Chapter 8

14 3 0
                                    

Chapter 8: Diary

•Ash's POV•

"Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili ko. Parang nasa isang red room ako. Purong Pula ang nakikita ko. Hindi ko alam ang lugar na ito.

Nakatali ang kamay ko at ang sakit ng katawan ko. Sobrang sakit, na para bang may nakadagan pa sa puro pasang kamay. Ganun.

"Tulong?!" Sumigaw ako ng nagpakalakas lakas. Nag-echo ito sa buong kwarto at nag-ingay lang ito. Nasaan ako?

"Tulongan niyo ako." Akmang tatayo kahit nakatali na ang kamay ko ay sige naramdaman ko na pati paa ko ay nakatali din. Pero mas maluwag ang nasa paa ko.

"Shit?!" Napa-mura na lang ako dahil sa bukod na hindi ko alam ang lugar na ito ay ganito pa. Dagdag mo pa ang sobrang sakit kong katawan.

Sumisigaw lang ako ng tulong. Hindi ako napagod. Dahil sanay na ako sa ganito.

"Tulong?! Tulungan niyo ako?!" Sumigaw pa ako. Ayokong mawala ano.

"Tulungan niyo ako! Saklolo?!" Hanggang sa mapaos na ako sa kaka-sigaw para lang humanap ng tulong.

"Palabasin niyo ako." Umiiyak na ako. Hindi ko alam ang sulok-sulok nito. Hanggang sa biglang lumiwanag ang buong paligid, na una ay purong pula ay ngayon ay purong puti.

Biglang naningkit ang mga mata ko dahil bigla lang lumiwanag ang paligid. Nang makapag-adjust na ang paningin ko ay tumingin ako sa paligid.

"Hello? May tao ba diyan?" Naniniguro ako dahil imposibleng walang sinuman ang nasa likod nito. Bigla namang may umukit sa harapan ko na mga letra. Isa isa ito hanggang sa nagbuo na ito ng salita hanggang sa isang pangungusap.

'Did you rememeber anything?'

Bigla na lang nag-flashback sa akin lahat...

.
"Ashley!?" Napaigtad ako ng marinig ko si Kia. Nasa kotse na kami ni Yuri. Paano ako napunta dito.

"Anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Claire. Habang sila ay nakatingin lang sa akin. Maliban kay Frince.

"Binangungot lang iyan." Galit ka pa din?

"Bakit tayo andito? Asaan ang gamit ko?" Tanong ko sa kanila. Hindi nila pwedeng makita yung notebook ko.

"Nasa compartment, Ash. Just calm down." Pinakalma ako ni Yuri. Huminga ako ng malalim saka nilabas ang tensyon ko sa katawan.

"Ngayon, sabihin mo sa amin ang nakita mo?" Si Symon. Anong gustong malaman nito?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang nasa bangungot mo."

"Anong meron dun?"

"Sabihin mo kung ano ang nakita mo." Napatulala na lang ako sa kanila.

Ikukwento ko ba?

Siguro naman ay hindi sila maniniwala.

Pero kaibigan ko sila.

Bahala na.

Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita. Nakatingin lang sa akin ang tatlo habang yubg dalawang nasa harap parang makikinig lang.

"I am in the forest. Running away fron something. I don't know what it is. I can't remember what it is." Nakikinig talaga sila.

Si Claire parang tutok na tutok.

Si Kia, halatang gusto niyang malaman.

Ganun din si Symon, habang ang dalawa sa harap ay nakikinig lang.




The Man Behind My NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon