Chapter 6: Mess
•Ashley's POV•
"Ayos na ito. Ang hirap pala kapag sa Cellphone nag-edit. Even, using an app." Ine-edit na kasi ni Kia ang Vlog. Hindi daw niya nailagay ang Laptop niya sa bag nya kaya sa cellphone na lang siya nag-edit.
"Hay! Ang sakit ng tiyan ko kakatawa kay Yuri kanina. Ayaw ko na." Si Frince. Well, isa lang din sa masyadong natawa sa nangyari kay Yuri.
Grabe talaga itong lalaking ito. Pati kaibigan niya pagtatawanan niya. Pero, laughtrip talaha yun. Sobra!
Flashback···
Binulsa ko yung papel na tumama sa akin at tumayo na lang. Patuloy pa rin sila sa pag-ingay. Si Frince naman, nagbi-video na naman siya.
"Nahihiya tuloy ako sa inyo. Kayo na matalino." Tapos pout. Napangiwi na lang ako dahil hindi bagay kay Yuri yung pout. Well, sa akin bagay kasi maganda ako.
"Hayaan mo na, Yuri. Maganda naman buhay mo kay Claire eh. Ayieeee..." Mas kinilig pa si Kia kaysa kay Claire. Napangiwi na lang si Yuri, kahit alam ko naman na mau mabubuo din sa kanila.
'Tanggi pa?'
"Naku, Kia. Porket, andyan si Frince ganyan ka na. Ayieeut." Napahagikgik ako sa sinabi niya. Bwisit, pati ba naman siya, nadamay at impluwensya ng sistema.
"Manahimik ka nga. Talaga ito, nagvi-video eh." Napanguso na lang si gaga. Bagay sila ni Yuri. Hilig sa tanggihan.
"Hoy, Yuri. Huwag mong ilaglag si Kia kay Frince. Baka hindi ka isama niyan sa Vlog." May umukit na ngisi sa pisngi ni Symon. Well, lumapit na ako sa kanila. OP ako.
"Grabe kayo kay Kia ko." Pag-upo ko sa tabi ni Kia. Umakbay din ako sa kaniya at tumingin sa mga lalaki.
"Palibahasa, wala siguro kayong Lovelife." Ngumisi ako sa kanila at nakita ko si Yuri na iba ang tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang siya at tumayo.
Lumayo siya at tinignan lang namin. Hindi na nga siya nag abalang lumingon pa dito e. Well, boys are very mysterious.
Pero bigla na lang nagsi-sigaw si Yuri at humarap naman kami at nakita namin siya na nakalambitin na sa puno na pupuntahan niya.
Bigla kaming nagtawanan at napahiyaw sa nakikita namin. Kawawa naman ang lalaking ito. Nakalambitin siya sa puno at patiwarik pa ang posisyon niya na lalong ikinatawa namin.
"Pre, ayos ka lang. Hahaha~" Si Frince. Daig pa nakakita ng clown sa nangyari.
Lumapit na lang kami sa pwesto ni Yuri. Bigla na lang niyang tinapat kay Yuri yung Camera. Si Yuri naman ay sinusumpa si Frince sa pinag-gagawa niya.
"Frince, patayin mo iyan. Damn it." Well, mayaman ito e kaya 'Damn it'. Kami naman tawa ng tawa sa nangyari.
"Ano banh meron? At bakit may patibong dito, Claire?" Tanong sa kanya ni Claire na pinagmamasdan lang naman siya.
Lumapit na lang ako sa kanya at pinagmasdan na lang siya. Kawawa naman. Nakita ko sa binti niya na vines ang nakatali dito.
Nilabas ko ang pocket knife ko sa bulsa at pinutol ang nakapulupot sa paa nito. Nang maputol ay bigla siyang nahulog, una likod. Katangahan kasi dapatumikot para hindi masaktan sa pagkalaglag.
"Aray?!" Daing ni gago.
"Saan mo nakuha iyan, Ash?" Tanong ni Symon habang nakatingin sa akin sina Kia at Frince. Pati Claire at Yuri na din.
Well, sa tingin ko. Kailangan kong magsinungaling ngayon. Ngayon lang naman ulit.
"Wala ito, dala ko bilang self-defense." Tapos binalik ko ulit ang kutsilyo sa bulsa ko.
BINABASA MO ANG
The Man Behind My Nightmares
HorrorMag-ingat sa mga napapanaginipan dahil maaaring ang tao sa likod ng iyong mga panaginip ang magdala sa iyo sa isang buhay na BANGUNGOT.