Chapter 19

7 1 0
                                    

Chapter 19: Building Slash Company?

•3rd Person's POV•

Bumaba na sina Ashley, Kia at Frince sa Mall. Binayaran na ni Ashley ang metro sa Taxi at sumunod na kayla Frince. Dumuretso sila sa isang Home Appliances na station ng Mall.

Doon sila naghanap ng maaari nilang magamit.

"Ah, Miss. Saan ho ba makikita ang mga Kitchen Tools?" Tanong ni Kia sa Cashier.

"Ah, Ma'am. Diretso lang po kayo at turn right. Andoon ang ibang Kitchen Tools." Nginitian naman siya ng Cashier at nagpaalam naman si Kia.

Sinabi niya kayla Frince ang sinabi sa kaniya ng Cashier. Kaya naglakad na din sila at nagpatuloy.

"So, puro kutsilyo lang ba ang kukuhain natin?" Tanong ni Ashley sa kanila at tinanguan lang siya.

Sakto lang at ang nakita ni Ashley ay dalawang maliit na kutsilyo. Pero mas malaki ito kumpara sa pocket knife niya.

"Akin na itong dalawa ah." Sabay pinakita niya ito kaila Frince at Kia.

"Ito pwede na ba ito?" Tumingin naman si Ashley sa pinakita ni Kia. Lumaki ang nata niya dahil sa pinakita ng Bestfriend niya.

"Kutsilyo lang, Kia. Grabe naman iyan. Frince, tignan mo o?" Kinalabit niya si Frince at tinuro ang kinuha ni Kia .

"Hala, Kia. May galit ka ba?" Natatawang tanong ni Frince sa kaniya.

"Sa Uncle ko, Oo. At tatadtarin ko siya hanggang sa maging pinong pino." At humalakhak sila sa sinabi ni Kia.

"Kia, huwag na iyang Cleaver. Baka, kami pa ang matadtad mo." Sabi ni Ashley kay Kia at natawa din sa naisip niya.


"Oo na, kaya nga ibabalik ko 'di ba?" Nilagay na lang niya yung Cleaver sa pinaglagyan.


Naghanap na lang si Kia na medyo magaan na gagamitin. Naghanap pa siya sa gilid at may nakita siya na parang Citrus knife. Pinakita niya ito kay Frince at tinanong kung pwede na.

"Ok na yan. Buti pa kayo at may nakita na." Depressed si Frince na naghahanap habang ang dalawa ay nagmumukhang nag-eensayo.

"Ishh, huwag kayong malikot baka ako ang masugatan niyo." Sabat sa kanila ni Frince na masyadong seryoso sa paghahanap.

Pero ang isang nakapagpatawag ng pansin niya. Ang Kitchen Shears.


"Wait, siguro pwede na ito." At tinaas ni Frince ang nakuha niya at pinakita sa kanila.

Tumingin naman ang dalawang pinagtitinginan na ng mga tao at nagtaka dahil sa nakitang hawak ni Frince.

"Gunting?" Si Kia.

"Kaya nga. Bakit gunting?"

"Bakit. Kutsilyo na ang sa inyo. At saka Kitchen Shears ito."

"Sus, daming alam. Parehas lang daw yun sabi ni Ms. Cokkoi." Pinaglaban pa ni Ashley.

"Oo pero ito may pangbukas ng mga bottled drinks pati yung kapag kumain ka ng walnuts." Paliwanag ni Frince sa kanila.


"Susmaryusep, Frince Clever Romatico. Ang daming alam. Pero, kapag babae?"


"Kia, kapag babae. Expert yan, 'di ba?" Saka nagtawanan at napa-irap na lang si Frince sa kanila.

Totoong marami siyang naging ka-relasyon pero ng makilala niya si Ashley noong Third Year sila ay hindi na siya nagkaroon ng nobya.

"Aish, wala na bang katulad ng sa kanila?" Naghanap pa si Frince sa Kitchen Knives Section at may nakita siyang medyo malaki sa tulad ni Kia.

The Man Behind My NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon