Chapter 10

20 2 0
                                    

Chapter 10: Aliah??

•Ash's POV•

"Manang, saan kayo galing?" Tanong ko kay Manang na alas nuebe na ng gabi umuwi. Nasa salas pa rin ako ngayon at nanonood ng movie.

"Ah, may pinuntahan lang ako, Ash. Ikaw bakit ka pa nanonood ng disoras ng gabi?" Napatingin ako sa pinapanood ko.

"Wala lang. Inaantay kasi kita at medyo bagot ako ngayon kaya, nanood na lang ako." Pagkatapos ko basahin ang unang pahinang may laman ng damdamin ng kung sinuman ang may-ari ay nanood na lang ako. Medyo, na-boring kasi ako.

"Sige pero kapag alas dies na ay matulog ka na at papasok ka pa bukas." Tumango na lang ako kay Manang at tumingin na lang sa pinapanood kong Erotic na Movie.

Masyado itong R-18 kaya pinatay ko na lang ito at nagbalak na maglakad lakad. Hindi na ako nagpaalam kay Manang at kinuha ko na lang ang jacket ko sa loob. Automatic na dala ko ang wallet ko.

Wala pa akong cellphone dahil naiwan ko siguro yun sa sasakyan ni Yuri o sa lugar na napuntahan ko kanina. Bwiset kasi bakit kasi meron pang ganyang pangyayari sa buhay ko.

Kumusta na kaya sila Kia?

Ok lang kaya sila?

Sarap sabunutan ang sarili ko dahil hindi man lang muna ako humingi ng tulong sa pulis at bakit pa agad akong umuwi.

Pero, gaya nga ng mga nasa palabas ay baka, lumala lang ang problema kapag may pulis na dumating.

'NAGMUKHA TULOY NA PAHAMAK PA ANG PULIS KAYSA TAGAPAGLIGTAS SA PELIGRO.'

Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng aming Village dahil hindi naman pwedeng magsabi ako sa driver dahil madaldal yun. Baka, masabi niya pa kay Manang at hindi pa ako payagan.

Dala ko naman ang favorite pocket knife ko kaya magiging ok lang ang lahat.


"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong sa akin ng Guard. Well, hindi ako kilala dahil ang mga magaganda at masunurin ay hindi lumalabas ng bahay. Charot!

"Ah, I will go out for dinner, kuya." Ngumiti ako ng napagkalaki na halos umabot na sa langit ang ngipin ko.

"Ok, Ma'am. I understand but..." Oh, tumigil siya. Hinanap niya ang isang bagay sa loob ng Guard House habang nag-english. Oh, Ha? May laban kayo sa Guard na nag-English.

"Yu nid tu rrayt yur neym, Mam." (You need to write your name, Ma'am.) Oh ha? Accent pa lang wala na. Kinuha ko na lang ang ballpen na inaabot sa akin at sinulat ang pinakamagandang pangalan sa buong  balat ng Lupa kahit walang balat ang Lupa.

Tumango naman sa akin yung Guard at tinanguan ko na din siya at binuksan na nila yung gate. Lalabas sana ako kaso parang kailangan ko ng safety first, kaya bumalik ako sa guard ng Village na English-ero din.

"Ah, Kuya. Pwede ko bang hiramin yung flashlight niyong may parang electric shock, eme eme." Hindi ko kasi alam ang tawag nun mga kapatid. Kaya, sana maintindihan ni Kuyang Guard slash English-ero.

"Oh, the flashlight, Miss Ashley? Ahmm, ay am tsarjing it, Mam. Bat, ay tink its okey tu yos." (I am Charging it, Ma'am. But, I think its OK to use.) Very good Accent Kuyang Guard.

Pumasok naman siya sa Guard house at yumuko. Tumayo din naman siya at may hawak na siyang flashlight, lumakad siya papunta sa akin at inabot ito.

"Mam, plis bring it bak kikly, okey. Ayl yus it por leyter." (Ma'am, please bring it back quickly, OK. I'll use it for later.) Tinanguan ko nalang ang Guard at lumakad na palabas.

The Man Behind My NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon