako ng tayo nang nakita ko ang oras.
Bakit parang hindi dumating si Uncle. Hindi ba tuloy yung pag-aaral ko? Sinadya ko pa namang umalis ng maaga sa school at talagang inagahan ko ang pagalis ko. Hindi pa tapos ang talakayan namin sa Filipino at tingin ko, nagbigay si Ms. Reson ng pagsusulit.
BINABASA MO ANG
The Man Behind My Nightmares
HorrorMag-ingat sa mga napapanaginipan dahil maaaring ang tao sa likod ng iyong mga panaginip ang magdala sa iyo sa isang buhay na BANGUNGOT.