Chapter 32: Escaping the Worst
Ashley's POV
Dumilat ang mga mata ko na bumunngad sa akin ang puting kisame. Ginilid gilid ko ang dalawang mata ko at saka lumingon sa kanan. May monitor kung saan ang mga linyang taas baba nang taas baba na nagpapahiwatig na tumitibok pa ang puso ko.
Dahan dahan akong umupo ng maayos nang biglang nawalan ng ilaw. Tanging liwanag ko lang ay yung nasa monitor. At hindi tamang liwanag ang naibibigay nito. Nang nakapag adjust na ang mga mata ko sa dilim ay nilinga ko ang paligid.
Bigla na ring lumamig dahil may hangin and to my surprise, it's not that kind of breeze coming from the air conditioner. Uupo sana ako nang may biglang humila ng kumot ko. Umupo ako nang dahan dahan at naglingat sa paligid. Wala namang tao akong nakita.
Inusog ko ang paa ko para ramdamin ang malamig na sahig. At akmang tatayo pa lamang ako ay nahulog ako. Nahuhulog ako.
I am falling on an endless darkness around me. I screamed for help yet no voice, not even a squeak of vibration on my mouth came out. I dared myself to be tough on this. That I know it's just an illusion because of my trauma.
Still I keep on falling like I'm on an infinite pitch black hole. Sumigaw lang ako na parang tanga na halos mapunit na ang mga litid ko sa pagsigaw ko. Habang nahuhulog ako sa itim na kawalan, nakakarinig ako ng mga boses na tila ba bumubulong sa tainga ko.
Hindi ko maintindihan ang mga binubulong sa akin pero kapag bumubulong ay naiirita ako. Tinakpan ko ang tainga ko at bigla ako bumagsak sa matigas na sahig. Una ang likod ko pero wala akong naramdaman na sakit.
Tumayo na lamang ako at nagkaroon ng kulay ang paligid. Nagkaroon ng mga buildings then mga tao. Tatapak pa lang ako para lumakad ay nagiba na agad ng scenery. Nasa isang hallway ako na halos kulay puti ang mga pader at sahig.
Then a doctor runs so fast in the hallway with his nurses. Due to curiousity ay sinundan ko sila. Nang liliko na sila ay may nabangga ako. That which frightens me. Tumagos lang ako sa nurse na yun.
Bigla akong kinabahan kaya hinanap ko ulit yung doctor na tumatakbo. Sinundan ko ang paglakad niya and pumasok siya sa isang Ward. Ward 204.
Pumasok na rin ako sa loob at laking gulat ko sa nangyayari. I saw the thing that I don't want to see. I closed my eyes and open it again hoping it is just a dream.
Yet, as I open my eyes. Same scene and same place where I am, in this room, in front of me are people saving me. Is this a total nightmare?
"Hello?" I screamed. "Hey, I am here. Nandito ako sa likod niyo!"
Pero parang isang lakad lang ng hangin ang sigaw ko. Hindi nila ako marinig. Hindi rin nila ako pinapansin. Lumapit ako sa kanila. Isa isa ko silang kinalabit at lahat sa kanila ay tumagos lang ang daliri ko.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tumakbo at magkarera sa pisngi ko. Parang may kirot— mayroon talagang kirot sa dibdib at puso ko. Para akong nilaslasan sa puso't baga ko.
Ang tanging tanong lang sa utak ko ngayon, buhay pa ba ako?
Ay hindi.
MABUBUHAY PA BA AKO?
Gustuhin ko mang magdabog, magwala, sumigaw, lahat! Hindi ko magawa. Dahil patay na ako. Isa lang akong hamak na kaluluwa. Kaluluwang Ligaw.
Habang nakatayo ako sa pwesto ko at umiiyak. Biglang bumukas ang pinto. Niluwa ng pintong iyon ang magulang ko. Si Mommy at Daddy. Tumakbo patungo sa higaan ng katawan ko. Umiiyak rin sila. Na lalong nagpabasag sa puso ko.
Lalong nagpalalim ng kirot na naroon lang sa puso ko. Lalo akong umiyak dahil sa sakit. I take the steps closer to them. The doctor still saving me. The nurses just assisted him along the process.
My mother, just cried on my father's shoulders watching me on that bed, dying. I felt wreckage. Wreckage on my on parent's heart. When I am near them both, niyakap ko sila. Kahit alam kong hindi ko sila mahawakan.
At hinding hindi ko na talaga sila mahahawakan. Kahit kailan. Until the sound that I feared the most in my life.
The monitor's sound sustains sign of no heartbeat detected. I lift up ny head and look at the monitor. I saw the lines were going straight. My mother looks also in the same direction. Then she falls down on the floor. Screams into the four cornered white room.
"Ashley! Fight, anak. Please for mommy!" then she cries so very loud so as my Dad. Just speechless on what he saw.
"Doc, save my daughter! Please, save her!" he shouted to the doctor and his assistants. He just looks at his watch and looks to the direction where my parents are. Then opens his mouth to tell what time is it.
"5:34 PM, patient's time of death." says the doctor. Making me fall on my knees.
"No, doc. Please save my daughter. She's our only treasure. I can't live if my daughter is dead!" my mother cries so hard.
Nakaramdam na talaga ako ng hapdi sa puso ko. Ito na ba talaga ang kapalaran ko, sa oras na ito, patay na ako. Wala nang dapat ikwestiyon pa.
I closed my eyes. I can't cry anymore, and I never will. Hindi na talaga ako makakaiyak pa at makakasumbong pa. Gusto kong isumbong sa mama ko na patay na ako. Gusto kong isigaw sa kaniya na hindi tanggap ng sarili niyang anak ang kamatayan niya. At isa na akong ganap na ligaw na kaluluwa.
"Ashley! Please don't leave us! Ashley!" I can't hear a thing. I can't hear even a single word after what I saw.
"Ashley, please. Anak! Ashley!" unti unti na rin ang kadiliman sumakop. No sight. No sound. No scent. No touch. No everything.
Then a pain made my eyes open. I am crying. Crying on my own thoughts and nightmare. I was dreaming all along.
"Okay ka na, Ash? Natataranta kami na umiiyak ka habang tulog. Nagpatawag pa kami ng doctor." sabi ni Kia. Sumenyas pa sa akin na tumingin sa kabilang side. At naroon ang doctor. Nginitian pa nga ako.
"Your friends just called us for they thought something was wrong. We'll go ahead." tumango na ako sa doctor. Saka sila umalis sa kwarto.
Tumingin ako sa direksyon nina Kia, Symon, Yuri at Claire. Napansin kong wala si Frince. Napansin rin siguro nilang hinahanap ko si Frince kaya nagsalita na si Claire.
"Binalikan siya ni Mike sa Barn. Huwag ka nang masyadong mag-alala dahil b-in-ack up-an siya ng mga pulis."
"Bakit?"
"Wala ka talagang maalala?"
"Parang wala. Saglit." inalala ko ang ibang pangayayari bago ako magising pero sumakit lang ang ulo ko. "Wala masyado. Sumasakit ang ulo ko."
"Tama nga siguro yung doktor. Tumama siguro yung ulo mo nung bumagsak ka."
"Siguro nga. Kayo? Kamusta kayo?"
Nagkatinginan silang apat. Parang nag-uusap sa bawat tingin nila. Saka sila humarap sa akin. Hinintay ko silang magsalita pero walang sumagot sa akin.
"Hey, Earth to all of you guys?" Pero ayaw pa rin nila magsalita. "Hey, is something wrong?"
"Your parents are here."
.
.
.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Man Behind My Nightmares
HorrorMag-ingat sa mga napapanaginipan dahil maaaring ang tao sa likod ng iyong mga panaginip ang magdala sa iyo sa isang buhay na BANGUNGOT.